Chapter 55 - Now We're Going To Meet

4.8K 72 0
                                    


Ang bilis talaga ng panahon parang kailan lang medyo malaki na ang tiyan ko.

"Ate, decided ka na ba talagang umuwi ng pinas?" tanong ni Amanda habang naglalagay ng damit ko sa maleta.

"Oo, gusto ko kasing manganak nasa tabi ko si Schuyler? Ako pa rin ang legal wife."

Dalawang buwang lang ako namalagi sa Singapore. 6months na ang tiyan ko at iba na ang itsura ko ngayon maikli ang buhok.

"Schuyler, magkikita na rin tayo." at tiningnan ang wedding ring saka hinaplos.


Lumipat na kami sa Subdivison at hindi alam ni Schuyler ang bagong tirahan namin.

Tuwang tuwa si mama ng makita ako.

"Hindi ka ba nahihirapan sa pagbubuntis mo?" tanong ni mama ng malaman na kambal.

"Hindi naman. Nakikisama sila sa akin kasi alam nila na malayo kami sa daddy nila." Hinaplos ko ang tiyan ko.

"Nakausap mo na ba si Schuyler?"

"Saka ko na lang sasabihin sa kanya pag manganganak na ako." Hindi na kumontra si mama sa akin.

Nanatili ako sa bahay namin hanggang kabwanan ko na.


****

Dahil na mimiss ko si Ivy nagchat kami sa FB.

"Ivy, kamusta na?"

"Mabuti naman. Kamusta na Shelly?"

"Ok naman, malapit ng manganak ng kambal."

"Wow naman kambal ! Alam mo na lagi kang tinatanong ni Schuyler sa akin. Sabi ko wala akong balita sa iyo, na bigla ka nalang umalis na hindi ka nagpapaalam sa akin."

"Kamusta naman si Schuyler?"

"Gwapo pa rin. Nung nagpa change oil nga ako siya pa ang nagasikaso sa akin. Kinamusta ko siya. Sinabi niya na ok siya. Pag may nalaman nga daw ako tungkol sa iyo sabihan ko daw siya kaagad."

"About sa lovelife may nasabi ba siya sa iyo?"

"Wala naman. Tawagan mo na si Schuyler kawawa naman siya."

"Ivy, kita na lang tayo bukas sa Skagen Mall. Miss na miss na rin kita."

"Kailan nga pala ang due date mo?."

"Ngayong May."

"Pwede ka pa bang magbiyahe?" nag aalalang tanong ni Ivy.

"Oo, kailangan ko ngang matagtag para hindi mahirapan manganak."

"Ok sige pero ingat ha."

"Ok!"


Pumasok ako sa Skagen Mall kahit ilang buwan lang akong nawala nanibago ako kaagad. Kinuha ko ang cp sa bag at biglang nalaglag ang keychain teddy bear kaya hinanap ko.

"Ayun!" nilapitan ko at ng kukunin ko na may pumulot nito.

"Miss, ito oh!" inabot sa akin at napatitig ako sa suot niyang relo. Inangat ko ang aking ulo at tiningnan ang nag abot.

"Schuyler!" gulat ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng sakit ng tiyan.

"Shelly!" gulat na sabi ni Schuyler at tiningnan ang tiyan kong hinahaplos ko.

"Schuyler, sumasakit ang tiyan ko. Manganganak na ako." Hinawakan ko siya sa kanyang braso.

"Shelly, inhale...exhale.." kinampante niya ako saka pinaupo at napatingin ang mga tao sa amin. Nilapitan kami ng guard saka tumawag ng ambulance.

"Schuyler, ouch...Nagmamadali nang lumabas ang anak mo."

"Shelly, wag kang mag alala parating na ang ambulance." Nag aalalang sabi ni Schuyler saka hinaplos ang tiyan ko.

Namimilipit ako sa sakit, todo kapit ako kay Schuyler. Hindi naman nagtagal at dumating na ang ambulance. Sinabihan ni Schuyler na sa pinakamalapit na private hospital ako dalhin.

Hanggang sa hospital hindi ako bumibitaw kay Schuyler. Pilit kinakampante ni Schuyler ang sarili niya.

Papasok na ako ng emergency room at pinigilan pumasok si Schuyler.

"Schuyler, samahan mo ako.!" At lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kanya.

"Oo. Shelly."

Sa emergency room.

"Doc, kambal ang anak ko." Namimilipit na sabi ko at nagulat si Schuyler sa narinig.

Kitang kita ni Schuyler habang nanganganak ako. Normal delivery kaya nahirapan ako pero kinaya ko kasi nasa tabi ko si Schuyler.

Ipinatong sa dibdib ko ang kambal.

"Schuyler, tingnan mo ang cute ng anak mo." Hinalikan ako ni Schuyler sa noo.

"Oo nga ang cute kamukha ko. Shelly, bakit hindi mo sinabi na buntis ka pala." Saka hinaplos sa pisngi ang kambal.

"Kasi gusto kong maging instant daddy ka." birong sabi ko.

"Shelly, gusto kong pangalan nila ay Schuylar at Schuylly."

"Schuylar at Schuylly." at hinalikan ako sa labi ni Schuyler."


Hindi maipinta ang kagalakan ng pamilya ni Schuyler ng makita ang kambal. Sinabi ng mommy ni Schuyler na nung huling punta ko daw dun nahalata daw niya na parang buntis ako kasi takam na takam daw anong kumain ng mangga.

Sinabi ng mama ni Schuyler na simula ng umalis ako, sa bahay nila tumira si Schuyler at pinagbenta na ang unit niya sa condo at dinala daw lahat ni Schuyler ang gamit ko. Naging focus siya sa trabaho at sa business kaya dumami na ang branch ng Auto repair and maintenance center.

"Alam mo ba Shelly, si Cindy yung malanding babae. Nang malaman ni kuya na may inutusan siya para ipagkalat sa Jewel na may relasyon sila, pinatanggal niya kaagad." Sabi ni Sasha.

"Shelly, ang tagal kitang hinintay..........kahit matagal alam kong babalik ka. Mahal na mahal kita Shelly."

"I'm sorry Schuyler kung hindi kita pinakinggan at sorry din kung iniwan kita. I'm sorry...." Umiiyak na sabi ko. Niyakap ako ng mahigpit ni schuyler.

"I love you Shelly."


Now we're going to meet


Ipagpapatuloy

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon