Chapter 32

3.6K 62 1
                                    

December 25.

Ang daming dumating na mga bisita, mga kamag-anak, inaanak at kaibigan.

"Amanda, kunin mo ang juice sa ref." at inayos ko ang pinggan sa mesa.

"Halika na po kain na tayo." Nagsipag upuan na sila tita at tito at anak niyang si Emma. Nag umpisa na kaming kumain.

"Kamusta ka na Shelly? May asawa ka ba? tanong sa akin ni Tita.

"Wala pa po." mahinang sagot ko.

"Wala pa? buti ka pa samantalang ang anak kong panganay kaka-graduate lang, nag-asawa kaagad at sinasaktan pa ng asawa saka iniwan. Ayan sa amin pinaaalagaan ang anak niya.

"Nay naman!" sabi ng pinsang kong si Emma.

"Kaya kayo ni Amanda, piliin at kilalanin ninyo mismo ang mapapangasawa ninyo." Paalala ni Tita sa amin.

"Siguro naman kung si Schuyler ang mapangasawa ko hindi naman siguro niya ako bubugbugin." Sa isip isip ko. Naalala ko na naman siya pero ako hindi naalala dahil hindi pa rin siya nag memesage.

Naging abala ako sa pag asikaso sa mga bisita na walang patid sa pagdating. Naging maamos na ang itsura ko at magluluto pa ulit kami kung sakaling may darating pa. Madami kasi din ang dumating kaninang hapon.

(Gayat..Gayat...Gayat..)

"Huhuhu!!!...Naiiyak na ako sa paghihiwa ng sibuyas." Pinunasan ko ang mata ko.

"Ma, tama na ba ito?" pinakita ko kay mama ang nahiwang sibuyas.

"Konti pa! maggayat ka pa!"

"Huhuhuhu...!!! Sakit na ng mata ko. Iyak pa more.."

"Amanda, nasaan ka ba? tulungan mo nga ako dito." Lumingon ako para hanapin kung nasaan si Amanda.

"Schuyler!" gulat na sabi ko. Si Schuyler nakatayo sa may pintuan may dalang regalo kasama si Amanda.

"Ate, si Schuyler." Tawag sa akin ni Amanda at napapangiti. Napaluha ako dahil nakita ko si Schuyler, hindi naman halata na siya ang dahilan ng pag-iyak ko. Ang alam ni mama yung "sibuyas" ang may kasalanan kung bakit tumutulo ang luha ko at sabay singhot pa.

"Good evening po." Bati ni Schuyler kay mama na napatingin sa kanya. Lumapit si Schuyler kay mama nagpakilala at nag-abot ng regalo. Pati si Amanda binigyan din niya.

"Ate, ako na bahala dyan, asikasuhin mo na muna ang bisita mo." At kinilig.

Ang gwapo ni Schuyler kahit naka v-neck t-shirt at maong pants lang.

"Hi!"bati sa akin ni Schuyler. Dinala ko siya sa sala.

"Schuyler, upo ka muna. Saglit lang ha." Umalis ako para makapag ayos.

"Si Schuyler!!" kinikilig ako habang naghihilamos.

"Shelly! Wag kang magpapahalata baka akalain niya easy to get ka." sabi ko sa sarili ko.

Pagkatapos bumaba na ako. Papalapit pa lang ako nakatingin na si Schuyler at may inabot na regalo. Umupo ako sa katabing maliit na sofa at humarap sa kanya.

"Salamat Schuyler."

"Ngayon lang ako nakarating kasi heavy traffic." Paliwanag niya.

"Siguro gutom ka na. pasensya na ha nagluluto pa si mama."

"Ok lang. hindi pa naman ako gutom." Titig na titig siya sa akin parang tinutunaw ako sa titig at naramdaman kong bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Kamusta ka na? kamusta ang naging conference mo?" gusto ko sanang itanong kung bakit ngayon lang siya nagpakita at sabihin na miss ko siya ng sobra.

"Ok naman. 2 days ang conference sa Singapore tapos nakipag meet pa ako sa mga dating nakatrabaho ko kaya natagalan akong bumalik. Kararating ko lang kahapon. Kamusta ka naman?"

"Ok din at busy nitong nakaraang araw dahil holiday."

"Shelly, na miss kita." Titig na titig siya. Gusto kong matunaw sa kinauupuan nang marinig iyon pero kailangang magpigil. Naging tahimik ang kapaligiran kaya binuksan ko ang tv.


8:00pm

Tinawag na kami ni Amanda para kumain, nagtungo kami ni Schuyler sa kusina. Pinaupo ko siya. Si mama at Amanda ay nakatingin sa kanya.

"Si Schuyler ba ang boyfriend mo?" tanong ni Amanda.

"Hindi...magiging bf pa lang." sabi ni Schuyler. Napa inom ako ng tubig. Dahil sa sagot niya madaming tinanong si mama sa kanya. Sinabi ni Schuyler na nanliligaw siya at nagulat si Amanda sa narinig.

"Shelly, siya pala ang boss mo sa site."

"Opo ma, siya po." Hindi na tinanong pa si Schuyler.

Naglilinis kaming dalawa ni Amanda samantalang si Schuyler at mama ay nagpunta sa sala.

"Ate, bakit hindi mo sinabi na nanliligaw sa iyo si Schuyler? Alam mo ate, kung ako sa iyo sasagutin ko siya kaagad. Gwapo at mayaman. Ano pa ba ang hahanapin mo sa kanya?" at naupong nakakalumbaba sa mesa samantalang ako ay busy sa paghuhugas ng plato.

"Yun nga ang nakakatakot. Gwapo at mayaman nga, habulin naman ng mga babae. Malay mo babaero din siya" pinunasan ko ang mga plato.

"Bigyan mo siya ng chance pag napatunayan mo na pangit ang ugali, idispatya mo agad. Kaysa hindi mo binigyan ang sarili mo na makilala siya."


Nakihalo na kami sa sala. Matagal ang aming kwentuhan kaya hindi namalayan ang oras.

"9:00 pm na pala. Shelly, sa kwarto mo na lang patulugin si Schuyler. Dilekado na siyang magbiyahe at marami pang lasing ngayon." Utos sa akin ni mama. Nagkatinginan kami.

Sa kwarto ko.

"Schuyler, upo ka muna. Sandali lang may kukunin ako, lumabas ako saglit. Naratnan ko siyang tinitingnan ang mga picture ko na nakalagay sa ibabaw ng drawer.

"Siguro kasya na sa iyo itong damit at short, sa kuya ko yan. Nasa abroad siya, nagtatrabaho. Inabot ko na rin sa kanya ang tuwalya. Sa katabing kuwarto ang cr." Pumunta siya sa cr at inayos ko ang kama.

"Kasya naman pala sa iyo." Pinagmasdan ko at namangha sa kanyang itsura. Gwapo talaga siya. Umupo siya sa kama.

"Schuyler, Sensya na sa higaan ha. Kapag may kailangan ka pa katukin mo na lang ako sa tapat na kwarto, sa kwarto ni Amanda." Tumalikod na ako.

"Shelly, i love you." at niyakap ako mula sa likod.

"Schuyler, baka makita tayo ni Amanda." Tinanggal ko ang kanyang pagkakayakap at saka nagmamadali akong lumabas. Naiwan siyang nakatayo.


I Couldn't Say I Love You



Ipagpapatuloy


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon