Chapter 40

3.5K 64 0
                                    

Pinulong kami nila Dave, Safety, Frank at Foreman Alex. Pinaalam niya na may bago siyang hahawakang project at kung may concern daw kami sabihin namin sa kanya. Napapatingin sa akin si Safety. Matagal bago natapos ang meeting.

Simula noon lagi na lang nasa head office si Schuyler. Hindi niya ako nakakalimutan tawagan para kamustahin. Naging abala na din kaming lahat sa trabaho.

Tok!Tok!Tok!

"Good morning! Nandyan ba si Schuyler?" tanong ni Victoria.

"Wala po, sagot ko!" saka umalis. Pati si Victoria sobrang na mimiss na si Schuyler.

Binalita ko kay Ivy na hindi ko na masyado nakikita si Schuyler. Biniro nga niya ako na mag lagay daw ako ng maraming picture ni Schuyler sa kwarto para lagi ko siya nakikita. Ganyan daw pag nagmamahal kailangan minsan magtiis, dagdag pa niya.

****

Nakahiga ako sa kwarto at nakatulala.

Ring!...Ring!

(Schuyler Calling)

"Hello!." Nandyan ba si mama? Pwede bang makausap." tanong ni Schuyler.

"Oo, saglit lang pupuntahan ko lang." hindi ako namimiss.

Kinausap niya si mama, humingi pala ng permiso na pwede akong makasama ni Schuyler tuwing sabado o linggo dahil wala siyang time na makasama ako tuwing weekdays at nangako na wala naman siyang gagawing masama sa akin kaya pumayag naman si mama.

"Namimiss talaga ako ng loko." Sa isip isip ko pa.

After Saturday work pinapunta ako ni Schuyler sa condo, binigay sa akin ang password. Nagdala na rin ako ng ilang damit at nilagay sa cabinet.

"Ang tagal naman niyang dumating." kaya nanood ako ng tv.

Ilang saglit lang dumating siya may dalang pinamili. Tinulungan ko siya at dinala namin sa kusina.

"Schuyler, ako ang magluluto." At napatingin si Schuyler.

"Marunong kang magluto?"

"Oo naman!"

"Ok sige pagluto mo ako."

"Magpahinga ka muna Schuyler tatawagin na lang kita pag kakain na." at umalis na siya.

Tinulang manok ang niluto ko, madaling lutuin yun eh at mabilis akong natapos. Pinuntahan ko si Schuyler at nadatnan ko na natutulog na sa sofa. Mukhang pagod na pagod.

"Schuyler, gising na." minulat niya ang kanyang mata saka tumitig sa akin.

"Kain na tayo para makapagpahinga ka na agad."

"Wow Shelly ang sarap naman ng luto mo." Nanguyang sabi niya.

"Yan lang ang alam kong lutuin eh." Biro ko at napatingin sa akin.

Schuyler magpahinga ka na ako na ang bahala dito, pinisil niya ang ilong ko at pumunta na sa sala.

"Sobrang pagod si Schuyler."

Tapos na ako sa gawain sa kusina, hinanap ko si Schuyler at nakita na nakahiga sa kama na hindi pa nakapagpapalit ng damit.

"Schuyler, gising. Magpalit ka muna ng damit." Hinubad ang damit at pantalon saka natulog ulit.

"Naku Schuyler!" naiinis na sabi ko. Kumuha ako ng basang towel at pinunasan ang mukha niya. Hinubad ko ang suot niyang medyas at saka kinumutan. Inayos ko ang mga hinubad niyang mga damit at nilagay sa labahan.

Nag cr ako at pagbalik ko ang himbing pa rin ng tulog niya.

"Schuyler, lagot ka sa akin bukas." kumuha ako ng sarili kong kumot saka natulog sa tabi niya.

Nagising si Schuyler ng madaling araw at nakita si Shelly na halos mahuhulog na sa kama kaya hinila si Shelly papalapit sa kanya saka niyakap.

"Shelly, I love you." at bumalik sa pagkakatulog si Schuyler.

***

"Shelly...Shelly... gising na." inangat ko ang ulo. Nakadapa pala ako kaya umayos ako ng higa.

"Mamaya na Schuyler. Matutulog pa ako, wala namang pasok ngayon."

"Gusto mo samahan kitang matulog." at saka nilapit ang mukha sa mukha ko kaya napapikit ako.

"Bumangon ka na Shelly." Wala akong nagawa sa pangungulit ni Schuyler kundi bumangon at nagtungo ng cr.

Nakapagluto na pala siya ng almusal. Kumain kami at sinabi ko na uuwi na ako mamaya. Pinigilan niya ako, gusto pa daw niya akong makasama tatawag na lang daw siya sa amin na hindi ako makakauwi.

"Baka magsawa ka kaagad sa akin nyan!"

"Hindi yun mangyayari." nakatingin sa mata ko.

Naging busy sa laptop si Schuyler. Sa dining area siya pumuwesto. Nagpaalam siya na may tatapusin lang. Nagpunta na ako sa cr para maligo. Tapos na akong maligo ng makita na hindi na naman ako nakakuha ng undies. Nasa kusina naman si Schuyler kaya dahan dahan ako lumabas sa cr na nakatapis ng tuwalya at pumasok ng kwarto pero nagulat ako ng makita si Schuyler sa kwarto. Nakatingin siya sa akin at lumakas ang pintig ng puso ko. Lumapit siya at inangat ang mukha ko at dahan dahan akong hinalikan sa labi.

"Grabe ang sarap niyang humalik." Nakakadala ang mga halik kaya hindi ko namalayan na hinahalikan ko na rin siya ng dahan dahan.

"Grabe ka Schuyler!" ramdam na ramdam ko ang kanyang halik na nagiging wild at habang hinahalikan ako unti-unti niya akong hinihiga sa kama. Feeling ko nang-iinit na kami. Hinalikan niya ako pababa sa labi at sa chin. Nung humahalik na siya sa leeg, kumilos ang kamay niya para tanggalin ang towel ko.

"Schuyler!" malakas na sabi ko kaya napatigil siya... Hindi natanggal ang towel ko. Tumitig siya sa akin at binigyan ako ng isang halik sa labi. Tumayo at tinakip sa akin ang kumot.

"Shelly, I'm sorry." at pagkasabi, lumabas na ng kwarto.

Matagal akong nakahiga sa kama na kataklob pa rin ng kumot, at nanlalambot ang katawan. Nauuhaw ako kaya pinilit kong tumayo saka nagbihis. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan ko si Schuyler na nagtatype sa laptop. Kumuha ako ng isang basong tubig pero nabitawan ko ang baso at nabasag. Nagulat si Schuyler at lumapit sa akin.

"Wag kang kikilos baka makaapak ka ng bubog!" kumuha siya ng walis at pandakot saka nilinis.

"Shelly, ok ka lang?"

Niyakap ko si Schuyler.

"Schuyler, nauuhaw ako." Kumuha siya ng tubig at hinawakan ang baso habang umiinom ako.

Niyakap ko ulit si Schuyler.

"Shelly, ok ka lang?" tanong ulit niya.

"Schuyler, nangangatog ang tuhod ko at parang nanghihina ako." at niyakap ako.

"I love you Shelly." hinigpitan ni Schuyler ang yakap.


In Love With You



Ipagpapatuloy

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon