Chapter 37

3.5K 66 1
                                    

Sa dalampasigan

"Shelly, nandito ka pala." inakbayan ako ni Schuyler.

"Schuyler, kamusta ka na?" tanong ni Charles.

"Ok naman. Sige dyan ka na nagugutom pa yata ang girlfriend ko." naglakad na kami pabalik.

"Bye! Shelly, nice meeting you!" habol pa niya. Nilingon saka nginitian ko.

Bumalik kami sa mesa namin. Tumayo si Schuyler at pagdating may dalang dessert.

"Wow, blueberry cheese cake."

"Schuyler, salamat." Inumpisahan ko ng kainin. Kumuha si Schuyler ng maiinom kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Hindi naman ako maglalasing. Red wine ito na mababa ang alcohol content." Saka ininum ni Schuyler.

11pm

Nagpaalam na kami sa Groom at Bride saka bumalik sa hotel. Ang dami kong kinain kaya busog na busog at ang bigat ng pakiramdam ko. Nag cr ako saka nagpalit ng damit.

"Shelly, ano ang tinanong ni Charles sa iyo?" habang nagpupunas ng buhok. Umupo ako sa kama at minasahe ko ang paa.

"Sinabi niya magkaibigan kayo, tinanong ang pangalan at number ko. Ah! kinunan niya ako ng picture kasama ang mga bituin." Tumitig si Schuyler, nilapit ang mukha sa mukha ko kaya napahiga ako sa kama. Ang lapit ng mukha niya kaya pumikit ako dahil baka halikan na naman ako, naramdaman ko na tumayo si Schuyler kaya idinilat ko ang mata at nakita na papunta siya sa may terrace.

"Hay akala ko manghahalik na naman." Hinawakan ko ang dibdib, ang lakas ng pintig ng puso ko.

Dahil sa sobrang pagod nakatulog agad ako.

Naalimpungatan ako at nakita si Schuyler na nakahiga sa tabi ko at busy sa tablet.

"Schuyler, I love you." bulong ko at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko na hinaplos niya ang ulo ko.


Umaga na, bumangon ako pero pinigilan ako ni Schuyler.

"Mamaya ka na tumayo, mamayang pang 6pm ang flight natin." saka niyakap ako. Tiningnan ko ang oras 7am pa lng.

"Schuyler, naiihi na ako." Inalis ko ang pagkakayakap niya at natawa si Schuyler.

Tinagalan ko sa cr ang dami ko kasing kinain kagabi. Lumabas ako at nakita si Schuyler na nakaupo na sa kama. Pumunta ako sa terrace at tinanaw ang dagat. Nakatalikod ako saka niyakap ni Schuyler. Ang kamay niya nasa tiyan ko.

"Shelly, i love you." bulong niya.


*****

Nagyaya siyang kumain sa restaurant na makikita sa ground floor. Ang sasarap ng mga pagkain kaya pala dinadayo talaga ang hotel. Natapos kaming kumain at tumayo na. Napatingin si Schuyler sa matandang lalaki na nagkakape sa hindi kalayuan. Lumapit kami at tumingin sa amin ang lalaki.

"Dad!" tawag ni Schuyler.

"Upo kayo." kamukha siya ni Schuyler kahit matanda na gwapo pa rin.

Pinakilala niya ako sa dad niya na si Mr. Sandro Suarez at sinabi na girlfriend ako. Ngumiti naman sa akin. Hindi din kami nagtagal dahil dumating na ang hinihintay ng dad ni Schuyler.

Naglalakad kami ng lumapit sa amin si Charles.

"Hi! Shelly!" saka nginitian ako.

"Hi!" tipid na sabi ko.

Kinausap niya si Schuyler. Nakaramdam ako ng sakit ng tiyan kaya nagpaalam na ako sa kanila.

Kumuha ako ng tuwalya at pumasok sa cr, nabigla siguro ang tiyan ko. Naisip ko na hindi pa dumarating si Schuyler kasi hindi ko pa naririnig bumukas ang pinto. Naligo na rin ako kaya lang nalimutan ko pala kumuha ng damit sa pagmamadali kanina. Tinapis ko ang tuwalya at dahan dahang binuksa ang pinto at sinilip kung dumating na si Schuyler.

"Wala pa! mabuti naman." at dumiretso ako sa sofa kung saan nakalagay ang gamit ko. Kumuha ako ng undies at sinuot saka binalot ng tuwalya ang buhok at sinamantala ko na maglagay muna ng lotion pero biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Schuyler na nakatingin sa akin, napatigil ako sa paglalagay sa hita at nabitawan ang lotion.

"Ano na naman ang pinaggagawa mo?" sabi ni Schuyler saka dumiretso sa cr.

"Naku nakita niya ako naka panty at bra lang." dali dali akong nagsuot ng damit at buti hindi siya lumapit.

Lumabas siya at kumuha ng tuwalya at damit saka naligo.

Dahil baka sumakit ulit ang tiyan ko naisipan kong bumili ng gamot at kinatok si Schuyler para magpaalam.

"Bakit Shelly?" Gosh ang gwapo niya half naked.. Nagpaalam ako nang hindi siya tinitingnan. Pinayagan naman ako.

Nagtanong ako sa concierge kong saan may malapit na drugstore. Lumabas ako at hindi naman ako nahirapan hanapin kaya nakabili ako agad.

Nang pabalik na ako sa hotel may tumawag sa akin at napatigil ako.

"Miss, anong pangalan mo?" isang lalaki at dahil hindi ko siya kilala mabilis akong naglakad kaya lang hinawakan ako ng mahigpit sa braso ng lalaki at nagpupumiglas ako saka tumakbo papuntang Hotel at dalidali akong pumasok sa room. Hinihingal ako ng makita ni Schuyler.

"Shelly, anong nangyari?" nilapitan ko siya at maluha luhang niyakap. Napansin niya na nangangatog ako sa takot kaya niyakap ako ng mahigpit.

Nang kumalma na ako kinuwento ko sa kanya ang lahat.

"Kaya nga ayokong mawawala ka sa paningin ko." Saka tumitig sa akin. Pagkarinig ko ng sinabi niya dahan dahan ko siyang hinalikan sa labi at gumanti naman si Schuyler ng halik.

"Wait lang Schuyler!" at habol hininga ako. Napatigil si Schuyler.

"Schuyler, sumasakit na naman ang tiyan ko." At tumakbo ako papuntang cr. Natatawang humabol ng tingin si Schuyler.


Sweet Response



Ipagpapatuloy



The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon