Pagod na pagod ako ng umuwi ng bahay. Humiga ako sa kama at kinuha ang cp at tiningnan ang picture ni Schuyler (kinuhanan ko ang solo picture niya sa kwarto na nakalagay sa ibabaw ng drawer niya).
"I love you Schuyler!"... saka pumikit para matulog.
Office
Ang ingay sa office ng pumasok ako. Nag-uusap sila tungkol sa basketball tournament ng JK Corp. Bawat subcontractor kailangang sumali sa basketball tournament kapag kulang ang miyembro pwedeng magcombine ang 2 subcon company.
"Sir Schuyler, sasali kayo sa basketball?" tanong ni Dave.
"Oo, sasali ako."
"Marunong ka bang magbasketball Schuyler baka jackstone lang alam mong laruin." natatawang naisip ko.
Nakipag combine kami sa electrical subcon kasi sina Schuyler, Dave, Safety at Frank lang ang sumali sa amin.
"Shelly, ikaw ang muse namin ah." sabi ni Dave.
"Ayoko nga. Maganda yung secretary ng electrical siya na lang ang gawin ninyong muse." Hindi na nakapalag si Dave sa sinabi ko kasi maganda naman talaga ang Secretary.
"Sir Schuyler ikaw ang gagawin naming escort ha." sabi ni Dave. Napangiti lang si Schuyler. Nang marinig ko iyon parang gusto ko nang bawiin ang pag-ayaw ko kanina na maging muse.
"Ah! hindi ako makapag focus sa ginagawa ko, mukha ni Schuyler ang nakikita ko sa monitor." Mahinang bulong ko saka pinunit ang papel.
"Shelly, wag kang mag aksaya ng papel, huwag mong punitin pwede natin yang gamiting scratch!." May pagkainis na sabi.
"Sorry Sir."
Pinatawag ang mga kasali sa basketball tournament at nagpunta sila sa JK Safety Office para magpasukat ng jersey. Naiwan na naman akong mag-isa sa office. Ni-lock ko ang pinto saka umupo sa upuan na nasa harap ng mesa ni Schuyler at tumingin sa upuan niya.
"Schuyler, ilang minuto ka pa lang wala namimiss na kita. Schuyler, I miss you! I love you." Kinuha ko ang ballpen na ginagamit niya na mukhang mamahalin at kumuha ako ng papel at sinulat ko ang pangalan niya.
Schuyler.. Schuyler... Schuyler...at naglagay ako ng maliit na puso.
Naramdaman ko na may nagbubukas ng pinto, dali-dali akong umupo sa upuan ko at kunwari nag iisip ng idea para sa shopdrawing.
"Shelly, hindi ka magpapasukat ng jersey? Kahit hindi player pwede magpasukat yung ibang babaeng staff ng sub-con nandun nakapila." Sabi ng kapapasok pa lang na si Schuyler.
Tumayo at pumunta na ako sa Basement 1.
"Naku lagot! Naiwan ko sa ibabaw ng mesa niya yung sinulat ko kanina." Gusto kong bumalik sa office at kunin yung papel pero naisip ko na lalo lang ako mapapahiya pag kinuha ko.
Nakita ako ni Wallance sa may tapat ng Safety Office.
"Mam, muse ka?"
"Hindi." Tanggi ko. At tinanong ko kung kasali siya sa tournament.
"Oo, kasali ako at manood ka sa laban namin ha."
"Hindi ako sigurado na makakapanood kasi malayo ang court na paglalaruan ninyo."
"Ihahatid naman kita kaya wag kang mag-alala." nakangiting sabi niya.
Iniwan ko na siya kasi ako na ang susukatan. Kulay green ang jersey namin. Naiisip ko agad ang itsura ni Schuyler siguro laglag panty ang mga babaeng staff ng JK kapag nakita siya. Pagkatapos masukatan hindi muna ako bumaba. Umupo ako sa waiting area at tinext ko si Ivy.
"Ivy, waaaaaaaaaaa..hindi ako makapag focus sa ginagawa ko si Schuyler naiisip ko."
"Tinamaan ka talaga Shelly. Gawin mong inspirasyon si Schuyler." Ivy reply.
"May tournament ng basketball sa site, sumali si Schuyler at Wallance. Malalaman ko kung sino ang mas magaling. Ok sige na babalik na ako sa office."
"Ok. Ingat!" Ivy reply.
After 2 weeks
"Mam, manonood ka ng laban nila Wallance mamaya?" tanong sa akin ni Dave.
"Ikaw Dave manonood ka?"
"Oo, kung gusto mo sabay tayo mamaya pagpunta" alok ni Dave.
"Ok cge ba."
"Paging Schuyler of Crewe Corporation please proceed to JK Office."
Tumayo at lumabas si Schuyler. Pagbalik niya may dala na siyang plano.
"Shelly, i-review mo at tingnan kung tama ang bilang ng mga devices natin. Unahin mo muna na gawin ito dahil kailangan ito bukas.
Sa malaking table ako naupo at inumpisahan ko ng i-review. Sumasakit na ang ulo ko at naduduling sa kakatingin sa plano ang liliit kasi ng mga symbols. Nagpahinga ako, nangalumbaba at tumingin kay Schuyler.
"Hoy! Shelly, tulala ka na dyan." si Dave kararating lang. Sinenyasan ko si Dave na wag maingay. Lumapit siya sa akin at bumulong.
"Matutunaw si Schuyler sa kakatitig mo."
"Hindi naman." Mahinang sabi ko. Napatingin sa amin si Schuyler at tinawag niya si Dave.
"Oh ayan. tinawag ka tuloy."
Natapos ko agad ireview ang plano at binigay ko kaagad kay Schuyler. Kinuha niya at ni-review. Hindi ko namalayan na mag 5 o'clock na kaya dali dali akong nagligpit ng gamit at excited ng manood ng laro ni Wallance.
Ring!!!..... 5:00 pm
Naiwan si Schuyler sa office dahil may ginagawa pa. Sumakay ako sa kotse ni Dave at dumiretso na kami papunta sa court.
Pagdating namin sa court mag-uumpisa pa lang ang first game. Nag-enjoy naman akong manood ng unang laban at makalipas ang 2 hours laban na nila Wallance.
Nagwarm-up ang team ni Wallance. Ang cute niya sa suot na blue jersey bagay na bagay sa kanya. Ibinigay sa kanya ng ka team niya ang bola at nag shoot.
"Wow pasok!" sabi ni Dave. Naghiyawan ang mga manonood. Warm-up pa lang pero nag cheer na ang mga babaeng staff ng JK Const. Nakita ko yung isang babae na taga JK na tinutukso kay Wallance. Pinalakpakan ko lang si Wallance.
Nag-umpisa na ang laban, magaling maglaro ng basketball si Wallance kaya siya halos ang gumagawa ng score. Hiyawan ang mga manonod at ako din napapahiyaw. Grabe ka wallancce "nakakalaglag panty!!!!" sa isip isip ko.
"Walance! Wallance!... Sigaw ng may crush sa kanya. Narinig ko na Hana ang pangalan nung babae. Maganda siya at mukhang bata pa.
Tiningnan ko ang aking relo mag 9 o'clock na. Dahil gagabihin ako sa biyahe nagpaalam ako kay Dave na uuwi na. Sinabi ni Dave na tatapusin niya ang laro.
Laging puno ang bus na dumadaan papuntang The Greens.
"Naku sana makasakay na ako." mabuti naman may dumaan na may bakanteng upuan.
Habang nasa bus naalala ko si Wallance. Humahanga ako sa kagalingan niya at palagay ko naiinlove na ako sa kanya. Bumuntong hininga at sumandal ako sa may bintana saka tumingin sa kalangitan, sa mga bituin at sinulat ang pangalang "Wallance" sa glass window.
Dribbling Heart
Ipapagpapatuloy
BINABASA MO ANG
The Handsome Project Manager
RomanceWhen sleeping beauty woke up from her sleep, the first person she saw is the one who gave her everlasting love.---The Handsome Project Manager.