Chapter 48

3.6K 65 0
                                    

Nagising ako pero hindi makakilos. Iminulat ko ang mata at nagulat sa nakita. Nasa isang kumot kami Schuyler. Si Schuyler at ako ay walang suot kaya hinila ko ang kumot at tumalikod sa kanya na naging dahilan para magising siya.

"Ang ganda ng katawan ni Schuyler." Sa isip isip ko. Hahaha.

"Shelly!" hinanap agad ako. Natawa siya ng makita ako sa dulo ng kama.

"Anong ginagawa mo diyan?." hinila ako papalapit sa kanya.

"Ouch! ang sakit ng balakang ko, ng buong katawan ko at nangangatog ang tuhod." Napangiti lang si Schuyler.

"Schuyler, pwede bang magbihis ka na hindi ako sanay..... at ikuha mo din ako ng tubig nauuhaw ako." Tumawa ng malakas si Schuyler saka umalis. Tumalikod ulit ako.

"Nawawala ako sa katinuan pag nakikita kita ng walang suot." Mahinang bulong ko.

Bumalik siya ng naka t-shirt at shorts na at may dalang isang basong tubig at almusal.

"Shelly, ito na." nilapag ang tray sa kama at inalalayan akong uminom.

"Schuyler, ikuha mo muna ako ng damit. Bathrobe ang kinuha at isinuot sa akin.

Kumain na rin kami. Pagkatapos kumain gusto kong mag cr.

"Grabe ang sakit ayokong lumakad at nangangatog ang tuhod ko." Sa isi-isip ko.

"Schuyler, Alalayan mo ako papuntang cr." Binuhat niya ako papuntang cr.

"Maligo ka na rin para maging maginhawa ang pakiramdam mo. Hinanda ko na ang bathtub."

"Ano gusto mong paliguan kita?" pagbibirong tanong niya.

"Ayoko nga!" at pinagtabuyan ko siya papalabas saka naligo na ako, parang ayaw ko ng umalis sa tubig.

Tatayo na ako sa bathtub pero nahihirapan ako kasi nanghihina pa rin ang buo kong katawan.

"Grabe naman ito." Kaya tinawag ko si Schuyler.

"Schuyler! Schuyler! "

Pumasok siya ng cr.

"Pwedeng patulong." napangiti lang siya. Nahihiya man akong magpatulong sa kanya wala akong magawa. Inasikaso niya ako na parang prinsesa.

"Ang sarap talagang magmahal ni Schuyler." Bulong ko.

Inilapag na niya ako sa kama, tumabi sa akin at tinitigan ako saka hinalikan.

"Schuyler!" napatigil siya.

"Hindi pa ako nakakarecover eh!" Tumawa siya ng malakas at humalik ng isang beses sa labi.

****

Sa condo kami tumira malapit kasi yun sa trabaho namin. Dahil marami siyang gagawin pumasok na siya after 3 days ako sa next week pa papasok.

Nilinis ko ang buong condo ni Schuyler. Nagluto ng pagkain dahil parating na si Schuyler.

Pagkatapos kong magluto nag facebook muna ako gamit ang desktop ni Schuyler. Nagmessage ako kay Ivy. Kilig na kilig si Ivy sa ma kinuwento ko. Nag message din ako kay Amanda. Sinabi na mis na miss ko na siya. Humingi naman sila ng paumanhin ni kuya dahil hindi sila pinayagan ng amo nila na magleave. Sinabi niya na si Schuyler ang nagplano lahat.

Tik!Tik!Tik!Tik!

Dumating na si Schuyler at pagod na pagod.

"Kamusta na?" saka inabot ko ang tuwalya at damit pamalit.

"Na miss kita kaagad." Ngumiti siya.

"Sa site kamusta na?"

"Busy masyado at nakakapagod. Buti na lang nandyan ka nawala ang pagod ko."

"Nambola ka pa! halika na kumain na tayo." Pero hinila ako papalapit sa kanya at nilapit ang mukha kaya hinalikan ko siya.

"Kumain ka muna para makapaligo ka na." napatawa siya sa sinabi ko.

Sabay kaming kumain ni Schuyler pagkatapos naligo na siya. Habang nasa cr tiningnan ko ang message niya. Walang message si Cindy siguro natauhan na at nalaman niya na kinasal na kami.

Nanonood ako ng tv ng lumapit sa akin si Schuyler.

"Shelly, matulog na tayo." Mahinang sabi niya at sumunod naman ako sa kwarto.

May kinuha siya mula sa bag at inabot sa akin.

"Yan ang bank passbook at atm card mo. Kung may gusto kang bilhin gamitin mo yan."

"Hindi ko naman kailangan ito." inabot ko ulit sa kanya at hindi niya tinanggap.

"Asawa na kita Shelly kaya tanggapin mo yan." Wala akong nagawa kundi kunin na lang.

"Bibigyan kita ng monthly allowance para sa mga bayarin at panggastos dito sa bahay. Kung may kailangan ka wag kang mahihiyang magsabi sa akin. Shelly, gusto mo bang magresign sa Crewe at business na lang natin ang asikasuhin mo?" seryosong tanong niya.

Nag-isip akong mabuti. Kapag ako nagresign sa trabaho mapapalayo ako sa kanya at wala na akong masasagap na balita tungkol sa kanya sa site. Hindi ko na malalaman kung may umaaligid na babae at gusto ko siyang nakikitang naka suot ng hardhat.

"Pag-iisipan ko muna." Sagot ko.

"Ok sige."

"Sabihin mo pala sa akin kung kailan ka mag papachange name para mabago id mo at para ma arrange ko ang driver.

"Ok sige." Sagot ko ulit.

Humiga na kami at hinalikan ako.

"Schuyler!" napatingin siya sa akin.

"Injured pa ako." Natatawang sabi ko.

"Hahahaha!" tawa niya ng malakas at niyakap ako ng mahigpit.

Inilibot ako ni Schuyler sa mga branches ng business niya at pinakilala. Napapatingin ang mga staff na babae sa akin at halatang nadidismaya dahil wala na silang pag-asa kay Schuyler. Sa main office kami pumunta sa Skagen City. Binati siya ng mga staff at pinakilala ako.

Pumasok kami sa office. Maaliwalas, malinis at kita ang buong waiting area sa kinauupuan niya at mula sa labas hindi kita ang buong office. Umupo si Schuyler sa working table, tumabi ako at tiningnan ang ginagawa niya sa desktop.

"Schuyler, hindi ka ba napapagod kasi weekdays Project Manager tapos weekend business mo naman ang inaasikaso mo?"

"Hindi. Basta laging nasa tabi ko si Mrs. Shelly Angeline Suarez."


Mrs. Suarez



Ipagpapatuloy


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon