Chapter 47

3.7K 66 0
                                    

Ang bilis talaga ng panahon June na. Napapadalas akong papuntahin ni Schuyler sa Jewel kahit pwede naman itawag na lang ang pagagawa niya sa akin, pero ayaw daw niya yun gusto daw niyang personal na sabihin. Hindi pa rin siya tinatantanan ng mga babae lalo na si Cindy.

(Ivy Calling)

"Shelly, samahan mo ako sa susunod na Sunday bridal shower ng kaibigan ko. Nahihiya ako wala akong masyadong kakilala dun baka ma out of place ako. Ang motif nila dapat naka suot ng pangkasal."

"Hmmmm.....?????"

"Sige na Shelly...please....please...."

"Ok sige sasamahan kita."

" Yehey!!!..... Salamat Shelly...pero Shelly dapat naka pangkasal ka din."

"Ganun!... Kaya lang wala akong damit pangkasal." Napapaisip na sabi ko.

"Hmmmm...ibibili kita syempre yung mumurahin lang." sabi pa ni Ivy.

"Hahahaha..ok sige."

"Schuyler, aatend ako ng bridal shower sa sunday kasama si Ivy." Paalam ko.

"Saan naman gaganapin?" tanong niya habang nanonood ng tv.

"Sa isang exclusive beach, mga 2 hours ang biyahe mula dito."

"Gusto mo ihatid kita?" alok niya.

"Hindi na may kotse naman si Ivy."

"Bakit ayaw mo akong makasama?" nilapit niya ang mukha sa akin.

"Hindi naman sa ganun, lakad ng mga babae ito eh."

"Ok! Basta ingat ka ha." Saka hinalikan ako sa labi.

*****

Hinintay ko si Ivy sa Skagen Mall. Mahaba rin ang naging biyahe namin. Sa beach resort na lang kami magbibihis. Pagdating namin may nag make-up sa amin kaya hindi kami nahirapan. Nagpaalam si Ivy na titingnan muna niya kung dumating na ang bf niya kasi yun ang nagdala ng damit niya kaya iniwan akong mag-isa. Inayusan ako ng mga make-up artist at pagkatapos isinuot ko ang damit na dala ni Ivy.

"Wow! sakto ah!" at nagpaikot ikot ako sa salamin. Sinabihan ako ng make up artist na maghintay muna sa upuan ko kasi baka makita ako ng bride, kasi nga daw surprise yun. Hintayin ko na lang daw bumalik si Ivy. Tinext ko si Schuyler at sinabi na nasa resort na ako. Nagreply siya na mag-ingat ako.

Dumating na yung make-up artist at sinabi na pwede na akong lumabas pero lalagyan ng piring ang mata ko. Pinasundo daw ako ni Ivy dahil nauna na si Ivy. Hindi na ako pumalag kasi nga sinama na nga lang ako ni Ivy, aarte pa ako.

Tinanggal ang piring ko at nagulat ako sa nakita, si Schuyler nasa kabilang dulo. Nandito family ni Schuyler, mama ko, si Hana, sina Dave, Safety, Frank, Foreman at mga tao na hindi ko kakilala at nakatingin lahat sila sa akin.

"Shelly, kasal ninyo ni Schuyler ito." Bulong sa akin ni Ivy. Hindi ako makapagsalita at naiyak ako.

"Wag kang umiyak Shelly, masisira ang make-up mo. Mag walk ka papunta kay Schuyler." Dagdag pa ni Ivy.

Dahan dahan akong lumakad kahit nangangatog ang tuhod ko. Nakita ko si Schuyler ang gwapo niya sa suot niyang white suit. Nakangiti siya habang papalapit ako.

"Schuyler, sinupresa mo ako." Nakangiti lang siya sa akin.

Inumpisahan na ang ceremony. Sinabi ko kay Ivy na kasabwat pala siya. Sinabi niya na si Schuyler ang pumili ng wedding gown ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

"Shelly, Congrats." Bati sa akin ni Dave, Safety, Foreman Alex at Frank.

"Shelly, nagulat nga kami ng magbigay si Schuyler ng invitation at sinabi sa amin na wag sasabihin sa iyo. Ang lakas talaga ng tama sa iyo ni Sir, hindi ka na pinakawalan pa." sabi ni Dave.

"Lapitin si Schuyler ng mga babae kaysa siya ang mapikot ikaw na ang pinikot Shelly." natatawang sabi ni Safety.

"Ako nga ang guard mo sa site, lagi kang pinatitingnan sa akin ni Schuyler kasi baka daw may biglang pumasok sa office at nag iisa ka pa naman." Dagdag pa ni Frank.

"Shelly, mahal na mahal ka talaga ni Schuyler. Congrats sa inyo." Sabi ni Foreman.

"Salamat sa inyong lahat."

Natapos na ang kasiyahan at pumunta na kami ni Schuyler sa room.

"Shelly, nandito nga pala sa maleta ang mga damit mo." At itinuro ang maleta.

"Grabe! Kinakabahan ako...ang lakas ng tibok ng puso ko. Kasal na kami ni Schuyler. Makita ko pa lang siyang half naked freeze at drooling na ako. Eh lalo pa kaya kung naked na siya at hindi lang kiss ang gagawin niya." tiningnan ko si Schuyler nakaupo sa sofa na tumitingin sa tablet at bigla akong kinilabutan at tumaas ang balahibo.

Nakita ko ang mga regalo. Madami ang nagbigay at na excite akong buksan. Pampa wala ng kaba sa isip isip ko.

"Schuyler, pwede bang buksan ko na itong mga regalo?" lumingon si Schuyler.

"Shelly, hindi ka ba nahihirapan sa gown mo? Magpalit ka na muna kaya ng damit." saka tinuloy ang pagtingin sa tablet.

"Ah ok." inabot ko ang zipper ng gown sa likod.

"Naku lagot na hindi ko mabuksan, sinadya ba ito ni Schuyler para siya lang ang magbubukas. Hay Shelly, na tetense ka lang kaya anu ano ang pinag iisip mo. Kalma lang." sabi ko sa sarili ko.

Kumuha ako ng isang regalo kaya lang nahirapan akong buksan dahil sa suot kong gown kaya tumayo ako at kinausap si Schuyler.

"Na surprise talaga ako sa ginawa mo. Kasal agad eh hindi mo pa nga ako tinatanong ng will you marry me?." Sabi ko kay Schuyler at tiningnan ko ang suot kong singsing na may diamond. Tumayo si Schuyler at nilapitan ako.

"Sa akin ka lang Shelly." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Dahan dahan akong hinalikan at hinalikan ko din siya. Naramdaman ko ang kamay niya na unzipped niya ang gown ko at unti-unting hinubad at hiniga ako sa kama. Bumilis ang tibok ng puso ko. Patuloy pa rin siya sa paghalik sa labi ko at bumaba sa chin. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya.

"Schuyler!" Napatigil siya at tumingin sa akin.

"Schuyler, may pasok pa tayo bukas!" hinabol hiningang sabi ko at napangiti siya.

"Naka leave ka ng 1 week." saka tinuloy ang paghalik.

"Schuyler! Wait!" napatigil siya at tumitig sa akin saka binigyan ako ng smack kiss sa labi.

"Shelly, sige na magpahinga ka na muna." At tatayo na siya pero pinigilan ko saka dahan dahang hinalikan sa labi si Schuyler at humalik na rin siya, sa labi at sa chin at napahawak ako ng mahigpit sa braso niya ng bumaba sa leeg.

"Shelly, wag kang mag alala, dadahan dahanin ko lng." Saka tinuloy ang paghalik.


My Woman



Ipagpapatuloy

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon