Chapter 21

3.7K 71 1
                                    

Hindi ko na iisipin pa si Schuyler papanget lang ako. Sa gwapo niyang iyon impossibleng wala yung mga babae. "Shelly, wag kang umasa na mamahalin ka niya!" emote emote ko.

"Hi! Shelly." bati sa akin ni Wallance. Lumingon ako at nakita si Wallance na kinuha ang bag sa kotse.

"Hi!" matipid na bati ko.

"Shelly, sabay tayong maglunch mamaya, treat ko. Kita na lang tayo sa gate mamayang 12." Sabi niya habang naglalakad kami papuntang Basement 2.

"Ok sige." at naghiwalay na kami.

"Hi! Good morning." Masiglang bati ko sa kanila.

"Shelly, game namin mamaya manood ka ha." Sabay akbay sa akin ni Dave.

"Oo, naman. Ako ang number 1 fan mo Dave." Inakbayan ko din si Dave at napansin ko na sumulyap sa amin si Schuyler.

Nagsipag akyatan na ang tao as usual kami na naman ni Schuyler ang naiwan sa office.

Click! Click! Click!..yun lang ang maririnig sa loob ng office.

"Shelly, pa receive mo nga ito sa JK." Utos niya sa akin. Lumapit ako at kinuha sa kanya ang papel.

"Yes Sir." at lumabas na ako ng office.

Nakita ko si Victoria sa JK Office at tinanong kung pumasok si Schuyler. Sinabi ko, oo pumasok siya. Yun lang at lumabas na. Narinig ko na pinag-uusapan ng mga babae si Schuyler at Victoria nakita daw nila na magkasabay kumain ng lunch. Inggit daw sila sana sa susunod makasabay naman nila si Schuyler.

"Naku papaasahin lang kayo ni Schuyler." Bulong ko.

Sabay kaming nag lunch ni Wallance sa Skagen Mall. Nagkukuwento siya pero hindi ko siya pinapansin. Napa tigil siya sa pagkukuwento ng mapansin na malalim ang iniisip ko.

"Shelly, parang malalim yata ang iniisip mo." Sabi ni Wallance.

"Ah! Iniisip ko lang yung shopdrawing na gagawin ko."

"Wag mo muna isipin, mag relax ka na muna."

"Shelly, pwede ba kitang i-date bukas?" bigla akong nasamid sa sinabi niya kaya dali dali akong uminom ng juice.

"Sige na Shelly."

"Ok sige." napansin ko kasi nagtinginan ang mga nasa katabi naming mesa nung niyaya ako ni Wallance at ayoko naman siyang ipahiya.

"Ok kita tayo bukas." Natutuwang sabi ni Wallance.


Office ( 1pm)

"Shelly, magsuot ka ng PPE pupunta tayo sa ground floor." Bungad na sabi ni Schuyler pagbukas ko ng pinto. Sinuot ko ang PPE at nagdala ng plano.

Naghagdan na lang kami papunta sa ground floor, nakasalubong namin si Victoria. Binati niya si Schuyler at kinausap naman siya. Lumayo ako sa kanila kasi ayokong marinig ang usapan nila baka lalo lang akong mainis. Hindi naman nagtagal ang kanilang naging usapan. Chineck namin ang ground floor, tahimik ko lang siyang sinundan.

Sa isip isip, "Ano ba ang papel ko at bakit sinama mo pa ako?."

"Shelly, hectic kasi ang schedule ni Dave kaya ikaw ang sinama ko dito."

Pagdating namin sa office nadatnan ko si Dave naghahanda na para sa game mamaya.

"Dave, handang handa ka na?"sabi ni Safety. Si Safety ay hindi makakapaglaro kasi may importanteng pupuntahan.

"Dave, dapat manalo kayo." Sabi ko habang naglalagay ng lipstick.

"Shelly, i-kiss mo ako pag nanalo ang team ha."

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon