Chapter 6 - ( Because It Hurts )

4.8K 87 0
                                    

Smile, little lady, everything will be fine.

Cry it out loud, up in the cloud.

Raindrops will fall and soon it will be gone.

Smile, little lady, I'll be here by your side.

--Amandaleekisses14


Huminto ang kotse sa harapan ko, bumaba si Sir Schuyler. Nilapitan ako at inalalayan sa pagsakay sa front seat ng kotse niya.

Tumingin sa amin ang mga JK staff na papauwi na rin.

"Sorry girls, sa akin siya! Ooppsss biglang humaba yata ang hair ko." sa isip-isip ko.

"Saan ka nakatira Shelly?" tanong ni Schuyler habang inaayos ang side mirror.

"Sa The Greens po."

Tinext ko si Amanda na naaksidente ako sa site at kailangan niya akong abangan sa gate.

Tahimik sa loob ng kotse. Naiilang ako habang nakaupo hindi ko alam kung ano gagawin ko.

"Magtatanong ba ako? magkukuwento? matutulog-tulugan?.." napa buntong hininga na lang ako.

Turn-on ni Schuyler ang radio. Napansin din yata niya na naiilang ako. Matagal din ang naging biyahe namin.

Nakita ko si Amanda nasa gate na nag-aabang.

"Sir, dyan po sa may gate na blue." turo ko sa kanya.

Huminto ang kotse at bumaba si Schuyler para alalayan ako. Napatingin at napatulala si Amanda kay Sir Schuyler.

"Sir, She's my sister Amanda." Pakilala ko sa kapatid kong nakatitig kay Schuyler.

"Hi!" tipid na bati sa kapatid ko.

"Sir, Thank you po."

Tumango si Schuyler. Hindi na siya pumasok pa sa house. Umalis na at pinaandar ang kotse ng mabilis.

"Ate, Siya ba si Schuyler?" tanong ni Amanda na mukhang kinikilig pa.

"Oo, Siya nga! Hindi ko na kailangan kunan ng picture, dinala ko na dito ng personal. Diba may pagkakahawig kay Lee Jong Hyun? Pero hindi lang siya ang gwapo sa site 'yong knight in shining armor ko din. Hoy! Alalayan mo ako amanda"

Nakatanaw pa rin si Amanda sa papalayong kotse ni Sir. Kinuwento ko kay mama at Amanda ang mga nangyari.

"Sino ang sinasabi mong knight in shining armor mo na feel na feel mo ang pagkakayakap sa iyo?"

"Wallance ang pangalan, first time ko pa lang siya nakita."


Sunday

Nagising ako sa tunog ng cellphone.

Message received:

"Mam, are you okay now?"

Sino kaya ito? Hindi naman nagpakilala. Sabay taklob ng kumot.

Ginising ako ni Amanda para maka pagtanghalian na. Ang haba ng tinulog ko. Konting sakit na lang ang nararamdaman ko sa paa samantalang sa braso ko masakit pa rin. Nilinis at pinalitan ko ng bandage ang sugat sa braso. Ayoko munang kumilos masyado baka hindi gumaling ang paa ko at hindi ko pa makita si P.M. natatawang naiisip ko.

Nagmessage ako kay Ivy sa Facebook. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Kinilig daw siya ng malaman na hinatid ako ni Sir Schuyler. Simula na daw iyon ng lovestory namin. Natawa lang ako sa sinabi niya.

Nag browse ako sa facebook ng makita ko na ni-like ng mga college classmate ko ang wedding picture ni Patrick, ang ex-boyfriend ko. Ang bilis naman niyang makalimot 6 months palang kaming break nagpakasal kaagad.

Tinawagan ko si Ivy.

"Hello! Ivy, alam mo ba si Patrick nagpakasal na." maluha-luha kong sabi.

"Akala ko ba nakalimutan mo na siya? Umasa ka pa na babalikan ka pa niya kahit alam mo na pinagpalit ka na sa iba."

"Akala ko nga, masakit pa rin pala. Siguro.....Siguro nga umasa pa ako!" sabay iyak ko.

"Sige iiyak mo lang iyan para bukas wala ka nang iiyak kaya lang pag namugto ang mata mo papanget ka at hindi na maiinlove pa sa iyo si The Handsome Project Manager!" pinatatawa lang ako ng Ivy.

2 years kaming naging magkasintahan ni Patrick. Hindi ko akalain na lolokohin niya ako at pinagpalit pa sa kaibigan ko na pinagkatiwalaan ko din. Humagulgol ako ng iyak parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit. Ang sakit sakit!.....Humiga ako sa kama at nagtakip ng unan sa mukha.

Hikbi!Hikbi!....

Ring!Ring! Ring!..........Tumutunog ang Cellphone ko. Hinayaan ko lang tumunog.

Ring!Ring! Ring!..........Tumunog ulit. Kinapa ko ang cellphone na nasa kama at sinagot ang tumatawag.

"Hello!" ang sagot ko

"Hello! Shelly" sabi ng nasa kabilang linya.

"Sino po sila?" tanong ko.

"Si Schuyler ito."

Pagkarinig ko nagulat ako. Tiningnan ko Cp. Schuyler number nga.

"Shelly, papasok ka ba tomorrow? Are you ok Shelly?" Are you Crying?" sunud-sunod na tanong.

Narinig siguro niya ang hikbi ko at iba din ang boses ko.

"Opo! papasok po ako. Nililinis ko kasi ang sugat ko sa braso, mahapdi kaya po naiiyak ako."palusot kong sagot kay Schuyler.


Because It Hurts


Ipagpapatuloy

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon