Chapter 50

3.7K 64 0
                                    


Nagbababad ako ng aming damit at napansin ko na naman na may lipstick ang uniform ni Schuyler. Napapadalas ang pag-uwi niya ng masyadong gabi. Masyado daw kasi siyang busy dahil madaming problema sa site.

Ayoko naman siyang tanungin tungkol sa lipstick sa uniform  kasi ayokong madagdagan pa ang problema niya.

Ring!....Tumunog ang cp ni Schuyler.

Kinuha ko sa bag niya at tiningnan kung sino ang tumatawag.... Si Cindy..at sinagot ko.

"Love, kamusta ka na?" at bigla kong cancel sa tawag. Bumalik ulit ako sa cr, nanginginig ako sa galit ng marinig iyon. Si Cindy na naman, alam na niyang asawa ko na si Schuyler pero ayaw pa rin niyang tigilan ito.

"Shelly, Sinong tumawag?" tanong niya sa akin habang papalapit siya ng cr.

"Si Cindy." Kalmang sagot ko.

"Bakit mo naman sinagot? Sa susunod nga wag mo ng pakikialam ang cp ko ha." Naiinis na sabi niya. Gusto ko siyang sugudin sa sinabi niya pero pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Schuyler, malaman ko lang na niloloko mo ako, iiwanan kita." At hinawakan ko ang singsing ko.

"Shelly, lalabas muna ako ha." Paalam sa akin at umalis na.

Hindi man lang niya sinabi kung saan pupunta. Humiga ako sa kama at tumingin sa nakasabit na wedding picture sa dingding.

"Wag mo akong lolokohin dahil iiwanan kita."

Ring! Ring!......

(Unknown number)

"Hello."

"Shelly, Si Charles de Castro ito."

"Charles?..."

"Remember the star sa Centara?.."

"Ah...oo, natatandaan na kita."

"Nandito ako sa Skagen City ngayon dahil sa business deal. Naalala kita kaya invite sana kitang magdiner."

"Ok sige." Aalis din ako at hindi magpapaalam sa iyo Schuyler bakit ikaw ba nagpaalam sa akin ng umalis ka.

"Kita na lang tayo ng 6pm sa Skagen Mall. Tatawagan na lang kita ulit."

4pm pa lang nasa Skagen Mall na ako. Dahil gusto kong ibili si Schuyler ng mga damit na galing sa sarili kong pera.

Ring!Ring!...

(Charles Calling)

Hindi ko napansin ang oras 6pm na pala kaya nagmamadali akong nagbayad.

Pagkakita sa akin ni Charles nakipagkamay agad siya sa akin.

Sa isang exclusive restaurant kami kumain ni Charles.

"Kamusta ka na Shelly?... ang Buhay may asawa?"

"Ok naman, mabait naman si Schuyler." Uminom ako ng juice.

"Naku bantayan mo si Schuyler, habulin iyon ng mga babae." tiningnan niya ako sa mata.

"Oo nga eh. Kahit hindi ko pa siya bf, habulin na siya."

"Kung mahal ka talaga niya kahit ano mang pang aakit ang gawin sa kanya ng mga babae hindi pa rin siya papatol sa mga ito." Binigyan ako ng mapait na ngiti ni Charles.

"Ikaw may asawa ka na ba o gf?" tanong ko sa kanya.

"Walang asawa at gf."

"Ganun. Niloloko mo yata ako eh. Sa gwapo mong yan."

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon