Chapter 25

3.8K 127 2
                                    


Can you hear my heart calling for you?

Eventhough I have been hiding all the truth inside my heart

I hope that you will realize

That this person loves you

--Schuyler The Handsome Project Manager


"Good morning!" bati sa akin ni Schuyler. Hindi pa dumarating sina Dave at Safety.

"Good morning Sir." Bati ko saka umubo. Napatingin si Schuyler sa akin. Masama kasi ang pakiramdam ko ngayon dala siguro ng malamig na panahon. Hindi sana ako papasok kaya lang naisip ko na kailangan kong gawin ang pinapagawa niyang shopdrawing sa pump room.

"Grabe ang lamig naman sa office." Singhot singhot.. at inayos ko ang pagkakasuot ng jacket. Tumayo so Schuyler at hininaan ang aircon. 

"Hay.. Salamat naman."

Busy kaming dalawa sa kanya kanyang ginagawa.

Click!Click!Click!...

"Natapos ko din." Ipinakita ko sa kanya ang ginagawa kong shopdrawing.

"Gawin mo ngang 1m ang distance." At napansin niya na sinisipon ako.

"Ok ka lang Shelly?"

"Ok lang po." kinuha ko ang papel at bumalik na sa working table. Feeling ko sumasakit na rin ang ulo ko kaya hindi na ako makapag concentrate sa ginagawa.

Pumunta ako ng cr at naupo muna sa bowl para magpahinga. Ilang saglit lang at lumabas na ako.

"Hi Mam!" si Wallance na nasa likuran ko. Tumigil ako at kinausap ako ni Wallance.

"Hi Sir. Saan kayo galing?" at napapahawak ako sa ulo ko.

"Sa JK office. Ok ka lang ba Shelly?, mukhang may sakit ka ah." Saka dinampi ang palad sa noo at hinawakan ang kamay ko.

"May lagnat ka Shelly." nag aalalang sabi ni Wallance.

"Iinom lang ako ng gamot, mawawala na yan." At umubo ako. Hinaplos naman ni Wallance ang likod ko.

"Wallance, ok lang ako." At natanaw ko si Schuyler sa di kalayuan na may kausap sa cp at nakatingin sa amin.

"Wallance, bababa na ako baka hinahanap na ako sa office."

"Sabay na tayong bumaba."

Click!Click!Click!

"Ah sakit ng ulo ko." at sumalampak ako sa mesa at lumingon sa upuan ni Schuyler.

"Will you fall in love with me?" saka pumikit ako.

"Shelly." tawag sa akin at tumingala ako.

"Si Schuyler." Itinaas niya ang mukha ko. Kinagat ko ang labi ko baka kasi halikan ako, dinampi ang palad niya sa leeg ko at saka pumunta sa mesa niya.

"Ano ba naman ang pinaggagawa mo Schuyler. Kainis!" bulong ko.

Tok!Tok!Tok! bumukas ang pinto.

"Victoria"

"Good morning" bati sa akin.

"Good morning" bati ko din sa kanya.

Dumiretso siya sa table ni Schuyler at hinabol ko siya ng tingin.

"Sir good morning." Napatigil sa ginagawa si Schuyler at umupo si Victoria sa upuan na nasa tapat ni Schuyler. Inayos ko ang salamin na nasa ibabaw ng mesa, na tanaw sila at kunwari nagtatype ako pero sa kanila ako nakatingin.

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon