Chapter 33

3.6K 62 0
                                    


I love you is one short sentence that can change a person's life, for a lifetime, in just a few seconds.---- Terry Mark


Sa labas ng pinto nakatayo akong naguguluhan.

"Schuyler, I love you too!" bulong ko at bigla akong pumasok at nakitang nakatayo pa rin si Schuyler na nakatingin sa akin. Mabilis akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng isang halik sa labi.

"Schuyler, I love you." Sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya. Ngumiti siya at dahan dahan akong hinalikan. Matagal niya akong hinahalikan at gumanti na rin ako sa halik kaya lalong naging mariin ang mga halik niya at bigla akong niyakap..., niyakap ng mahigpit. Nararamdaman ko na pareho na kaming nang-iinit.

"Schuyler! Wait! Hindi na ako makahinga." habol hiningang sabi ko. Nakita ko namumula na ang mukha niya.

"Parang nagsusugat na ang labi ko sa halik mo!" at kinapa ko ang labi ko.

"Hahahaha." sabay tawa niya.

"Shelly, I miss you... I love you."


Si Amanda inaayos na ang kama niya.

"O! ate bakit naandito ka? masikip na dito!" nangingiting sabi sa akin at sabay higa sa kama at ibinuka ang kamay at paa.

"Aber! Saan naman ako matutulog?" pilit kong itinikom ang kanyang mga kamay at paa at nagrambulan kami sa kama.

"Ate, Ate, Tama na nakikiliti ako.! Wag mong sayangin ang pagkakataon na makasama si Schuyler." Napatigil ako sa pagkikiliti kay Amanda.

"Itetext ko nga siya." At hinanap ang cp at naalala ko naiwan ko pala sa kwarto. Napabangon ako baka tingnan ni Schuyler ang cp at makita yung picture ng scrapbook niya.

Tok!Tok!

"Schuyler." binuksan ko ang ilaw at nakita kong tulog na siya. Dahan dahan akong lumapit sa drawer na nasa tabi ng kama para kuhanin ang naiwan kong cp.

Bigla akong hinawakan ni Schuyler sa kamay at hinila ako sa kama kaya napaharap sa kanya.

"Anong ginagawa mo ha?" nangingiti na nakatitig.

"Schuyler, ano ba bitawan mo nga ako." Pilit kumakalas sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Hiniga niya ako sa tabi niya at niyakap....saka pinikit ang kanyang mata. Hindi naman ako makakalas sa pagkakayakap.

"Shelly, dito ka na muna sa tabi ko. Shelly, I love you..Na miss kita..." Bulong niya at hinigpitan ang yakap.

Ang mukha ko ay nasa dibdib ni Schuyler ang bango niya at ramdam ko ang pintig ng puso. Inangat ko ang mukha ko at tinitigan ang mukha niya. Gwapo kahit natutulog hindi na ako pumalag pa dahil na miss ko rin naman siya.


Nagkamot ng tiyan, nag unat saka iminulat ko ang aking mata. Nagulata ako ng makita si Schuyler na nakaupo sa kama at nakatitig sa akin.

"Ang aga mo naman gumising 6:30 pa lang." napansin ko na nakabihis na siya ng maayos.

"7 o'clock na po."

"Good morning." bati niya.

"Good morning." Tinali ko ang buhok ko. Tumayo at nag cr.

Pagbalik ko niyakap ako ni Schuyler.

"Ano ka ba? bumaba na tayo." Saka nagpupumiglas.

"Saglit lang! matagal na naman bago kita mayakap muli." Kaya niyakap ko din siya.

"Schuyler, napansin ko na lagi mo akong niyayakap at hinahalikan."

"Dahil mahal na mahal kita Shelly." at saka binigyan ako ng smack kiss sa labi.

Pagbaba namin nakita ko si mama nag-aayos na ng mesa. Maaga pala siyang gumising para magluto ng almusal. Sabay sabay kaming 3 kumain ng umagahan. Nagpasalamat si Schuyler kay mama. Sinabihan siya ni mama na sana may time siya na dumalaw ulit sa amin. Inihatid ko na si Schuyler sa may gate.

"Ingat ka sa biyahe ha." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi at bumulong.

"Good kisser ka pala Shelly." saka nagmamadaling sumakay ng kotse. Naiwan akong napatulala sa sinabi niya at tinanaw na lang ang papalayong kotse.


Nakain na si Amanda ng bumalik ako sa kusina.

"Ate..." lumapit agad ako at pinigilan si Amanda sa sasabihin niya.

"Mamaya ikukuwento ko sa iyo."

"Talaga Ate ha!." Excited sa sasabihin ko.

Naglinis ako ng bahay habang hinihintay ko ang message ni Schuyler.

Message receive:

I'm home. I love you--- Schuyler.

Ang tipid naman magtext.

Sinabi ko kay Amanda na sa lapag natulog si Schuyler at sobra siyang kinilig. Magkasama buong gabi. Ikinuwento ko din kay Ivy ang nangyari. Gulat na gulat siya ng malaman niya.

"Shelly, kinikilig ako. Ang haba ng hair mo. Kung ako yun naku ni-rape ko na si Schuyler." tawa ng tawa si Ivy.

"Loka! Hindi pa nga niya ako nililigawan at sinagot ko agad. Diba ang bilis?! Kaya sa mga susunod na araw pakipot muna ako. Kung ayaw na niya well ok lang sa akin at least kahit isang araw naging boyfriend ko si Schuyler Suarez."

"Schuyler! Schuyler!...I Love You..



Saying I Love You



Ipagpapatuloy

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon