Chapter 51

3.7K 55 0
                                    

Parang kailan lang ng makilala ko si Schuyler. Malamig na ang panahon dahil October na naman.

"O, Shelly, saan ka pupunta hindi ka pa uuwi?" pagkakita sa akin ni Safety.

"Pupunta ako sa Jewel Office." Saka nagpaalam na kay Safety.

Pumasok ako sa Jewel Office. Binati ko ang mga staff pagpasok ko.

"Shelly, bakit napadaan ka?" tanong sa akin ni Schuyler pagkakita sa akin. Nginitian ako ni Cindy pero hindi ko pinansin at nakita ko na nagbulungan ang ibang mga staff.

"Low bat kasi ang cp ko, mag papaalam kasi ako na malalate ako umuwi dahil magkikita kami ni Ivy sa Skagen Mall." Palusot ko. Ginawa ko lang ang istorya para malaman kung ano ang nangyayari sa kanya sa site.

"Ok sige, ingat ka ha." At umalis na ako.

Papalabas na ako ng Jewel building ng makita ako ni Leo.

"Hi! Shelly, natatandaan mo ba ako?." Tanong niya.

"Hmmm...Leo?" sabi ko.

"Oo, tama ka"

"Pinuntahan mo si Schuyler?" tanong niya.

"Alam mo Shelly may sasabihin ako sa iyo. Usap usapan sa site si Schuyler at yung secretary niya si Cindy na may relasyon daw ang dalawa." Pagkarinig ko gusto kong himatayin.

"Ah ganun ba." naluluhang sabi ko. Pinakiusap ko si Leo na wag ng babanggitin kay Schuyler na nag-usap kami.

Naiyak akong umuwi napansin ko nga nagtitinginan sa akin ang mga kasakay ko sa FX kasi nakita nila ako na umiiyak.

Gabi na ng dumating si Schuyler. Nagtulug tulugan ako at naramdaman kong tumabi na siya sa akin at niyakap ako. Niyakap ng mahigpit. Kinagat ko ang labi ko para hindi ako maiyak.

Pagkagising ko ng umaga ang sama sama ng pakiramdam ko at nasusuka. Dali-dali akong nagpunta ng cr at naalala ko na delay nga pala ako. Hindi ko muna sinabi iyon kay Schuyler.

Maaga akong pumasok sa trabaho at iniwan ko na natutulog pa si Schuyler. Kahit masama ang pakiramdam pumasok ako kasi pagnanatili ako sa condo baka maisip ko lang ang sinabi sa akin Leo.

"Good morning" bati ko kay Safety.

"Shelly, mukhang hindi ok ang pakiramdam mo?"

"Medyo masama ang pakiramdam ko, taglamig na kasi eh." Feeling ko pinagpapawisan ako ng malamig.

Naiwan na lang akong mag isa sa office.

Nasusuka talaga ako kaya kumain ako ng candy. Naisip ko na baka buntis ako kaya magpapacheck up na lang ako.

Nagpaalam ako kay Frank na uuwi na dahil masama ang pakiramdam. Nag aalala nga si Frank kung kaya kong umuwi. Magpasundo na lang daw ako kay Schuyler.

Dumiretso ako sa hospital para magpacheck up. Matagal din akong naghintay at binigay na sa akin ang resulta.

Congratulate ako ng doctor kasi 2 months pregnant ako. Itinago ko sa bag ang resulta dahil gusto kong i-surprise si Schuyler.

Tik!Tik!Tik! Tik!

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa nakita.

Si Schuyler at Cindy naghahalikan. Natigilan ang dalawa ng makita ako.

"Shelly!" lumapit sa direksyon ko si Schuyler. Lumabas ako ng pinto at sumakay ng elevator.

"Wait! Shelly, magpapaliwanag ako." Habol sa akin ni Schuyler. Naabutan ako sa elevator, humarang siya sa pinto para hindi sumara.

"Wait! Shelly!. Magpapaliwanag ako." Galit ko siyang tinitigan.

"Leave me alone Schuyler!, kung ayaw mong mag iskandalo ako dito." Malakas na sabi ko at pinigilan na tumulo ang luha. Wala siyang nagawa at hinayaang sumara ang pinto saka tumulo na ang luha ko.

Umiiyak akong lumabas ng condo at napapatingin ang mga nakakasalubong ko sa akin. Naupo ako sa bus stop at humagulgol ng iyak. Kinuha ko ang cp ko at tinawagan si Ivy.

"Ivy, busy ka ba?"

"Shelly, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong sa akin.

"Ivy, sunduin mo ako dito sa Skagen." Pakiusap ko.

"Ok sige! Papasundo kita sa boyfriend ko. Nandyan siya ngayon. Wag kang aalis dyan ha."

Ring!!!Ring!!!.. tumatawag si Schuyler.

Nakailang tawag na si Schuyler pero hindi ko pa rin sinasagot.

Hindi naman nagtagal at dumating na ang boyfriend ni Ivy kaya switch off ko na ang cp.

Pagdating ko sa tinutuluyan ni Ivy. Humagulgol ulit ako at sinabi lahat ng tungkol kay Cindy at Schuyler.

"Ganon, niloloka ni Schuyler.!" Galit si Ivy.

"Ivy, buntis ako." At pinunas ko ang luha.

"Shelly, wag ka ng umiyak baka maapektuhan ang baby mo."

"Alam ba ni Schuyler na buntis ka?"

"Hindi at hindi ko papaalam. Pagkatapos ng panloloko niya. Mangako ka na hindi mo ito sasabihin sa kanya." Nangako naman si Ivy.

"Shelly, tumatawag si Schuyler sa akin." ipinakita sa akin ang cp niya.

"Sagutin mo at itanong mo kung ano ang kailangan at pagnagtanong tungkol sa akin, sabihin mo hindi mo alam." Sinagot nga niya ang tawag.

Buong gabi nag isip ako kung ano ang gagawin. Sinabi ko kay Ivy na magreresign na ako sa trabaho. Pinagsabihan naman niya ako na pag isipan kong mabuti ang mga gagawin ko.

Umaga na ng umuwi ako sa condo.


Tik!Tik!Tik!

Pumasok ako at nakita si Schuyler natutulog sa sofa. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig dahil nasusuka na naman ako.

"Saan ka galing?" tanong sa akin. Hindi ko siya pinansin at pumunta ako sa kwarto. Sinundan naman ako.

"Shelly, magpapaliwanag ako. Huwag kang makikinig sa mga sinasabi ng ibang tao. Wala kaming relasyon ni Cindy secretary ko siya kaya magsama kami lagi. Si Cindy ang humalik sa akin. Late na ako nagising kaya hindi ako pumasok ng umaga, tinawagan ako ni Cindy na may importante siyang papipirmahan. Siya ang pumunta dito. Nagulat nga ako dumating siya at alam mo naman na malaki ang pagkakagusto nun sa akin."

"Nagpadala ka naman sa kanya dahil gusto mo din. Yan ang hirap sa iyo Schuyler pagdating sa babae hindi ka makatanggi." Galit na sabi ko.

"Shelly, Mahal kita!!....please lang makinig ka naman sa akin..!" Galit na sabi ni Schuyler.

"Bakit Schuyler? Alam mo ba ang nararamdaman ko pag may kasama kang ibang babae, nang makita kong may lipstick ang uniform mo, pag late ka ng umuwi na hindi ko alam kung nasaan ka na at gabi gabing hindi makatulog pag alam kong hindi ka pa dumarating. Hindi kita matanong kasi sabi mo na wag na kitang bibigyan ng problema kasi madami ka na ngang problema sa trabaho. Sana naman kahit minsan naisip mo ang mararamdaman ko!." galit at umiiyak na sabi ko.

"I am sorry Shelly."


Heartbreak


Ipagpapatuloy

---------------

FLASHBACK

<At Jewel Site>

Kinutsaba ni Cindy si Leo na ipagkalat sa buong Jewel na may relasyon sila ni Schuyler dahil gusto nitong gantihan si Schuyler dahil kahit anong gawin niyang pang aakit dito hindi siya pinapansin.


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon