Ang bilis talaga ng panahon.
Dumating si Frank at may pinost sa bulletin board.
Ang post ay tungkol sa Christmas party ng Crewe Corporation sa December 5 na gaganapin sa Star Hotel.
Kinukuwento ni Dave ang tungkol sa naganap na laban kahapon kina Schuyler at Safety Marcus. Bidang bida sa kanyang kwento si Wallance.
"Shelly, ang galing ni Wallance na panalo niya ang team. Ikaw kasi umuwi ka kaagad hindi mo nakita kung paano niya lampasuhin ang kalaban." Sabi ni Dave.
"Sayang nga eh kaya lang masyado na talaga ako gagabihin."
"Aminin mo nainlove ka sa kanya lalo nung nakita mong nag 3 points, nagsisigaw ka kaya sumakit ang tenga ko." Sabay tawa ni Dave.
"Naku sino ba naman ang hindi maiinlove dun, kulang na lang lumundag ang puso ko palabas pag nakikita kong nakaka 3 points siya. Diba nakita mo yung mga staff ng JK kung makatili grabe." Dagdag ko pa.
"Shelly!" tawag ni Schuyler. At tinitigan ako habang papalapit.
"Ibigay mo nga sa JK DC ang planong ito."
Pumunta ako sa Basement 1 at binigay sa Document Controller ang plano. Palabas na ako sa office ng nakasalubong ko si Wallance. Sinundan ako at tinanong kung nanood ako ng game nila.
"Oo nanood ako kaya lang hindi ko na tinapos dahil masyado na akong gagabihin."
"Next time sana matapos mo ang game, dedicate ko sa iyo ang next game namin." Napangiti lang ako sa sinabi niya at nagpaalam na ako.
Malapit na ako ng office ng matanaw ko si Schuyler na naka hard hat kasama si Foreman papuntang Basement 3. Bubuksan ko na ang pinto pero naka-lock kaya kinuha ko ang susi sa bulsa at hindi ko pala nadala ang susi na inilagay ko sa ibabaw ng mesa at pati cellphone naiwan ko din. Kumatok ako kay Frank ngunit walang sumasagot at naalala ko na pumunta nga pala si Frank sa head office. Ilang saglit akong naghintay sa pagdating ni Schuyler. Nainip ako kaya napagpasyahan kong pumunta sa Basement 1 para mag cr, tinagalan ko ng konti saka bumalik pero pagdating ko naka lock pa rin. Naghintay na lang ako sa tapat ng pinto at hindi naman nagtagal natanaw ko na paparating si Schuyler at Foreman. Nagtatakang nakatingin sila sa akin.
"O bakit nandito ko?"bungad na tanong ni Schuyler at saka inalis ang suot na hard.
"Sir, nakalimutan kong dalhin ang susi ko." Tipid na ngiti lang ang sinukli niya sa akin.
Dumating na rin sina Safety at Dave. Nilapitan ako ni Dave at sinabi na may dala siyang video copy ng game nila Wallance at dahil mag lunch break na pinanood namin. Si Schuyler nakipanood din at habang nanonood nagbibigay ng comment si Dave, Safety at Schuyler.
"Shelly, Kilig ka noh!" sabi ni Dave.
"Dave, pakopya ng video na yan." sabay abot kay Dave ng flash drive. Napansin kong lihim na sumulyap sa akin si Schuyler.
"Shelly, para ulit-ulitin mong mapanood noh!" kantiyaw naman ni Safety sa akin.
"Pagpapantasyahan mo lang si Wallance." Biro ni Dave.
"Hindi ko naman napanood lahat ang game." Natatawang sabi ko.
LUNCH BREAK
Panonoodin ko ulit ang laro ni Wallance. Nagsuot ako ng headset para hindi maka istorbo sa natutulog nang sina Dave at Safety. Ilang saglit lang pinatay na ni Schuyler ang ilaw. Nilingon ko muna si Schuyler na busy sa kanyang cp saka inumpisahan kong manood. Ang galing talaga palang maglaro ni Wallance at maririnig ang walang patid na hiyawan ng mga manonood. Nilingon ko ulit si Schuyler nakayuko na sa mesa niya at natutulog.
BINABASA MO ANG
The Handsome Project Manager
RomanceWhen sleeping beauty woke up from her sleep, the first person she saw is the one who gave her everlasting love.---The Handsome Project Manager.