Chapter 20

4K 76 0
                                    

It's unfair when we find ourselves loving those who don't care about us while ignoring those who truly care and love us.--- Terry Mark


Ayokong pumasok sa trabaho ngayon kung hindi ko lang naalala na marami pa akong gagawin kaya kahit inaantok pa pinilit kong pumasok.

"Shelly, antok na antok ka ah. Mukhang hindi ka nakatulog kagabi kakapanood ng game ni Wallance. Ilang beses mo pinanood?." Tanong sa akin ng kararating pa lang na si Dave.

"Hindi ko nga napanood eh."

"Ganun! Eh bakit antok ka?."

"Kinagat kasi ako ng lamok, yun hindi ako nakatulog." At tiningnan ko si Schuyler na napangiti.

Kumuha ako ng salamin at nakita ko ang laki nga ng eyebag ko.

"Kasalanan mo ito Schuyler, inabutan na ako ng pagtilaok ng manok hindi parin ako nakakatulog dahil iniisip ko ang ginawa mo. Siguro ang sarap ng tulog mo kagabi samantalang ako ito parang zombie at mukhang zombie." Yan ang gusto kong sabihin sa iyo.

Tok!Tok!Tok!

Dumating si Wallance.

"Good morning Mam, Good morning Sir." Bati niya sa amin saka dumiretso sa mesa ni Schuyler. May binigay siyang papel kay Schuyler, binasa at pinirmahan naman ni Schuyler. Tumayo na siya at nagpaalam sa akin.

"Si Shelly naka silay na naman." binibiro ako ni Safety.

"Shelly, kilala ko na kung sino ang nagpapadala ng roses sa iyo. Halika ito tingnan mo." Pinakita sa akin ni Dave ang picture na nakasave sa cp niya. Isang gwapong lalaki.

"Weh! d nga? Kung yan lang sasagutin ko na." Birong sabi ko.

"Hula ko lang." at tumawa.

"Sino naman yan?"

"Si Bobby ang safety officer ni Wallance."

"Hindi ko siya kilala."

"Eh kung si Schuyler ang magbibigay sa iyo ng roses, sasagutin mo ba?" mahinang tanong ni Safety saka tinanaw namin si Schuyler.

"Safety, wala ng patumpik tumpik pa "Oo na agad"." mahinang sagot ko at nagtawanan kami, napatingin sa amin si Schuyler kaya nagsimula na kaming magtrabaho.

Umupo ako sa malaking mesa na halos nakatapat sa mesa ni Schuyler ang upuan ko. Itinaas ko ang plano para hindi ko siya makita. Tahimik kami sa kanya kanya naming ginagawa.

"Nakakainis! Wala mang reaction. Kami lang naman nandito sa office at hindi sinamantala para magsorry o magpaliwanag kung bakit ako hinalikan. Schuyler, minamanyak mo lang ba ako?" bulong ko at tumayo ako para kunin ang cp. Nakita ko na sumulyap siya sa akin at binawi kaagad.

Lumabas ako at nagpunta sa cr. Naupo ako sa toilet bowl at nagtext kay Ivy at kinuwento ang ginawa ni Schuyler. Gulat na gulat si Ivy sa nalaman niya. Sinabihan ako na huwag mag-alala kasi feeling niya may gusto sa akin si Schuyler. Napansin daw niya na ibang ang titig sa akin nung magkakasama kaming kumakain. Sinabi ko na hindi muna ako babalik sa office kahit pagalitan ako at kapag napuno ako magreresign na ako.

Kalalabas ko pa lang nakita ko si Schuyler kausap si Victoria at nagtatawanan. Nainis ako kaya hindi ko sila pinansin kunwari hindi ko sila nakita.

Pagpasok ko sa office ni-lock ko ang pinto at itinuloy ko na ang pagrereview ng plano at nang malapit na akong matapos,  yumuko ako para makaidlip ng kaunti, maririnig ko naman ang pagbukas ng pinto. Ilang sandali pa naramdaman ko na may nagbubukas ng pinto at umayos ako ng pagkakaupo. Tiningnan ko ang oras mag lunchbreak na pala. Si Dave at Safety sabay dumating. Pinagkukuwentuhan nila si Schuyler nakita daw nila na kasama si Victoria papuntang Skagen Mall. Mukha daw may gusto si Schuyler kay Victoria kasi nga napapansin nila na panay tingin si Schuyler kay Victoria at bagay daw ang dalawa.

Pumunta ako ng canteen at bumili ng pagkain. "Victoria! Victoria!. Well, maganda, matangkad at seksi pasok sa qualification ni Schuyler." Naiinis na bulong ko.

Sabay sabay kaming kumain ng lunch at pagkatapos umakyat na ako para magtooth brush. "I hate you Schuyler! I hate you!" habang nakaupo sa toilet bowl. Papalabas na ako ng cr ng makita ko sina Schuyler at Victoria na parating kaya dali dali akong bumalik sa loob ng cr, tumingin sa salamin. Ang saya ng dalawa habang nag-uusap. Ang sakit kapag nakikita mo na ang taong mahal mo may kasamang iba na nagpapasaya sa kanila at naiiyak ako. "Schuyler, Who you ka sa akin pagpumasok ako ng office."

Naiinis ako kay Schuyler.

"Yung pinadama niya na may gusto siya sa akin o ako lang ang assuming. Eh bakit ba naman niya ako hinalikan?" at hindi ko maiwasang umiyak.

"Schuyler, P.M ka nga, Paasang Manager!" at natulog na ako.


"Shelly......! Shelly....."at kinulbit ako.

"Safety, 1 pm na ba? inaantok pa ako." saka nag unat.

"Shelly. 1:30 na! Kakaltasin ko ang oras mo sa trabaho."

"Schuyler!" at dali dali akong tumayo.


Back to work na. Hindi ko namalayan ang oras at mag-uuwian na naman.

Mabilis akong lumabas ng office. Naglalakad ako ng makita ang kotse ni Schuyler na may kasamang babae sa loob ng kotse....si Victoria.!

"I hate you Paasang Manager!"....


TEARS FALL


Ipagpatuloy

----------------------------------------------------------------------------------

---FLASH BACK---

<Schuyler>

Habang kumakain sa Skagen Mall si Schuyler at Victoria.

"Schuyler, sasabay ako mamaya pag-uwi sa iyo."

"Victoria, may mahal na ako kaya kaibigan na lang ang turing ko sa iyo." Napatigil sa pagkain si Victoria.

"Well kayo na ba?." walang kakurap kurap nakatitig kay Schuyler at hindi naman nakasagot si Schuyler.

"Schuyler, hindi naman pa pala kayo at malay mo mainlove ka sa akin." At binigyan ng mapait na ngiti si Schuyler samantalang nakatingin si Schuyler sa cp niya.... "sa picture ni Shelly".

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon