Chapter 30

3.5K 66 0
                                    


Dingdong!!.....

Nag door bell ako. Lumabas ang isang katulong.

"God evening po. Nandyan po ba si Sasha? Ako po ang gf ni Schuyler." Pakilala ko. Nakilala naman ako ng katulong kaya pinapasok ako at tinawag si Sasha. Bumaba ng hagdan si Sasha na bihis na bihis at mukhang nagmamadali.

"Good evening, Sasha. May naiwan kasi akong gamit sa kwarto ni Schuyler kukunin ko lang. Tinatawag ko sa cp si Schuyler kaya lang hindi ko ma-contact."

"Hi! Shelly, busy yun alam mo na nasa Singapore. Hanapin mo na lang sa kwarto niya, nagmamadali kasi ako, malalate na ako sa appointment. Sensya na talaga ha, kung may kailangan ka sabihin mo na lang sa kanya" sabay turo sa katulong.

"Sige Shelly, maiwan na kita."at dali daling sumakay ng kotse.

Pumunta ako sa kwarto ni Schuyler, naging sariwa ang alaala ko kay schuyler nung sinabi niyang gusto niya ako, niyakap at balak halikan. Napabuntong hininga ako. Dapat sinabi ko sa kanya ang nasa puso at isip ko, ang nararamdaman at pag aalinlangan ko.

Pumasok ako sa kwarto ni Schuyler, hinanap ko kaagad ang mga gamit na naiwan ko. Hindi naman ako nahirapan hanapin. Palabas na ako at papatayin ko na ang ilaw ng matanaw ko ang picture ni Schuyler na nasa ibabaw ng drawer kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa picture. Kinuha at tiningnan ko "Schuyler, I love You." Ibinalik ko na ang picture frame at may nakita akong parang photo album na nakapatong sa drawer. Umupo ako sa kama at tiningnan.

"Schuyler!.. Schuyler!... ang daya mo talaga." Naiyak kong sabi, dala dala ang gamit na naiwan ko habang naglalakad papalayo sa bahay nila Schuyler.


Sa kwarto, nakahiga at yakap ang unan at nakatingin sa picture ni Schuyler na naka save sa cp ko.

"Schuyler, I am sorry...." habang naiyak akong nakatingin sa picture ni Schuyler.


Naalala ko ang nakita ko sa kwarto ni Schuyler.

Nakaupo ako sa kama at binuksan ang album. Page 1-"My Sleeping Beauty" nakalagay na title. Binuklat ko ang sununod na pahina. Page 2.- picture kong natutulog na nakayuko sa mesa na kuha sa MA Tower. Page 3-picture ko ng natutulog ako sa kama niya sa condo. Page 5- Picture ko sa hotel na yakap ang unan nung birthday ni Dave. Page 6- picture ng niluto kong breakfast nung nagkasakit siya. Page 7- yung papel na sinulatan ko ng name niya at malaking puso. Page 8- Tulog ako sa malaking mesa na may malaking plano. Page 8- nang nakatulog ako sa taxi na kasama siya.

May nakalagay sa baba at binasa ko...

"I love you so much Shelly, my sleeping beauty."

Kinuhanan ko ng picture ang scrapbook para may alaala ako.

Dati pa pala ako gusto ni Schuyler bakit hindi niya sinabi kaagad...

Hindi na ba niya ako gusto? baka ipagpalit na niya ako sa iba. Ano ba ang gagawin ko pag nakita ko siya?

Last day na namin sa work bukas dahil Christmas vacation na. Kasama ko si Amanda naghanap kami ng regalo para sa kanila.

"Ano kaya ang ibibigay ko na regalo kay Schuyler? Ano kaya ang gusto niya?"

"Ate, kanina ka pa hindi ka mapakali? Sino ba ang importante mong pagbibigyan ha kasi kanina pa tayo pagagala dito hindi ka pa makapagdecide sa bibilhin mo." Naiinis na sabi ni Amanda.

"Si Schuyler..."

"Ay naku! Mahirap ngang hanapan yan."

"Mayaman naman siya kahit ano kaya niya bilhin, branded pa." sabi ko.

"Ate, iba pa rin ang regalong galing sa iyo."

"Ah alam ko na!... towel na lang para sa lahat, tapos may burda ng pangalan at magagamit pa nila sa site."

"Ikaw ang bahala ate."

Nakakapagod din ang mag shopping, ang daming tao. Humiga ako sa kama at tiningnan ko ang cp. Hindi man lang siya nag message o kaya tumawag man lang. Hindi man lang niya ako naalala. Nagalit ba siya sa ginawa ko?...


Office

"Good morning Shelly!" bati ni Dave.

"Nakakatamad magtrabaho. Papasok na kaya si Sir Schuyler?." saka umunat si Dave.

"Hindi ko alam." Sagot ni Safety.

Pumasok si Frank.

"Safety, naka order na ba kayo ng pagkain natin mamaya?" tanong ni Frank.

"Oo, naka order na."

"Papasok na ba si Sir ngayon?" tanong ni Frank.

"Hindi namin alam. Hindi naman ako ininform." Sagot ni Dave na nagsusuot ng safety shoes.

Nagsipag akyatan na sina Dave at Safety sa itaas.

"Papasok kaya si Schuyler?" at tiningnan ko ang relo ko, 8:30 na baka malalate lang. Nag-ayos ako ng files at inayos ko na rin ang office para mamaya sa salu-salo naming lunch. Hindi ko namalayan ang oras mag 11am na.

Si Safety at Frank ay dumating na rin na may dalang mga pagkain. Katulong nila sa pagbubuhat ang mga worker namin.

"Shelly, hindi pa dumadating si Schuyler?" tanong ni Safety habang inaayos ang pagkain.

"Hindi pa."

Dumating na si Dave.

Tok!Tok!Tok!..binuksan ni Safety ang pinto.

"Shelly, ito na naman ang suki mo." Biro ni Safety.

Inabot ko ang 3 red roses at gift at binasa ang card.

" I love you Shelly Angeline Henson."

"Siya na naman ang nagpadala!.. Lupet naman ng stalker mo Shelly." Sabi ni Dave at kinuha sa akin ang kasamang regalo saka binuksan.

"Shelly, chocolates na naman." Kumuha ng chocolate si Dave at kumain. Binigyan ko din ang iba.

Tok!Tok!Tok!

"Sino na naman kaya ito?" at binuksan ni Safety.

"Ito po ba ang Crewe Corporation? Sino si Dave Liam?" tanong ng delivery man.

"Ako po." Saka lumapit si Dave.

"Pa-receive na lang ito." Binasa ni Dave.

Kinuha ng Delivery man ang mga pagkain. Nagtataka kami kung kanino galing kaya tinanong namin si Dave.

"Kay Sir Schuyler nakarecieve ako ng text kanina na hindi siya papasok." Nalungkot ako ng marinig ang sinabi ni Dave. Nagsimula na kaming kumain pero walang akong ganang kumain.

Naupo ako at tiningnan ang rose na nasa ibabaw ng mesa at binasa ulit ang card.

"Si Schuyler kaya ang nagbibigay ng roses at chocolates?" malakas na sabi ko kaya napatingin at napatigil sila sa kanilang pagkain.


Unspeakable Secret



Ipagpapatuloy


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon