Chapter 2 - ( First Day at Site )

8.3K 116 3
                                    

Sa gate maraming worker ang naghihintay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa gate maraming worker ang naghihintay.

"Good morning Mam! bati ng guard. Dumiretso ako sa office sa Basement 2.

Pagbukas ko ng pinto agad akong binati ni safety Marcus at sinabihan na mag-biometrics at mag log-in sa attendance sheet. Pinakilala ako sa Quality Control Engineer na nagsusulat sa white board.

"Si Sir Dave Liam ang Quality Control Engineer, kaka-start lang niya last week." sabi ni Safety Marcus.

Dave Liam, maputi, medyo mataba, 26 years old at nagtapos ng Mechanical Engineering sa kilalang Unibersidad.

"Ako, si Dave at Project Manager ang makakasama mo dito sa office. Katabi ng office natin ang warehouse at workers quarter. Dito ang magiging working table mo, Shelly. Ito ang password ng computer. Si P.M. ang magpapaliwanag ng mga gagawin mo pero wala pa siya dahil may importanteng ginagawa sa head office kaya for the meantime i-explore mo muna ang assigned computer para saiyo." Paliwanag ni Safety Marcus.

"Aatend na ako ng meeting." Paalam ni Dave.

"Maiwan na kita Shelly, mag aasikaso na ako ng work permit ng mga tao." Paalam ni Safety.

Naiwan akong mag isa sa office. Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid, maraming nagkalat na papel at maalikabok ang mga mesa kaya bago ako nag umpisa naglinis muna ako. Bawat isa sa amin ay may sari-sariling mesa. Ang mesa ko ay nasa right side malapit sa pinto. Sa likuran ko may malaking meeting table. Sa left side ng pintuan mesa ni Safety Marcus. Sa tabi nya ang mesa ni Quality Control Engineer Dave at sa dulong gitnang bahagi ng office nakagay ang mesa ni Project Manager at malapit sa tabi ng mesa ni P.M. may malaking cabinet kung saan nakalagay ang lahat ng mga documents, files at drawings.

"Bakit kaya wala man lang turn-over yung dating autocad operator?."

Click! Click! Click! Ingay lang ng desktop mouse ang maririnig.



10:00 o'clock (15 minutes break)

"Saan kaya ang canteen?"

Pumunta ako sa katabing room, sa warehouse at kumatok. Isang lalaki ang nagbukas ng pinto.

"Good morning, ako po si Shelly ang bagong autocad operator. Nasaan po iyong canteen?

"Good morning din. Dumiretso ka lang (sabay turo) at sa dulo makikita mo."

"Salamat po. Ano po pangalan ninyo?"

"Frank!.. Frank Diaz" pakilala sa akin.

Frank Diaz, 45 years old, 5'8" tall with fair complexion.

Hindi kalakihan ang canteen pero malinis at maayos. Bumili ako ng tinapay at bumalik na agad sa office.

Click! Click! Balik ulit ako sa pag explore sa computer.

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon