"Signal no.1 ang Skagen City, Newgrand City at Global City. Pinapayuhan na mag-ingat dahil magiging maulan ang buong araw lalo na sa pagsapit ng hapon malakas na ulan na may pagkulog at kidlat ang mararanasan na posibleng madulot ng baha."-- News Report.
"Shelly, mag-ingat ka sa biyahe." paalala ni mama.
Isang maulan, malamig at makulimlim na umaga masarap matulog maghapon sabi ko sa sarili habang nasa bus papuntang Skagen City.
Na-late nga si QC dahil sa sobrang trapik dala ng pag-ulan. Bilis-bilis siyang umakyat dahil may naka schedule siyang testing ng 8:30. Wala si P.M. pumunta sa JK Conference Room dahil may meeting . Mag-isa ako sa office. Ni-lock ko ang pinto, may mga susi naman sila kaya ok lang na i-lock.
Inumpisahan ko nang i-revise yung shopdrawing ko sa 17th Floor. Dahil sa lamig ng panahon dinadalaw na naman ako ng antok.
Click! Click! Click!.
After 1 hour.
"Hay! Natapos na rin. Tumayo ako at nag-unat unat. Nasakit na rin ang puwet ko sa tagal ng pagkakaupo. Itinaas ko ang kamay, nag stretch nang biglang pumasok si Sir Schuyler. Nagulat ako.
"O! Ano ang ginagawa mo Shelly?" at napapangiti.
"Nag-stretch lang Sir." Nahihiyang sagot.
May kinuha lang si Sir Schuyler at umalis na agad. Turn-off na naman siya sa akin. Inumpisahan ko na rin ung ibang pending shopdrawing ng previous autocad operator.
11:30am. Nagsipagdatingan na sina QC at Safety. Natapos na rin sa meeting si Sir Schuyler.
"Shelly!" tawag ni Sir Schuyler.
Lumapit ako sa kanya. Ang bango niya.
"Shelly urgently needed tomorrow ng owner A0 Size ng As-Built Plan ng Plumbing Room from 1st to 10th Floor. Kailangan mong pumunta sa MA Tower Project sa Global City para doon mag-plot nasa Repair Center pa yung plotter na gingamit natin. Hindi naman malayo ang MA Tower 30 minutes from here. Ininform ko na iyong Autocad Operator ko na pupunta ka dun. After lunch ka pumunta at Ito ang contact number ni Jenny."
Itinuro sa akin ni Sir Schuyler kung paano makakapunta sa MA Tower. Binigyan din niya ako ng pamasahe. Sinave ko na yung ipa-plot ko sa flask drive.
Pagkatapos mag lunch ni Sir Schuyler. Back to work na agad. Nakapatong ang ulo ko sa mesa at pinagmamasda ko siya sa kanyang ginagawa. Nirereview niya yung ginawa kong shopdrawing saka pinirmahan. Binuksan niya ang laptop at seryoso sa pagta-type. Hindi niya napapansin na pinagmamasdan ko siya sa kanyang mga ginagawa.
1:00 pm
"Sir, Aalis na po ako."
"Ok! Ingat ka ha." paalala sa akin ni Sir Schuyler.
Sa labas umuulan ng malakas. Sumakay ako ng bus papuntang Global City. May mga lugar na binabaha na kaya mabagal ang usad ng mga sasakyan. Pagtigil ng bus sa Global City, bumaba ako at naglakad ng 5 minutes. Nakita ko naman agad ang MA Tower. Inabangan na pala ako sa gate ng taga Crewe para hindi ako mahirapan na hanapin ang office.
"Good Afternoon!" bungad na bati ko.
Malaki ang office nila na kulay puti ang pintura. Malinis at maayos sa loob ng opisina. Sinalubong ako ng babaeng staff, maganda at matangkad na nagpakilala na siya si Jenny. Nalaman ko sa kanya na P.M din nila si Sir Schuyler. Minsan na lang pumunta dun si Sir Schuyler dahil patapos na ang MA Tower.
Pinaupo ako sa working table niya at nagsimula na akong mag-plot. Hinayaan lang ako pero sinabi na kung may tanong ako ask ko lang siya.
Biglang dumating ang mga staff, naging maingay na sa buong opisina. Binalita na suspended na ang trabaho both public and private dahil sa bagyo. Tuloy-tuloy pa kasi ang malakas na ulan sa labas at baha na sa ibang area.
Pagkarinig ng balita nagsipag-out na. Kami na lang ni Jenny ang naiwan sa Office. Hinihintay niyang dumating ang boyfriend na susundo sa kanya.
Ring! Ring!.....Tunog ng cellphone ko.
(PM Calling)
"Nasaan ka na? tanong ni Sir Schuyler.
"Nandito pa sa office, patapos na ako sa pag-plot."
"Ok! Hintayin mo ako dyan sa site." sabi ni Schuyler.
"Ok sige po!"
Naisip ko na nag-alala siya na mabasa ang mga plano kaya susunduin ako. Habang kami ay naghihintay nagkuwentuhan muna kami ni Jenny at nabanggit na crush niya si Sir Schuyler kung wala lang daw siyang bf, naku niligaw na niya. Tumunog ang cp ni Jenny, dumating na ang bf. Pinaalam niya kay Sir Schuyler na iiwan na ako mag-isa sa office kasi dumating na ang sundo niya. Hinabilinan ako ni Jenny na i-lock ang pinto, kasi baka may pumasok na ibang tao habang mag-isa ako may susi naman si Sir Schuyler ng Office.
Tiningnan ko ang relo ko 3:30 na wala pa si Sir. Inaantok na ako sa paghihintay. Yumuko na ako sa mesa.
"Shelly! Shelly." gising ni Sir Schuyler.
"Nakatulog pala ako. Sir, Sensya na po."
"Marami ng kalsada ang lubog sa baha, nahirapan na nga akong makapunta dito. Dinala ko na yung bag mo nasa kotse."
Sinara niya ang opisina samantalang dala dala ko ang mga plano. Nilagay ko sa back seat ng kotse at naupo ako sa front seat. Tiningnan ko ang oras 4:00pm. Hindi pa pinapandar ni Sir ang kotse.
"Shelly, paano ka makakauwi? Baha na ang mga daan papunta sa The Greens kahit mga bus na stranded na sa malaking baha."
"Ganun ba? Paano nga ba? " nag-aalalang sabi ko.
Kinuha ko ang cp sa bag. Maraming miscall at text from Amanda, nag-aalala sila sa akin.
"Sa site pwede bang matulog?"
"Pinagbabawal iyon ng JK. Ok dun tayo sa condo ko." at pinaandar ang kotse.
"Condo!? gulat na tanong ko.
This Feeling
Ipagpapatuloy
------------------------------------------------------------------------------------
-----FLASHBACK-----
<Schuyler >
Kinuha ni Schuyler sa bulsa ang susi at binuksan ang pinto. Nadatnang natutulog si Shelly. Hinawi niya ang buhok na nasa mukha nito saka pinagmasdan. Matagal na pinagmasdan. Hinayaan niyang matulog si Shelly at naupo sa katabing mesa saka kinuha ang cellphone.
BINABASA MO ANG
The Handsome Project Manager
RomanceWhen sleeping beauty woke up from her sleep, the first person she saw is the one who gave her everlasting love.---The Handsome Project Manager.