Chapter 39

3.5K 60 0
                                    

"Happy New Year!" bati ko kina Dave at Safety. Back to work na, tinatamad pa nga akong pumasok.

"Happy New Year Shelly!" sabi ni Dave.

"Shelly, naalala ko yung nangyari nung championship game. Sinabihan ka ni Schuyler na "hintayin mo ako dito". Nung malaman niya na umalis ka na, dali dali siyang umalis at hindi pinansin si Victoria. Nakita din pala ni Wallance ang lahat ng nangyari. Ano ang real score ninyong dalawa ni Schuyler?" naiintriga si Dave.

"Ewan ko, tanungin ninyo na lang si Sir Schuyler." binuksan ko ang desktop. Dumating si Schuyler at binati namin ng good morning.

Tok!Tok!Tok!

"Good morning!" bati ni Wallance. Ngumiti ako at ngumiti din siya saka pumunta kay Schuyler para magpapirma. Hindi nagtagal at umalis na si Wallance.

"Shelly, nakita ko si Wallance sa Skagen Mall may kasamang babae at pinakilala sa akin na girlfriend niya." Kwento ni Safety.

"Ouch!.. Brokenhearted!... Dapat kasi pinagtapat mo sa kanya na gusto mo siya ayan tuloy naagaw ng iba." sabi ni Dave na nakatingin sa akin.

"Shelly, wag kang mag-alala marami pa dyan. Ang dami ngang nangungulit sa akin na ibigay sa kanila ang number mo. May ipapakilala nga pala ako sa iyo tiyak na magugustuhan mo."sabi ni Safety.

"Dave at Safety, after lunch pupunta ako ng head office." Paalam niya. Hindi binanggit ang pangalan ko.

Nagpunta na sa itaas sina Dave at Safety at naiwan kaming 2 sa office.

"Shelly, paki receive nga ito sa JK DCC." Lumapit ako at inabot sa akin ang papel. Lumabas naman agad ako. Pagpasok ko ng JK office nagtinginan ang mga babaeng staff sa akin. Sa isip isip ko siguro nakita nila ang eksana namin ni Schuyler noong championship game.

May pina receive na plano si DCC sa akin. Palabas na ako ng office ng makasalubong ko si Schuyler. Nagkunwari ako na hindi siya nakita. Dumaan muna ako ng cr at paglabas ko ng cr nakita ko si Schuyler at Victoria nag-uusap. Nakangiti si Schuyler habang kausap si Victoria. Papalapit na ako sa kanila ng tumunog ang cp ko.

(Amanda Calling)...

Sinagot ko ang tawag at napatingin sa akin si Schuyler. Hindi ko siya pinansin. Tumigil ako sa tabi ng pinto papuntang Basement 2 para makasagap ng signal. Nakita ko si Schuyler papalapit sa akin pababa na sa office. Hindi ko din siya ulit pinansin at medyo tinagalan ko ang usapan namin ni Amanda saka ako bumalik.

Inabot ko kay Schuyler ang plano at umupo na ako sa working table.

"Shelly!" tawag ni Schuyler. Lumapit ako at pumuwesto sa harap niya.

"Shelly, itong area na ito sa 27th Floor paki check ninyo ni Foreman mamaya.... dito ka nga sa tabi ko para makita mo kung anong area ang sinasabi ko." Utos niya

"Sungit!" sa isip isip ko.

"Naghahabol ngayon si Dave sa mga testing kaya need ko muna ang tulong ninyo ni Foreman pero simula ngayon huwag ka ng aakyat mag-isa sa itaas ha. Pag nalaman ko na sinaway mo utos ko gagawan kita ng insubordination letter." Dagdag pa niya at ibinigay na sa akin ang plano.

Inumpisahan ko ng i-review ang plano. Ang bilis ng oras mag lunch break na at nagsipagdatingan na si Dave at Safety. Lumapit sa akin si Safety at may inabot na papel.

"Shelly, number yan ng sinasabi ko sa iyo. I save mo ha." Tumayo ako at bumulong kay Safety pagkatapos lumabas ako para hanapin si Foreman. Kinausap ko si Foreman about dun sa sinabi ni Schuyler na titingnan sa site.

Pagkatapos kung kumain at magtoothbrush yumuko na ako sa mesa at tiningnan si Schuyler na busy sa tablet niya.

"I love you so much Schuyler."

Click! Switch off na ni Schuyler ang light.


1pm

Paggising ko wala na si Schuyler. Naunang umakyat si Dave sa itaas. Lumapit sa mesa ko si Safety.

"Shelly, totoo yun?!. Boyfriend mo si Schuyler?!" hindi makapaniwalang tanong ni Safety.

"Shhhhhh....Wag ka maingay. Sa iyo ko lang sinabi yun."

"Kaya pala saglit na mawala ka lang, hinahanap ka na agad at minsan nakita ko siyang binabasa ang resume mo. Ang akala ko pa si Victoria ang nililigawan niya."

"Subukan lang niyang lokohin ako kahit Project Manager lagot siya. Safety, wag kang maingay at huwag mong sabihin sa iba, may tiwala pa naman ako sa iyo."

"Ok pangako." at nagpaalam na aakyat na siya.

Nagpunta naman kami ni Foreman sa 27th Floor. Nilibot na rin namin ang ibang area ng 27th

Ring!Ring!....

(Schuyler Calling)

"Nasaan ka?" bungad na tanong niya.

"Sa 27th Floor kasama si Foreman."

"After work magkita tayo sa Skagen Mall. Tatawagan kita ulit mamaya." Yun lang at binaba na. Tinanong ako ni Foreman kung si Schuyler ang kausap ko. Sinabi ko Oo pinaalala sa akin itong 27th Floor.

****

Nagpareserve na si Schuyler sa isang exclusive restaurant sa Skagen Mall kaya doon ako naghintay sa kanya.

"Hi Shelly!" hinalikan ako sa pisngi at kilig to the max naman ako.

"Kanina ka pa?" tanong ni Schuyler.

"Hindi naman." Umorder na si Schuyler ng pagkain.

"Shelly, pinatawag ako sa office kasi may inuumpisahang project dyan sa kasunod na kanto ng Skagen Mall at ako ang pinahahawak ng Project. Yung mga staff at workers ng MA Tower dyan na sila ililipat. Habang wala pang office dun, sa site muna natin ako mag-ooffice. Sinabi ko kaagad sa iyo dahil magiging busy na ako sa mga susunod na araw." Paliwanag niya.

Dumating na ang pagkain kaya kumain na kami.

"Schuyler, I love you!" at muntik na siyang mabulunan sa bigla kong sinabi.

"Schuyler, nga pala si Amanda na approve na yung visa niya sa Singapore. Kinuha siya ng kuya ko para dun magtrabaho. Tapos yung asawa ni kuya sa amin na titira para may kasama din kami."

"May asawa na pala ang kuya mo?"

"Oo, nakatira pansamantala sa family niya kasi nagkasakit ang mother pero ngayon ok na kaya lilipat na siya sa amin."

Paglabas namin ng restaurant hindi na ako nagpahatid kay Schuyler sa sakayan. Nagpaalam na ako at bago ako umalis hinalikan niya ako sa pisngi at pagtingin ko sa may likuran ni Schuyler, si Wallance nakatingin sa amin.


You Don't Know



Ipagpapatuloy


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon