Chapter 13

4K 67 0
                                    

Kumilos si Schuyler. Nagtulug-tulugan ako at hindi pinahalata na nakikita ko siya. Tiningnan niya ako. Tinitigan ng matagal....ng matagal!!...

Bog! Bog! bog! ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Freeze!..Heart Attack!!!...

"Please..! tumayo ka na!!!" sa isip isip ko.

Kinuha niya ang unan at nilagay sa tabi ko saka tumungo ng cr.

Bumangon ako at nakita si Dave mahimbing natutulog sa tabi ko kaya pala nilagay ni Schuyler ang unan sa tabi ko para pangharang sa pagitan namin ni Dave. Sa lapag nakahiga si Safety Marcus na nakakumot, si Foreman Alex katabi ni Safety. Sa kabilang banda si Frank na humihilik ng malakas. Tumayo at hinawi ko ang kurtina. Nakakasilaw ang liwanag sa labas at matatanaw ang mga naglalakihang building.

"Good morning! Nasaan tayo?" tanong ko kay Schuyler na kalalabas lang ng cr.

"Nandito sa Skagen City sa Hnaz Hotel. Lasing na lasing kayong lahat kaya dito ko na lang kayo dinala."

"Ikaw na ang yayamanin! Hmp!... Galit pa rin ako sa iyo!" sa isip isip ko.

Nagising na sina Dave, Marcus, Alex at Frank.

"Shelly, nalasing ka at anu-ano ang pinagsasabi mo kay Schuyler." kababangon lang ni Dave.

"Anong sinabi ko? Hmmm......Hindi ko maalala."

"Tanungin mo na lang si Schuyler."

Nagyayang kumain si Schuyler sa restaurant na nasa 1st floor. Treat daw niya at pampaalis ng hang-over. Tahimik akong kumain at hindi ko pinapansin si Schuyler. Pagkatapos kumain, lumabas na kami at nagpaalam sa isa't-isa. Sumakay ako sa kotse ni Dave ihahatid niya ako sa terminal. Sina Marcus, Frank at Foreman sa kotse ni Schuyler sumakay.

Nakasakay na ako sa FX papuntang The Greens ng maalala ko na hindi ako nakapagpaalam kay mama na gagabihin. Hinanap ko ang cellphone sa bag. Hindi ko makita, napatingin na ang katabi ko sa akin dahil ang likot ko sa kinauupuan. Inisip ko kung saan ko nailagay. Wala talaga sa bag.

Pagbaba ko FX dali-dali akong pumasok ng bahay at naabutan si Amanda na nanonood ng tv.

"Oh ate nandito ka na pala. Ate, ang ganda pala ng boses ni Schuyler." bungad sa akin ni Amanda.

"Maganda ang boses?"nagtatakang tanong ko.

"Oo, tumawag siya sa akin. Akala ko nga kung sino kasi unknown number. Sabi ni Schuyler hindi ka makakauwi dahil nasa birthday celebration kayo huwag daw kaming mag-alala kasi hindi ka daw niya pababayaan." Paliwanag pa niya

Dumiretso ako sa kwarto at nilabas ang lahat ng laman ng bag. Wala talaga. Inalala ko kung saan ko nailagay. Hay! Makatulog na nga lang, kaya lang ewan ko ba kahit anong pilit kong matulog hindi ako dalawin ng antok dahil siguro iniisip ko pa rin kung nasaan ang cp at kung ano ang mga nangyari kagabi. Bumangon na lang ako at inumpisahan maglinis ng buong bahay. Pinalitan ang punda ng aking unan, pinunasan ang mga bintana, pinalitan ang mga kurtina, nilinis ang sahig at nag agiw.

"Ate, ano ang nakain mo at naglinis ka ng buong bahay?" tanong sa akin ni Amanda na nakatayo sa harap ng pinto ng cr.

"Nagpapapawis lang. Oh! Ayan tapos ko na linisin ang cr." Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig. Naupo at pilit na inaalala.

"Ate si Schuyler hinahanap ka." at inabot sa akin ang cp.

"Hello Sir."

"Hello Shelly, nasa akin ang cp mo. Tinawagan ako ng Hnaz Hotel dahil naiwan mo cp sa kwarto at ito kakukuha ko lang." paliwanag ni Schuyler.

"Sir thank you."

"Walang anuman." at binaba na.

Office

"Good morning!" bati ko pagpasok sa office.

Dumating si Schuyler at inabot sa akin ang cp at nagpasalamat ako sa kanya.

Hindi ko siya masyado pinapansin. Nagtatampo pa rin ako sa kanya pagkatapos niya akong pagalitan noong sabado akala niya makakalimutan ko na pinaiyak niya ako. Hindi noh!

Inutusan niya ako na magsubmit ng document sa JK Office at agad naman akong umalis. Pagbalik ko sa office nakita ako ni Foreman at tinanong ako kung gusto ko pumunta sa 19th Floor para makita ko yung ginagawa na pag-aadjust dahil sa issue ng maling planong nabigay ko. Kinuha ko ang hard hart at nagpaalam kay Schuyler. Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya lumabas na agad ako ng office.

Sa 19th Floor, busy sa pag-aadjust ang mga worker. Nahihirapan sila sa pag-aayos kasi maliit lang ang ginawang butas sa ceiling buti nga napapayag ni Foreman Alex ang foreman na magpabutas sa ceiling kasi usually kapag may ceiling na at may inayos dapat bayaran ng company na nagpabukas ng ceiling ang manpower/materials cost.

Aral din siguro sa akin yun na dapat maging maingat ako sa mga gagawin ko lalo na sa pagbibigay ng mga plano. Naisip ko din ang naramdaman ni P.M. siya kasi ang magkaka problema sa aming mga kapalpakan.

Sinamantala ko na tanungin si Foreman Alex kung ano ang mga nanyari sa G-restaurant at bigla siyang natawa.

"Galit na galit ka kay P.M. sinabihan mo ng I hate you! at kay Dave naman hindi ka bumibitaw kahit naiihi na si Dave hindi siya makaihi kasi ayaw mong tanggalin ang pagkakakapit sa kanya at muntik ng mapaihi si Dave sa pantalon buti napigilan. Nang nagbanyo na si Dave kay Schuyler ka naman kumapit sa braso. Mahigpit at niyakap mo pa si Schuyler para kang tuko kung kumapit at nang makatulog ka sa kinauupuan mo saka lang ikaw nakabitiw kay Schuyler kaya lang natulog ka na nakahilig sa kanya, ang ulo mo nasa dibdib ni Schuyler halos yakapin ka niya para hindi ka matumba. Hindi ka na ginising kasi baka mangulit ka na naman." kuwento ni Foreman.

"Hindi na uminom si Schuyler para hindi siya malasing kasi may alagain siya na ang sarap ng tulog sa dibdib niya at dahil sa masyado ng gabi nagpasya si Schuyler na sa hotel na lang tayo matulog delikado na rin sa labas. Masyado namoblema sa iyo si Schuyler kasi ang gusto mo pang katabi sa higaan si Dave. Binantayan at hinintay ka ni Schuyler na makatulog saka ka hiniwalay kay Dave at mabuti hindi napuno sa kakulitan mo si Schuyler." dagdag pa ni Foreman.

"Foreman, wag mong sasabihin na tinanong kita." pakiusap ko.

Natawa lang si Foreman.

"Shelly, may gusto siguro sa iyo si Schuyler."nangingiting sabi ni Foreman.

"Hindi po magkakagusto sa akin iyon."


Stand By Me



Ipagpapatuloy

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon