Chapter 27

3.4K 64 0
                                    

"Schuyler!" tawag ni Sasha habang nakatingin kay Schuyler. Ibinukas ko ng konti ang aking mata at kita ko na sinenyasan siya ni Schuyler na huwag maingay. Tumayo si Schuyler at kinausap si Sasha. Umalis na ang kapatid ni Schuyler pagkatapos niyang kausapin at nagtungo siya sa cr kaya bumangon na ako.

"Good morning." bati ng kalalabas sa cr na si Schuyler.

"Good morning." bati ko saka nagpunta ako sa cr. Tinagalan ko sa loob ng cr.

"Shelly, halika na sa baba. Magbreakfast na tayo." Hindi na ako binigyan ng pagkakataon na magsalita at hinila na ako pababa kahit suot ko pa rin ang damit niya.

Pumunta kami sa dining area. Napatingin sa amin ang mga katulong at kapatid ni Schuyler. Nakita ko na kasi siya sa family picture kaya alam kong kapatid siya ni Schuyler.

"Shelly, siya ang kapatid kong si Sasha. Sasha, siya naman si Shelly."

Tiningnan ako ni Sasha mula ulo hanggang paa.

"Good morning Sasha." Nahihiyang bati ko.

"Kuya, girlfriend mo?" tanong ni Sasha.

"Oo, girlfriend ko." sagot ni Schuyler habang nakatingin kay Sasha. Nagulat ako sa sinabi.

"Sasha, hin......." Hindi ako pinatapos ni Schuyler magsalita, hinawakan niya ako sa kamay at pinaupo sa mesa at umupo na rin siya. Hawak pa rin niya ang kamay ko.

Inihain na ng mga katulog ang mga pagkain at nagsimula na kaming kumain.

Biglang nagbago ang mood ni Sasha.

"Shelly, malihim talaga itong si Kuya. Bibiglain na lang kami na mag gf na pala. Matagal na ba kayo?"

"Bago pa lang ang aming relasyon." Sagot ni Schuyler.

"Alam mo Shelly, ikaw ang unang babaeng pinatulog niya sa kwarto kahit ako nga ayaw niyang patulugin doon eh." Pagbubuko ni Sasha. Nagulat ulit ako sa narinig.

"Sasha, wag mo naman akong ibuko." At napapangiti si Schuyler.

Nagkuwentuhan kami habang kumakain at marami akong nalaman tungkol kay Schuyler. Nag-uusap pa sina Sasha at Schuyler kaya nagpaalam na ako sa kanila na pupunta ng kwarto.

Nag iisip ako habang papaakyat ng hagdan. Lagot ka sa akin Schuyler marami kang ipapaliwanag. Nakaupo ako sa kama ng pumasok si Schuyler at lumapit sa akin.

"Shelly, sorry sa ginawa ko. Ayoko lang silang mag-isip ng masama tungkol sa iyo kaya sinabi kong girlfriend kita." Paliwanag ni Schuyler. Tumayo ako at tinitigan siya.

"Bakit ako hindi mo ba naisip ang naramdaman ko ng sinabi mong gf mo ako?" naiinis na sabi.

"Shelly, i like you!" sinabi niya na nakatingin sa mga mata ko. Nagulat ako at hindi makapagsalita.

"Eh si Victoria?"

"Hindi ko siya gusto." Paliwanag niya.

Niyakap ako at tumingin sa mga mata ko at nilapit ang mukha sa akin na may balak akong halikan pero umiwas ako saka inalis ang pagkakayakap niya at kinuha ko ang pambihis at dumiretso sa cr. Iniwan kong nakatayo si Schuyler.

Sa cr, nakatingin ako sa salamin, tiningnan kong maigi ang aking mukha at nagsalita. "I like you?" ang sinabi niya hindi "I love you" paano ka matutuwa nun. I like you din ba ang sinabi niya kay Victoria? Natutuwa ba siya sa mga pinaggagawa niya sa akin?. Yayapin at hahalikan tapos bukas si Victoria naman ang lalandiin niya. Paasahin ngayon tapos bukas paiiyakin.

Lumabas ako ng cr at nakita ko siya nakaupo sa kama.

"Schuyler, uuwi na ako."

"Magpapalit lang ako ng damit at ihahatid kita." Kumuha siya ng damit sa cabinet at nag cr.

Tumanaw ako sa bintana at nakita ko ang ganda ng hardin, maraming makukulay na bulaklak at mga malalaking puno.

Nagpaalam ako kay Sasha. Sinabihan ako ni Sasha na bumalik ulit para mapakilala ako sa mommy nila. Wala ang mommy nila nasa Centara.

Binuksan niya ang pinto ng kotse at sumakay ako.

"Schuyler, sa Fx terminal na lang sa Skagen Mall mo ako ibaba."

"Ihahatid na kita sa inyo." Seryosong sabi niya. Wala kaming usapan habang nasa biyahe. Bumaba na ako at nagpaalam sa kanya. Gusto pa niyang bumaba para magpakilala sa mga magulang ko pero pinigilan siya at sinabi na wala sila.

"Ate, sino yung naghatid sa iyo?" si Amanda nanonood ng tv sa sala.

"Ah.. kaibigan ko." dumiretso ako sa kwarto. Humiga at napansin ko ang teddy bear keychain na nakasabit sa bag.


After a Long Time


Ipagpapatuloy


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon