Last day ko na sa office ngayon. Nakakuha na ng papalit sa akin at lalaki ang pinili ni Schuyler.
"Shelly, ma mimiss ka namin." niyakap ako ni Dave at niyakap ko naman siya. Tumingin lang si Schuyler sa amin.
"Oo nga.Wala na kaming maganda dito sa office." Natatawang biro ni Safety.
"Shelly, anong gusto mong pagkain mamaya?" tanong ni Schuyler.
"Fried Chicken" Ayoko naman siya ipahiya ulit kaya sumagot ako at natatakam ako sa fried chicken.
"Ok Safety sabihin mo sa tao mamaya na huwag na silang bumili ng lunch. Magpapadeliver na lang ako mamaya."
"Yehey!" sigaw ni Dave.
Pumunta ako sa Basement 1 at nakita ako ni Wallance.
"Shelly, balita ko nagresign ka na at asawa mo na pala si Schuyler, kailan pa?"
"Oo nagresign na. Nung June lang kami kinasal. Ikaw nga balita ko ikakasal ka na."
"Next year pa naman."
"Congrats Wallance." At nagpunta na ako sa cr.
Pagpasok ko ng cr nakita ako ng JK DC at sinabihan ako na pumunta sa office may paparecieve siya.
Tumingin ako sa salamin at inayos ang buhok. "Shelly, kahit buntis ka kailangan mong maging maganda pa rin."
Pumunta na ako sa JK Office.
"Shelly, asawa mo pala si Schuyler." Malakas na sabi ni DCC kaya nagtinginan ang lahat ng tao sa Office. Inabot na rin sa akin ang paparecieve.
"Oo" nakangiting sagot ko.
"Girls, wala na kayong pag-asa kay Schuyler asawa na siya ni Shelly." Sabi niya sa mga katabi niyang babae.
"Kaya pala pareho sila ng singsing ni Schuyler." Sabi ng katabi niya.
"Ok lang si Shelly ang napangasawa niya kaysa si malanding Victoria." Dagdag pa nung isa at natawa kaming lahat sa sinabi.
Nagpaalam na ako sa kanila. Binigay ko kay Schuyler ang nereceive ko kanina.
Dumating na ang pinadeliver ni Schuyler na lunch para sa mga tao at sabay sabay kaming kumain. Tinabihan ko si Schuyler sa pagkain gusto ko sa huling araw ko sa site maganda ang iiwan ko sa kanilang alaala. Nagpicture taking pa nga kami. Cp ko ang ginamit ko para may remembrance ako.
Sabay kaming umuwi ni Schuyler. Simula ng nag-away kami ni Schuyler lagi na siyang umuuwi ng maaga at kung gabihin man ay nagmemessage na siya pero hindi pa rin nawawala ang sakit as dibdib ko.
Tik!Tik!Tik! Tik!
Pumasok na kami sa condo. Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Tiningnan ko ang tiyan ko, hindi pa halata na buntis ako.
Nagluto ako ng pagkain samantalang si Schuyler nakahiga sa sofa at nanonood ng tv. Kumain kami ng sabay pero hindi ko siya kinakausap.
Pagkatapos kong maglinis ng kusina nakita ko si Schuyler nasa sofa pa at nanonood ng tv. Nilapitan ko siya.
"Schuyler, uuwi muna ako sa aming bahay sa The Greens. Doon muna ako mamamalagi." Napabangon sa pagkakahiga si Schuyler.
"Bakit naman?" mahinahong tanong niya.
"Na mimiss ko na si mama dahil ng kinasal tayo hindi ko siya nadalaw."
"Ayokong malayo ka sa akin." Niyakap ako.
"Please lang Schuyler." Pagmamatigas ko at inalis ko ang yakap niya. Nabakas ko ang kalungkutan sa kanyang mukha.
"Ok. Kailan mo gustong umuwi?"
BINABASA MO ANG
The Handsome Project Manager
Roman d'amourWhen sleeping beauty woke up from her sleep, the first person she saw is the one who gave her everlasting love.---The Handsome Project Manager.