Chapter 42

3.4K 57 0
                                    

Ang bilis talaga ng panahon May na. Nakasakay ako sa bus papuntang office ng tumawag si Schuyler.

"Shelly, dumiretso ka muna sa Jewel Site. Ingat ka lagi." Yun lang at binaba.

Busy si Schuyler sa bago niyang Project ang Jewel Residential Building. Nagkaroon na ng office ang Crewe Corporation sa site kaya minsan na lang siya pumunta sa office namin. Magaling si Dave magtrabaho at well organize ang trabaho ng JK kaya wala masyadong nagiging problema ang The Seven Project, ahead pa nga sa schedule.

From The Seven Hotel to Jewel 10 minutes walking distance.

"Sa Crewe Corporation po." Sabi ko sa guard na naka-duty. Hindi ako nahirapan pumasok sa site kasi may naghihintay na sa akin na staff ng Crewe at hinatid niya ako sa office.

Malaki ang office nila na nasa Basement 1. Nadatnan ko na nagkukuwentuhan ang mga staff.

"Good morning." Bati ko sa kanila. Napatigil sila sa kwentuhan at napatingin sa akin. Nakita ko si Schuyler may kausap na maputi at matangkad na babae( kamukha ni Park Ji-Soo ng bida sa surplus princess) na nasa tabi niya.

Hinahanap ko si Jenny ang autocad pero hindi ko makita.

"Shelly." tawag sa akin ni Schuyler, pagkakita sa akin.

Lumapit ako at tumingin sa akin ang kausap niyang babae. Nginitian ako ng babae at nginitian ko din siya.

"Pag usapan natin ulit mamaya." Sabi niya sa babae saka umalis na yung babae at pumunta sa working table na malapit sa mesa ni Schuyler.

"Shelly, pa-receive mo itong letter sa JK DC." inabot ang isang envelope.

"Ako na ang bahala sa time-in mo." Sabi pa niya.

"Sige po Sir." Paalam ko. Yun lang at umalis na ako.

Dumaan muna ako sa JK office bago nagtungo sa office at nagsend ng message kay Schuyler para paalam na napa-receive ko na.

"Thanks Shelly..I love you."--- Schuyler.

"Naku nagtatalon na naman ang puso mo Shelly." Bulong ko.

Nadatnan ko na naghihintay sa akin si Foreman.

"Akala ko Shelly, hindi ka papasok." Sabi ni Dave at isinuot ang hard hat.

"Pinapunta ako ni Sir sa Jewel Project."

"Maganda ang office nila?" tanong sa akin ni Safety.

"Oo, malaki at ang iingay ng mga staff. Pagdating ko dun nagkukuwentuhan pa." at inabot ang printed copy ng plan kay Foreman.

Umakyat na sila sa taas.

"Sino kaya yung magandang babae na kausap ni Schuyler kanina?." at tinitigan ko ang picture ni Schuyler.

Inumpisahan ko ng gawin ang shopdrawing...

Click !Click! Click! Buong maghapong ginawa at hindi ko namalayan ang oras at uwian na naman.

*********

"Hay! Sumasakit na naman ang mata ko sa matagal na pagcocomputer." nahiga ako sa kama.

"Na mimiss ko na si Amanda." Tumayo ako at nagbukas ng laptop. Nagmessage ako kay Ivy at nangumusta. Hindi siya nagreply agad. Siguro busy siya sa isip isip ko.

Tok!Tok!Tok! at pumasok si Hana ang asawa ni kuya.

"Shelly, kakain na." sabi niya. Tumayo ako at sabay kaming bumaba.

Pagkatapos kumain, nanood muna ako ng drama. Dramang laging pinapanood ni Amanda. Hindi na broken hearted ang babaeng bida at nakaka move on na. Ang sabi pa nga magiging makulay na ang buhay niya kaya laging subaybayan at wag palalampasin ang mga susunod na mangyayari.

Bumalik ako sa kwarto at tiningnan ang cp. Walang message si Schuyler. Nag message ako ng i love you sa kanya at pinikit ko na ang mata para matulog.


Office

"Good morning!" bati ko kina Dave at safety.

"Shelly, mamayang 3pm may meeting ang mga autocad ng sub-con sa JK conference room." Sabi ni Dave.

"Shelly, nabalitaan mo na ba yung nangyari kay Schuyler?" tanong ni Safety.

"Anong nangyari kay Schuyler?" at kinabahan ako.

"Naaksidente sa site. Nag sa-site visit ang mga Project Manager ng madaganan ng scaffoldings. 7 ang nasugatan kasama si Schuyler. Mabuti walang worker ang nasa scaffolding ng makalas." Kwento ni Safety. Pagkarinig ko gusto kong puntahan agad si Schuyler.

"Ano na ang lagay ni Sir?" nag-aalalang tanong ni Dave.

"Ang pagkakaalam ko lang nasa hospital. Babalitaan ko kayo pag may nalaman ako" Dagdag pa ni Safety.

Lumabas ako at nagpunta sa Basement 1 at tinawagan ang cp ni Schuyler. Tumutunog pero hindi sinasagot.

Hindi naman ako mapag-out dahil may meeting ako mamaya.


Lunch Break

"Na injuired si Sir at naka bandage ang kanang braso at may sugat daw sa noo. Hindi naman daw malala pero nasa hospital pa." balita ni Safety.

"Dalawin natin mamaya." Sabi ni Dave at sumang-ayon naman kami nila Safety.

Sa meeting nag take down ako at hinihintay na ang uwian.

Kay Dave kami sumabay nila Safety, Frank at Foreman. Malapit lang ang hospital sa office kaya nakarating kami agad. Pumasok kami sa isang private room. Pagbukas ni Dave ng pinto, natanaw ko kaagad si Schuyler nakaupo sa higaan at may adhesive bandage sa noo at naka bandage ang kanang braso at napansin ko ang babaeng nagpapakain kay Schuyler na naka Crewe Uniform.

Lumapit ako kay Schuyler at bigla ko siyang niyakap.

"Salamat at hindi ka masyado nasaktan." Nag aalalang sabi ko at tiningnan ko ang babae.

Nagulat sina Dave, Foreman at Frank sa nakita nila at mababakas ang pagkainis sa mukha ng babae.

"Sir, kamusta na po?" tanong ni Dave.

" Ok naman. Si Cindy nga pala, secretary ko sa Jewel Project." Pakilala ni Schuyler at pinakilala din niya kami kay Cindy.

"Hello po." bati niya sa amin. Sinabi ni Schuyler na ayaw na niyang kumain kaya tumayo si Cindy at nilapag sa maliit na mesa ang pagkain.

"Mabuti nga ito lang ang nangyari sa akin. Nabalitaan ko nga yung ibang P.M. napilayan daw. Makakalabas na din ako mamaya." Sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Sir, hindi din kami magtatagal para makapagpahinga ka na." sabi ni Safety.

"Ok. Isabay ninyo na si Cindy dahil maiiwan dito si Shelly." At nakangiti sa akin.

"Sir, mamaya na ako aalis. Aalalayan ko pa kayo." Pagtanggi ni Cindy.

"Kailangan mo ng magpahinga kasi kanina ka nandito." Hindi na nakapagsalita pa si Cindy at sumunod na kina Dave.

"Shelly, nagugutom ako." Nangingiting sabi niya at kinuha ko ang pagkain sa maliit na mesa saka sinubuan ko.


Run To You



Ipagpapatuloy

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon