Chapter 44

3.3K 55 0
                                    

5am na hindi pa ako dalawin ng antok kaya nagluto na ako ng almusal. Nag-iwan lang ako ng note at pumasok na ako ng maaga.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa bus stop. Ilang bus na ang dumadaan hindi pa rin ako sumasakay kasi masyado pang maaga. Naupo ako sa upuan sa bus stop at tumingin sa mga nagdadaang sasakyan.

***

"Hi Shelly!" bati ni Safety.

"Good morning!" sabay ngiti ko.

"Nabalitaan ko na buong gabing nagcelebrate si Schuyler at ang mga staff ng Jewel ah." Kwento ni Safety.

"Oo nga eh. Sinabi sa akin ni Schuyler." Pilit kong tinatago ang nararamdaman ko.

"At si Schuyler lasing daw at madaling araw na nakauwi." Dagdag pa niya.

"Ganun ba." at kinagat ko ang dila ko para hindi maiyak.

Pumasok si Foreman at nanghihingi ng plano may ichecheck daw siya sa roofdeck.

"Foreman, hintayin mo ako. Sasama ako." At inabot ang printed plan.

"Shelly, ang aga pa aakyat ka na sa taas? Ingat ka dun ha." Paalala pa ni Safety.

Umakyat na kami ni Foreman sa Roofdeck.

Ring! Ring! Ring!.

(Schuyler Calling)..hindi ko sinagot. Tumawag siya ng 3 beses pero hindi ko sinagot.

Ring!Ring!Ring!..

(Schuyler Calling).

"Hello!" sagot ko.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?." Naiinis na tanong niya.

"Busy kasi." Palusot ko.

"Saan ka ngayon?"

"Sa site." Pagkarinig niya binaba na.

"Hmmp.... Hindi man lang ako kinamusta."....Tiningnan ko ang view sa baba at ang ginagawang Jewel Building..at sumigaw ako..

"I hate you Schuyler!"....

"I love you Schuyler!"....

Tinawagan ko si Schuyler. Nagriring pero hindi sinasagot. Hindi ko tinigilan hanggang hindi niya sinasagot..

"Hindi man lang ako tinext kung busy siya." Nanggigigil na sabi ko. Ginantihan mo ako kaya hindi mo sinasagot ah. Dahil nagalit na ako nagmessage ako sa kanya.

(message send)

"I hate you Schuyler! Simula ngayon break na tayo!.. Break na tayo!!!... I hate you!!..Sasagutin ko na si Wallance!..... Break na tayo!!!...."


Tok!Tok!Tok!..Bumukas ang pinto. Ang suki ko na naman.

Inabot ko ang bouquet ng roses, binasa ang card.

"I love you Shelly Angeline Henson."

"Hindi ko naman kilala ang nagpadala ng roses." Bulong ko at tinapon sa basurahan ang roses.

Ginawa kong busy ang sarili ko sa office...

Pumunta ako ng Basement 1 para tawagan si Schuyler. Nakailang tawag na ako hindi niya sinasagot at hanggang sa makauwi ako sa bahay hindi ko pa rin tinitigilan ang pagtawag sa kanya.

Naiinis ako kay Schuyler at bigla akong naiyak. Nagtaklob ako ng kumot. Tinawag nga ako ni Hana para kumain pero sinabi ko na kumain na ako sa labas.

Ikinuwento ko kay Ivy ang lahat.

" Bakit hindi mo liwanagin kay Schuyler ang lahat at ganun pa ang sinabi mo sa kanya? Lalo mo pa binigyan ng chance si Cindy na agawin si Schuyler."

"Kasi nagseselos ako kay Cindy!.."

"Sabihin mo iyan sa mukha ni Schuyler."

Tinawagan ko si Schuyler.

"Hello!... binaba ko agad ang tawag at switch off ang cp. Humiga ako sa kama at naghintay ng 30 minutes saka binuksan ang cp.

"Hmp...hindi man lang nag message...!"

Tinawagan ko ulit pero hindi sinasagot...tinawagan ko ulit...at tinawagan ulit..naka 30 tawag na ako pero hindi talaga niya sinasagot..

Nagtaklob ako ng kumot at natulog na....!!!

"Shelly...Shelly!.gising na malalate ka na." gising sa akin ni mama. Tiningnan ko cp, hindi man lang tumawag o nagtext.

"Ma, hindi ako papasok."

"Masama pakiramdam mo?" nag aalalang tanong ni mama.

"Masakit ang ulo ko." gumawa lang ako ng dahilan para hindi pumasok.

Umalis na si mama.

Pinaalam ko sa HR na hindi ako papasok para hindi ako ma-awol. Ayokong magmessage kay Schuyler. Bahala siyang hanapin ako. Nagmessage din ako kay Dave at Safety.

Nagpagulong gulong ako sa kama, hinihintay ko kung mag memesage o tatawag si Schuyler. Mag 12 o'clock na wala pa rin. Iniwan ko ang cp sa kwarto at nagpunta sa kusina para kumain. Nahiga ako sa sofa at nanood ng tv. Hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Tiningnan ko ang cp hindi man lang nagparamdam si Schuyler. Mabuti pa sina Dave nagmessage sa akin.


Say You'll Never Go




Ipagpapatuloy

----------------------------------

FLASHBACK

<Schuyler>

Nagising si Schuyler at nakita ang cake at regalo ni Shelly. Binuksan ang regalo at tuwang tuwa sa relo at saka sinuot.

"Paano kaya ako hihingi ng tawad kay Shelly?.... Shelly, hindi ko naman sinasadyang mapasarap sa inuman kagabi..." huminga ito ng malalim saka tinitigan ang suot na relo.

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon