Chapter 46

3.3K 64 0
                                    


"I love you Shelly...Wag ka ng magalit." Yakap pa rin ako. Umiikot pa rin ang paningin ko kaya humawak ako sa braso ni Schuyler.

"Schuyler, nahihilo ako." Tinitigan ako sa mata ni Schuyler at ngumiti. Inayos niya ang pagkakakumot ko.

"Halika dito, humiga ka muna." pinatagilid niya ako, humiga siya saka tumagilid. Magkaharap na kami. Grabe, kinikilabutan ako ang gwapo niya. Lumakas ang pintig ng puso ko. Hinawakan ang isa kong kamay at tiningnan ako sa mga mata.

"May gusto sa akin si Cindy, hindi ko siya gusto at higit sa lahat ikaw lang ang mahal ko Shelly. Alam ni Cindy na girlfriend kita. Hindi kita tinetext at tinawagan kasi ayokong makipag away sa iyo. Madami na akong problema sa trabaho at sa business, pagdating sa iyo wag mo naman akong bigyan ng problema. Kagabi, ang kulit-kulit mo habang nasa kotse kaya dito sa malapit na hotel na lang kita dinala. Sinukahan mo ang damit ko at may suka din ang damit mo, dinala kita sa cr para punasan ang damit mo kaya lang makulit ka. Binuksan mo ang shower at sinabuyan ako ng tubig kaya pareho tayong basa. Wala akong nagawa kundi tanggalin ang damit mo kaya ganyan ang itsura mo..... At ang last, walang nangyari sa atin pero nakita ko lahat." Paliwanag niya at saka ngumiti. Sa hiya ko tinakpan ko ng kamay ang mukha ko. Tumawa lang ng malakas si Schuyler.

"Tingnan ko lang kung tatawanan mo pa ako!" bigla ko siyang hinalikan. Dahan dahan lang ang halik ko at humalik na rin siya. Nararamdaman ko nang-iinit na ang katawan niya. Umibabaw siya sa akin habang humahalik at hinalikan ako sa leeg.

"Schuyler!!" napatigil siya at tumingin sa akin saka binigyan ako ng isang halik sa labi.

"Matulog ka na muna Shelly." bumalik si Schuyler sa pagkakahiga saka niyakap ako.


True Love



Ipagpapatuloy


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon