Chapter 15

4.1K 75 1
                                    

It's ok if you don't love me back but just give me a chance to make you understand how much i love you ---- Terry Mark

7:00am

Iniwan kong natutulog pa si Schuyler. Nag iwan ako ng note na nagluto na ako ng breakfast at magpahinga na lang siya ng buong araw dahil baka mabinat pa.

Inaantok pa ako habang naglalakad papuntang office, hindi kasi ako masyado nakatulog kagabi.

"Good morning Mam." bati s ni Wallance.

"Good morning Wallance."

"Mam, pwede bang makuha ang number mo?" tanong sa akin ni Wallance.

Napangiti ako at binigay sa kanya ang number at sinabihan na magpakilala kapag nagtext kasi hindi ako nagrereply kapag hindi ko kakilala.

Nadatnan ko na sa office si Dave at Safety busy sa ginagawa. Pagkatapos kong mag time-in lumapit sa akin si Foreman nanghihingi ng plano. Nagprint ako at inabot sa kanya.

Tinanong ako ni Foreman kung dumating na si P.M kasi past 8 na. Sinabi ni Dave baka late lang yun kasi masyadong matrapik ngayon.

Sina Dave at Safety nagsipag akyatan na sa itaas kaya ako na lang mag-isa sa office. Nagtimpla ako ng kape pampagising at naupo sa malaking mesa saka nag review ng plano.

Tumingin ako sa orasan 10am na wala pa si Schuyler, siguro hindi talaga siya papasok. Pumunta ako sa Basement 1 para mag cr. Tiningnan ko ang mata ko ang laki na ng eyebag.

God gave me you to show me what's real
There's more to life and just how I feel
---(ringtone ng cp ko)

Message Receive:

Hindi ako papasok ngayon dahil may nagsabi na magpahinga na muna ako. Thanks sa hinanda mong breakfast. Thanks for everything and take care always....--- Schuyler.

Napangiti ako sa nabasa.

Pagdaan ko sa Warehouse tinanong ako ni Frank kong papasok si Schuyler. Sabi ko nagtext sa akin na hindi papasok. Bumalik na ako sa malaking mesa, wala naman si Schuyler kaya kunwari nagrereview ako ng plano pero nakapikit ang mata.

Nagising lang ako ng maramdaman ko na may nagbukas ng pinto, dumating na sina Dave at Safety. Pinag usapan si Schuyler, nagtext sa kanila na hindi makakapasok pero hindi sinabi ang dahilan kaya tinanong ako kung alam ko ang dahilan. Sinabi ko na baka may sakit.


1:00pm

Tok!Tok!Tok!

Binuksan ni Safety ang pinto at nakita niya ang delivery boy may dalang bouquet of pink roses.

"Sino po si Shelly Angeline Henson?" tanong ng delivery boy.

"Ako po." sagot ko.

Inabot sa akin ang bulaklak at pina pirma ako, tiningnan ko kung sino ang nagbigay...From a guy starts loving you today" at walang nakalagay na pangalan. Tinanong ko ang itsura nung nagpadeliver hindi daw niya alam.

Nilapitan ako ni Dave at Safety, tiningnan ang bulaklak at ang nagbigay. Kinilatis ni Dave at Safety ang penmanship, hindi daw nila kilala kung kaninong sulat iyon.

"Dave, kay Wallance na penmanship?" tanong ko.

"Hmmmm....hindi ganyan ang penmanship niya."

"Naku baka galing sa stalker ko yan." at sabay bigay ko kay Dave.

"Shelly, wag kang ganyan mahal kaya ang bouquet ng bulaklak tapos gaganyanin mo lang." sabi ni Dave habang inaamoy ang mga bulaklak.


Inuwi ko din ang bulaklak, itinago ko ng pumasok ako sa bahay para hindi makita ni Amanda at tiyak magtatanong na naman yun. Nilock ko ang pinto at pinagmasdan ang mga bulaklak.

"Sino kaya ang nagbigay?."

God gave me you to show me what's real
There's more to life and just how I feel
---Brian White

Message tone ng Cellphone ko.

Message Receive:

"Hi Shelly, nakauwi ka na?"- Wallance Andrada.

"Si Wallance nag message." kinikilig na sabi ko.

Ang tagal naming magkatext ni Wallance. Nagbukas ako ng FB at nag message kay Ivy.

"Sino ba talaga ang tanong sa akin ni Ivy, Si Schuyler or Wallance?" message sa akin ni Ivy.

"Si Schuyler lagi kong nakikita at nakakasama samantalang si Wallance minsan lang. Tingin ko mas matimbang si Schuyler kaya lang may gf na siguro iyon. Natatandaan mo ba yung kinuwento ko sa iyo na nakita ko na picture" reply ko kay Ivy. Hindi ko na kinuwento pa yung nangyari nung may sakit si Schuyler.

"Baka naman kapatid yun?"

"Hindi naman niya kamukha pati nakita ko na ang family picture nila."

"Nalaman mo na ba kung sino ulit ang nagpadala sa iyo ng mga bulaklak?"

"Hindi pa. Balak ko nga itapon kaya lang sayang naman mahal pa naman ang mga bulaklak ngayon. Babalitaan na lang kita pag nalaman ko na."


Office

Dumating si Wallance sa Office

"Hi! Wallance." bati ni Dave.

"Hi Shelly, Good morning." Sabay abot sa akin ng regalo.

"Para sa akin ito?.. Thanks Wallance."

Hiyawan sila Dave at Safety. Nahiya si Wallance kaya lumabas na ng office.

"Mam, buksan mo na." na eexcite na sabi ni Dave.

Binuksan ko at nakita ko na chocolate ang laman.

"Wow chocolate! Shelly, tinamaan talaga sa iyo si Wallance" dagdag pa ni Safety.

Binigyan ko sila ng chocolate pati sina Frank at Foreman.

Naupo na ako para simulang magtrabaho. 9am na hindi pa dumarating si P.M. siguro malalate siya sa isip isip ko.

Ilang araw na rin siyang hindi nagpapakita sa office hanggang sa mag-uwian na hindi na naman siya dumating.

Papalabas na ako ng building ng makita ako ni Wallance at niyaya niya akong kumain. Pumayag na rin ako kasi nagugutom na ako. Sa Skagen Mall kami pumunta, habang kumakain pinagtapat ko kay Wallance na maghanap na lng siya ng iba.

"Bago pala akong nanliligaw basted agad." sabi ni Wallance.

"Yan naman ang mga sinasabi ko sa mga nanliligaw sa akin dahil ayokong umasa."

"May nagugustuhan ka na bang iba?" napatigil siya sa pagkain.

"Wala naman."

"Dapat binibigyan mo ng chance ang mga nanliligaw sa iyo para makilala mo sila ng lubusan."

Napaisip ako sa sinabi ni Wallance. Tama nga siya hindi ko binibigyan ng pagkakataon makilala ng lubusan ang tao. Sa past, pag umpisa pa lang manligaw hindi ko na nagustuhan ang ugali o itsura tinatabla ko na kaya ang nangyayari madali akong naloloko ng taong pinagkatiwalaan ko kaagad.


Give Me A Chance


Ipagpapatuloy

Don't forget to vote..

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon