Chapter 45

3.4K 65 0
                                    

"Good morning!" bati ko.

"Ok na pakiramdam mo?" tanong ni Dave.

"Opo." sagot ko.

"Nandito si Schuyler buong araw kahapon. Hinahanap ka. Hindi ka ba nag message sa kanya?" Sabi ni Dave.

"Hindi! Galit ko siya." Malakas na sabi ko.

"Nakita nga niya ang tinapon mong bulaklak, sayang naman daw."dagdag pa ni Safety.


"Happy Birthday Safety!" bati ni Dave. Binati ko din Safety. Nagyaya si Safety sa Bday-restaurant pero half half daw ang gastos. Sumang-ayon naman kami ni Dave.

"Good morning Sir Schuyler." bati ni Safety. Nagulat ako ng makita siya pero binawi ko kaagad ang tingin.

Umupo siya sa working table niya at tinawag si Dave.

Dumating si Foreman at nanghihingi ng plano 38th Floor. Sinabi ko kay Foreman na sasama ako sa 38th floor.

Nagsuot ako ang PPE at akmang lalabas na ng tinanong ako ni Schuyler.

"Shelly, saan ka pupunta?." Napatingin sa akin sina Dave at Safety.

"Sir, sa 38th Floor po."

Yun lang at tinuloy na niya ang usapan nila ni Dave.

Chineck na namin ang 38th Floor. Sumabay ako kay Foreman bumaba kasi ayokong makita si Schuyler sa office.

11 am na ako nakabalik ng office. Wala si Schuyler sa office at nakita ko wala na rin ang bag niya.

"Umalis na siguro." sa isip isip ko.


Ang bilis ng oras mag-uuwian na naman. Magkakasama kaming nakasakay nila Safety, Frank at Foreman Alex sa kotse ni Dave papunta sa Bday-Restaurant. Switch-off ko ang cp kasi aasa lang ako na tatawag si Schuyler.

Pansit, fried chicken, seafoods at drinks ang inorder namin. Kinantahan ng happy birthday si Safety ng mga staff ng Bday restaurant.

Ilang minuto lang at dumating na ang inorder namin. Masarap ang lasa ng mga pagkain kaya madami akong kinain. Busog na busog. Binigyan ako ng isang boteng drinks ni Dave. Ininom ko iyon, masarap ang lasa parang juice lang.

"Shelly, wag kang iinom ng marami dahil makulit ka." paalala ni Safety. Nginitian ko lang siya.

Masaya ang aming usapan kaya hindi namin namamalayan na madami na kaming naiinom.

"Shelly, ok ka pa?" tanong ni Dave.

"Alam ninyo galit na galit ako sa mga taong babaero!" sigaw ko at ininom ng straight ang isang bote at uminom pa ako ulit.

"Lasing na nga si Shelly." sabi ni Safety.

"Hindi pa Safety." at feeling ko nahihilo at nasusuka ako.

"Ito na pala si Schuyler." Sabi ni Safety.

Lumapit si Schuyler sa akin.

"Shelly, uwi na tayo." hinawakan ang kamay ko. Inalis ko ang pagkakahawak niya saka tumayo.

"Ayoko nga!...Bakit naandito ka? break na tayo diba?."

"Lasing ka na Shelly. Ayan! Namumula na ang mukha mo."

"Hindi pa ako lasing noh!" pagmamatigas ko.

"11 na ng gabi Shelly. Uwi na tayo." May command ang pagkakasabi nito saka hinawakan ako ng mahigpit sa braso.

"Ok sige hintayin mo ako dito, pupunta lang ako ng cr." Sumang ayon naman si Schuyler kaya binitawan niya ako at kinuha ko ang bag.

Palusot ko lang iyon pero lumabas ako ng restaurant. Umiikot na ang paningin ko pero pinilit kong maglakad.

"Ouch!.. Bakit mo ako binangga? Ang sakit nun ah." Galit na sabi ko saka hinawakan ko ang noo, dinilat ko ang mata at nakita na poste pala ang nabangga ko. Natawa ako na malaman na nabangga ako sa poste.

"Shelly lasing ka na nga." sabi ko sa sarili at sumandal ako sa poste.

"Shelly! Shelly!" tawag ni Schuyler at bigla akong niyakap, hindi ko na mapigilan na masuka kaya nasuka ako sa dibdib ni Schuyler.



"Ouch!" ang sakit ng ulo ko. Kinapa ko ang noo "ouch!" ang sakit at ramdam ko din ang sakit ng buong katawan ko. Unti-unti kong dinilat ang mata. Iba ang ilaw at kisame. Kumilos ako pero nahihilo ako.

"Nasaan ako?.. Condo? pero hindi eh! Sino ang nagdala sa akin dito? Naku lagot na!....... hindi ko matandaan ang nangyari kagabi!." Pinilit kong umupo. Nagulat ako ng makita na wala pala akong suot. Kinuha ko ang kumot at itinakip.

"Naku lagot na!" ang lakas ng pintig ng puso ko.

Nagulat ako ng makita si Schuyler kalalabas lang ng cr, katatapos lang maligo at nakatapis lang.

"Schuyler!!..." sigaw ko at binato ko ng unan pero nakailag ito.

"Gising ka na pala." lumapit sa akin. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kumot.

"Anong ginawa mo Schuyler?" sigaw ko. Umupo siya sa kama at nilapit ang mukha sa akin.

"Inangkin ko lang naman ang sa akin!" at nangingiti habang nakatitig sa akin. Umiyak ako ng marinig yun.

"I hate you Schuyler!"at tinulak ko ng isang kamay si Schuyler.

"Pagkatapos mo kay Cindy, ako naman ang sinunod mo?" galit na sigaw ko.

"I hate you Schuyler! I hate you Schuyler!.. I hate..." napatigil ako dahil bigla akong hinalikan saka niyakap.

"I 'm sorry Shelly.."


Silence With A Kiss.



Ipagpapatuloy


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon