Chapter 4 - ( He's My Project Manager )

6.7K 109 2
                                    

Malamig ang gabi, bilog na bilog ang buwan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malamig ang gabi, bilog na bilog ang buwan. Nawala na ang pamumula ng aking kanang kamay. Kinuha ko ang asul na panyo na naiwan ng lalaki, mabango ito at mukhang hindi pa nagamit.

Pumasok sa kwarto ko ang bunso kong kapatid.

"Kanino 'yang panyo? Souvenir ng ex-boyfriend mo?."

"Hindi noh! Wag mo ng ipaalala si ex. Ouch! Ouch!....dun lang naman sa nagmamadaling lalaking nakaapak ng kamay ko kanina."

"Hahaha....Malas mo naman? Crush mo?" biro ni amanda.

"Hindi ko nakita ang mukha kasi naka sombrero."

"Naku siguro snatcher iyon, or soulmate?"

"Tumigil ka na sa pang-aasar mo. bumalik ka na sa kwarto mo at matulog ka na!"

"Naglalambing lang naman eh!"

"Ikaw talaga! Matulog ka na maaga pa tayo sa work bukas."

Bumalik na si Amanda sa kanyang kuwarto. Inilagay ko sa aking drawer ang panyo at humiga na ako sa kama para matulog.


Kinabukasan

Naiwan na naman akong mag-isa sa office.

Busy busyhan ako sa ginagawa ko ng marinig kong bumukas ang pinto. Isang lalaki ang pumasok, tinanggal niya ang kanyang hard hat habang nakatitig sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi makakilos sa kinauupuan.

Dumiretso siya sa mesa ni Sir Dave at iginala ang tingin sa white board. Nakasuot siya ng Crewe Company Uniform. Tiningnan ko at binati siya ng Good afternoon. Tumingin lang at tinanong kung nasaan ang Quality Control Engineer.

"Nasa meeting po." sagot ko.

"OK! pakisabi na pumunta siya sa Head Office."

Hindi ko na naitanong kung ano ang pangalan dahil matapos niyang masabi ang mensahe ay nagmamadaling umalis.

"Sino kaya siya?. Ang gwapo naman!"

Nang dumating si Dave sinabi ko agad sa kanya ang habilin ng lalaki. Natapos ang buong araw na nakatutok lang ang aking mga paningin sa monitor ng desktop at sumakit na naman ang pwet ko sa kakaupo.

"Sana dumating na si Project Manager."....

___________________________________________


Napasarap ang tulog ko kagabi kaya bilis bilis akong nag-ayos.

"Malalate yata ako!., naku heavy traffic pa. Halos lumipad ako sa paglalakad, 5 minutes na lang 8 o'clock na.

"Good morning Mam" bati sa akin ng guard na naka-duty sa may gate.

Tumango lang ako. Exactly 8 o'clock ako nakapag-in.

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon