Chapter 17

4.3K 77 0
                                    

If I can just paint a picture so real,

If I can just say the words so that you coud hear,

If I can just fly in the sky as the birds passing by,

If I can just whisper those words to make you smile,

If only I can..

----Amandaleekisses14


"Hi! Shelly.."

"Magkakilala kayo?" pasungit na tanong ng babae sa akin.

"Ah ! Si Lorraine kapatid ko." Pakilala ni Wallance sa amin ni Schuyler. Napakalma ni Wallance ang kapatid niya.

"Nagdate kayo ni Schuyler?" nakatitig siya kay Schuyler.

"Hindi nagkita lang kami dito."

Hindi nagtagal ang usapan namin nagpaalam na kami ni Schuyler kay Wallance. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa ni Schuyler.


Kapapasok ko pa lang sa bahay sinalubong na ako kaagad ni Amanda.

"Ate, may nagdeliver ng flower para sa iyo." tinuro ang rose na nakapatong sa mesa sa may living area."

"Sino naman?" lumapit ako para kunin ang bulaklak.

"Walang nakalagay na pangalan."

From a guy starts loving you---. Siya na naman tapos nalaman pa niya ang home address ko. Stalker!!... Bulong ko.

"Ang ganda ate, sana may magbigay din sa akin ng bulaklak." Inaamoy pa ni Amanda ang mga bulaklak.

"Sige, sa iyo na lang yan."

"Talaga!" kinuha ni Amanda at pumunta na sa kwarto niya.

Ring!...Ring!...Ring..

( Schuyler Calling )

"Hello Sir."

"Hello Shelly, tomorrow sa head office ka dumiretso malapit na kasi ang audit ayusin mo yung mga files ng The Seven Hotel na nakalagay dun sa Document Control Room."

"Ok po."

"Ok bye!"

Maaga akong gumising malayo kasi ang Head Office.

"Saang Project Site po kayo?" habang nakatingin sa akin ang receptionist.

"Sa The Seven Hotel Project. Dumating na po ba si Sir Schuyler."

"Oo, kararating lang. Pumunta ka sa Office niya sa Room 707. Hinabilinan ako kanina pag dumating ka papuntahin kita agad sa office niya."

"Salamat po." hindi naman ako nahirapan hanapin ang office.

Tok!Tok!Tok!

"Please come-in."

"Good morning Sir" bati ko sa kanya. Napatulala ako ng makita siya lalo siyang gumawapo sa bago niyang haircut.

"Drooling!....."

"Good morning! Upo ka muna, hintayin mo munang dumating si Andy ang Document Controller siya ang mag-aassist sa iyo."

Umupo na siya sa table niya at pinagmasdan ko siya sa kanyang ginagawa.

"Schuyler, alam mo bang hindi ka mahirap mahalin na kahit minsan nagsusungit ka may kabaitan ka naman. Alam mo ba unting-unti na akong nahuhulog sa iyo? "sa isip-isip ko.

Ring!Ring! tumunog ang telepono at sinagot ni Schuyler.

"Shelly, punta ka na sa Document Control Room sa 5th Floor."

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon