Chapter 34

3.8K 59 0
                                    

Inaantok pa akong pumasok pero kapag naiisip ko na makikita si Schuyler na eexcite ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inaantok pa akong pumasok pero kapag naiisip ko na makikita si Schuyler na eexcite ako.

Nakita ko si Safety sa gate kaya sabay na kaming naglakad papunta sa office.

"Good morning Shelly and Safety!" bati ni Dave at sabay akbay sa aming dalawa. Inalis ko agad ang kamay ni Dave sa balikat kasi nakita ko si Schuyler masama ang tingin kay Dave.

Nagbigay ng pasalubong si Schuyler at regalo sa mga staff at worker. Kinuha ko ang regalo ko na towel na binili namin ni Amanda at binigay sa kanya.

"Thanks Shelly." tipid na sabi at balik sa ginagawa niya.

Kinausap niya si Dave para alamin ang mga nangyari nung wala siya. Si Safety ay umakyat na sa taas.

Tok!Tok!Tok!. Bumukas ang pinto. Si Wallance.

"Good Morning!" bati niya. Ngumiti siya sa akin at dumiretso kay Schuyler para magpapapirma. Binasa ni Schuyler ang papel at pinirmahan kaagad.

Papalabas na si Wallance ng may inabot siya sa akin na "Bar of Chocolate".

"Thanks Wallance." at nginitian siya.

Naiwan kaming 2 ni Schuyler sa office.

Sinimulan ko ng ayusin ang mga files na iniwan ko sa malaking mesa samantalang seryoso siya sa laptop niya.

"Sa lahat ng bagay ay may tamang oras." bulong ko. Pumunta ako sa filling cabinet na malapit sa kanya para ibalik at kumuha ng bagong folder na aayusin. Pilit kong kinukuha ang folder na nasa itaas na bahagi ng cabinet at tumingkayad na ako.

"Magsasabi ka kapag kailangan mo ng tulong." Bulong sa taenga ko saka kinuha ang folder at nilagay sa malaking mesa.

"Thanks Schuyler." bumalik siya sa mesa niya at pinagpatuloy ang ginagawa.

(Ayos ng folder....ayos ng folder....)

Tumayo ako at nagpunta ng cr. Nakakaantok ang mag-ayos kaya naupo muna ako sa toilet bowl at kinuha ang cp para tingnan ang picture ni Schuyler na nakasave. Narinig ko na may pumasok na 2 babae at nag-uusap. Pinag uusapan nila si Schuyler. Sa wakas nakita daw nila si Schuyler ang tagal nilang hinintay na makita ulit at lalo pa naging pogi sa bagong haircut at nalaman ko din na inaccept ni Schuyler ang friend request nung 2 babae sa fb at lalo pang kinilig.

"Well ganyan talaga pag gwapo habulin kaya lang sorry girls boyfriend ko na si Schuyler!." Bulong ko. Hinintay kong makaalis ang 2 babae saka ako lumabas.

Papalapit pa lang ako sa office namin ng matanaw ko si Victoria kausap si Schuyler sa tapat ng warehouse at biglang humawak sa braso ni Schuyler, parang nahingi ng favour si Victoria kay Schuyler.

"Hi Shelly!" bati sa akin ni Victoria.

"Hi!" matipid na sabi ko at inirapan si Schuyler.

"Sige na Schuyler pumayag ka na." pakiusap ni Victoria. Hindi ko na inalam pa ang sasabihin ni Schuyler at pumasok na ako sa office.

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon