Sa bahay nila Schuyler
Ubo! Ubo! Ubo!
"Papasok ka pa rin ba kahit masama ang pakiramdam mo?
"Opo. mawawala din ito mamaya."sagot ni Schuyler sa mommy niya.
"Wag mong kalimutan uminom ng gamot." Dagdag pa ng mommy niya.
Office
Dahil sa mga sinabi sa akin ni Foreman hindi na ako galit kay Schuyler at hindi na ako magsusuplada.
"Good morning Sir." Naupo si Schuyler at kinuha sa bag ang laptop.
Naiwan kaming 2 ni Schuyler sa office.
Click! Click! Click!
Ubo! Ubo! Ubo!
Tumayo si Schuyler at kumuha ng tubig para uminon, napansin ko din sinisipon siya. Sobrang lamig na sa office kaya hininaan niya ang aircon. Napapalingon ako sa kanya dahil kanina pa umuubo at mukhang sumasakit ang ulo.
Click! Click! Click!
Wala kaming usapan, busy sa kanya kanyang ginagawa. Lumapit siya sa akin.
"Shelly, pa-print ng 25th Floor."
Inabot ko sa kanya agad pagkatapos ko ma-print.
"Shelly, sumama ka sa akin sa site may titingnan tayo."
Nagsuot ako ang PPE at sumunod sa kanya. Pumunta kami sa Basement 1 elevator lobby. As usual tinginan na naman ang worker. Bumukas ang elevator at pumasok na kami.
"Shelly, dito ka sa tabi ko." utos ni Schuyler. Lumipat ako at tumabi sa kanya.
"Ano naman ang drama nito." naiinis na bulong ko.
25th Floor
Ang daming gumagawa, maalikabok at mainit. Tinungo namin ang nasa dulong room at chineck kung tama ang location ng devices as per plan. Pinuntahanan din namin ang lahat ng room.
Sa isip-isip ko wala bang kapaguran itong si Project Manager masama na ang pakiramdam gala pa ng gala at sinama pa ako..grrrr!!!!!..nakakainis kung pwede nga lang bang bumaba na iwan ko na lang siya. Naalala ko nangako nga pala ako na hindi na ako magsusuplada sa kanya.
Sa wakas natapos na rin at pumunta na kami sa Elevator Lobby at naghintay dumating ang elevator.
Ilang minuto na ang nakakalipas hindi pa dumarating ang elevator at sumasakit na ang paa ko kakatayo kaya bumuntong hininga ako. Napatingin sa akin si Schuyler na matiyagang naghihintay. May nagsidatingan na rin na worker na pababa.
Ubo!Ubo!Ubo!.
"Yan inuubo ka na naman." bulong ko.
Nakita kong kumuha si Schuyler ng panyo saka itinakip sa bibig at binuksan ang isang butones ng damit.
"Shelly, pinagpapantasyahan mo na naman si Schuyler." sa isip ko.
Click! Biglang nag brown-out.
Madalim ang kapaligiran. Binuksan ng worker ang flashlight ng cp nila ngunit hindi sapat ang ilaw para maging maliwanag ang kapaligiran. Na isip ko wala naman siguro mananamantala para manghawak sa akin.
"Shelly, dito ka sa tabi ko." sabi ni Schuyler sabay hawak sa akin para makalapit sa tabi niya.
Napansin ko na mainit ang kamay niya parang may lagnat.
"Ay!" may humaplos sa likod ko.
Hinila ako ni Schuyler sa may harapan niya. Nakadikit ang dibdib niya sa likod ko, ramdam ko ang pintig ng puso at ang init ng hininga . Humarap ako sa kanya at nilagay ang kamay ko sa noo niya para malaman kung may lagnat. May lagnat nga at naririnig ko pa ang pagsinghot niya.
BINABASA MO ANG
The Handsome Project Manager
RomanceWhen sleeping beauty woke up from her sleep, the first person she saw is the one who gave her everlasting love.---The Handsome Project Manager.