"Shelly, nagresign ka?" gulat na tanong sa akin ni Dave at Safety.
"Oo, hinihintay ko na lang approval nila."
"Bakit ka naman nagresign?" tanong ni Safety.
"Aasikasuhin ko ang business ni Schuyler." Pagsisinungaling ko.
Pumasok si Schuyler.
"Good afternoon Sir." bati ni Dave. Dumiretso sa upuan niya.
"Shelly, halika dito." Tinawag ako ng hindi ako tinitingnan. Lumapit ako.
"Ano itong resignation letter na ito?" napatingin si Dave at Safety sa akin pagkarinig ng sinabi ni Schuyler.
"Bakit hindi mo muna pinaalam sa akin na magreresign ka? sa HR ko pa nalaman." Napataas ang boses ni Schuyler.
"Busy ka kasi sa Cindy mo kaya bakit ko pa ipapaalam sa iyo?" malakas na sabi ko. Nagulat si Dave at Safety. Pagkasabi ko nun lumabas na ako ng office at nagpunta sa cr.
(vomit!vomit!..)
"Miss ok la lang?" tanong sa akin ng nakasabayan ko sa cr.
"Oo, nalamigan lang ang sikmura ko kaya nasuka ako."
Nagtagal ako sa cr bago bumalik sa office. Wala na si Schuyler, sina Dave at Safety na lang ang nadatnan ko.
"Shelly, wag kang magagalit ha. Balita nga sa Jewel na may relasyon sina Schuyler at Cindy. Hindi ko naman masabi sa iyo kasi ayokong yun pa ang pagmulan ng away ninyong mag-asawa." Pagtatapat ni Safety.
"Dave at Safety, sana hindi na makalabas pa ang nangyari dito sa amin ni Schuyler. Ang kasalanan lang ni Schuyler ay hindi niya matanggihan ang mga babae lagi na lang siyang nagpapadala sa mga ito. Alam ko na ako lang ang mahal ni Schuyler."
Condo
Pagdating ko sa bahay nagluto agad ako at nahiga na sa kama.
"Nangangasim na naman ang sikmura ko at nasusuka, gusto kong kumain ng siopao." Ang hirap naman ng naglilihi. Hanggang ngayon hindi ko pa sinasabi na buntis ako. Mag 3 months na ang tiyan ko.
Hindi ko na natiis ang pagtatakam sa siopao kaya bumaba at bumili sa convenience store na nasa ibaba.
"Ang sarap naman!" at halos mabulunan ako sa pagkain.
Ring! Ring! Ring!...
(Schuyler Calling).. Hindi ko sinagot...Nakailang tawag din siya kaya switch-off ko ang cp.
Tinagalan kong kumain sa convenience store.
Tik!Tik!TikTik!
"Saan ka galing?" tanong ni Schuyler na nakaupo sa sofa. Gusto ko sana siyang sagutin na hindi naman kita tinatanong kung saan ka galing kaya wag mo akong tanungin. Hindi ko siya pinansin tumuloy ako sa kwarto.
Nahiga na ako at nagtaklob ng kumot.
Maaga akong gumising at naramdaman ko na yakap ako ni Schuyler. Bumangon ako at ng papaalis na hinawakan ako sa kamay ni Schuyler.
"Shelly!..."hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na tapusin ang sasabihin niya.
"Schuyler, please lang!" tinanggal ko ang pagkakahawak niya.
Pumasok ako sa trabaho ng hindi nagpapaalam na aalis na ako.
Office
"Good morning." Bati ni Dave.
"Ang aga ah." nginitian ko siya.
Ilang minuto lang ang nakalilipas dumating na si Schuyler. Hindi ko siya pinansin, nagpunta ako kay Foreman at tinanong kung saang floor siya pupunta dahil sasama ako. Nakita kong umalis ng office si Schuyler kaya dali dali akong nagprint ng 38th Floor. Kinuha ang PPE at sabay kaming pumunta ni Foreman sa Basement 1 elevator lobby. Pinauna kami ng guard na nagbabantay. Hindi pa kami nakakarating sa 38th Floor ng makaramdam ako ng panghihina kaya humawak ako kay Foreman at sinabi na mahihimatay saka nawalan ng malay.
Naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko kaya iminulat ko ang mata. Si Schuyler nakahawak at nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang tiyan ko, bumangon at tumingin sa paligid.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" nag aalalang tanong ni Schuyler.
"Nasaan ako?"
"Nandito ka sa clinic sa site." Dumating ang nurse at tumingin kay Schuyler.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ng nurse.
"Ok na po."
"Schuyler, ok naman si Shelly. Masyado kasing mainit ang panahon ngayon at wala pang hangin sa loob ng elevator kaya nawalan siya ng malay.
Hinalikan ako ni Schuyler sa noo at nagulat ang nurse.
"Shelly, pasulat na lang ang pangalan mo dito at pirmahan mo na rin." Inabot sa akin ang isang papel. Kinuha ni Schuyler at siya ang nagsulat.
"Shelly, papirma." Kinuha at pinirmahan ko saka inabot sa nurse. Tiningnan ng nurse ang sinulat ni Schuyler.
"Sir, asawa mo?" gulat na tanong ng nurse.
"Oo, asawa ko." Ngumiti si Schuyler at inalalayan ako papalabas ng clinic.
"Schuyler. Ok na ako wag mo na akong hawakan sa baywang." Pero hindi niya ako pinakinggan kaya nagtinginan sa akin ang mga tao.
"Shelly, ano gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na kita."
"Ok na po ako Sir."
Dumating si Foreman para kamustahin ako.
"Ok ka na ba Shelly?" nag aalalang tanong ni Foreman.
"Foreman, salamat ha." Pasalamat ni Schuyler.
"Ok na ako. Salamat." At nginitian ko si Foreman.
"Mabuti na lang nahawakan kita agad at naalalayan ng ibang worker kaya ka hindi bumagsak at pagbukas ng elevator sa Basement 1 nakita ko si Schuyler kaya sumigaw ako na hinimatay ang asawa niya. Siya ang bumuhat sa iyo at nagdala sa clinic." Paliwanag ni Foreman at tumingin ako kay Schuyler.
Sabay kaming umuwi ni Schuyler. Pagdating sa condo gusto ko ulit kumain ng maasim na pagkain. Natatakam na naman ako.
"Shelly, kausapin at pansinin mo naman ako.." pagmamakaawa ni Schuyler.
"Please lang Schuyler! Tigilan mo ako! Alam mo nasasaktan ako kapag nakikita ka, kaya please lang!" galit na sabi ko habang pinipigilang tumulo ang luha.
Because It Hurts Everyday
Ipagpapatuloy
BINABASA MO ANG
The Handsome Project Manager
RomansWhen sleeping beauty woke up from her sleep, the first person she saw is the one who gave her everlasting love.---The Handsome Project Manager.