Chapter 38

3.6K 55 1
                                    

"Grabe turn-off!" ayoko pa ring lumabas dahil nahihiya ako kay Schuyler.

Pagkalabas ng cr uminom agad ako ng gamot. Napapangiti pa rin si Schuyler sa akin.

Pagkatapos naming kumain, nag-ayos na kami ng mga gamit pagkatapos bumaba na kami sa may lobby. Ibinalik ni Schuyler ang susi sa concierge at nagtaka ako kung bakit nagsipag yukuan sila kay Schuyler samantalang sa iba hindi naman. Lumabas kami at hinintay ang maghahatid sa airport. Tabi kami ni Schuyler sa back seat at habang papalayo sa hotel may napansin ako.

"The Suarez Hotel!." gulat ko.

"Oo, Hotel namin." Inakbayan ako ni Schuyler.

Sa airplane tulog si Schuyler ako naman hindi nagsawa sa katatanaw sa labas. May sumundo sa amin sa airport. Nagbigay siya ng pasalubong para kay mama at Amanda saka umalis.

"Ate, kamusta na?" tanong ni Amanda.

"Ok naman."

"What i mean kayo ni Schuyler?"

"Naku, wala noh. bading yun eh." Seryosong sabi ko.

Nagpunta na ako sa kwarto at nahiga sa kama. Tinext ko si Ivy at binati ng Happy New Year. Tinanong din niya ako kung ano ang nangyari sa amin ni Schuyler. Sinabi ko wala.

"Talaga lang ha?!" nagsisiguradong tanong ni Ivy.

"Oo, naman. Basta masaya akong nakasama siya. Pag nagresume na ang work, wala na naman kaming time sa isa't isat at lalandiin na naman siya ni Victoria."

***

Tinawagan ko si Schuyler pero kinansel niya.

(Schuyler Calling)

"Hello! Nasa bahay ka na?" tanong ko.

"Oo, kararating lang."

"Ok pahinga ka na." saka ko kinansel.

Busy kami sa buong araw, naghahanda sa pagsalubong ng bagong taon.

Happy New Year!!!!....

Pagpatak nang 12am.

(Schuyler Calling)....

"Shelly, I love you. Happy New Year!" bati agad ni Schuyler.

"I love you too Schuyler. Happy New Year." At nagkuwentuhan kami.

Nagdasal ako ng pasasalamat at humingi ng gabay sa aming relasyon ni Schuyler.

"Thank you Lord.!

*******

"Hmmm...Kahit sa panaginip nakikita kita Schuyler.. I love you." at hinalikan ko ang labi ni Schuyler. Naramdaman ko na basa ang labi. Nanlaki ang mata ko ng makita si Schuyler nakaupo sa tabi ng kama at nakatingin sa akin, hindi siya panaginip.

"Good morning." bati niya. Bigla akong nagtaglob ng kumot dahil wala akong suot na panloob.

"Shelly, bangon na." hinahatak niya ang kumot, ako naman todo ang kapit sa kumot.

"May pupuntahan tayo kaya bumangon ka na."pilit niya.

"Ok! Sige tumalikod ka muna. Huwag kang titingin." Tumalikod si Schuyler at nakataklob akong nagsuot ng panloob.

"Iyan ok na." tumingin siya sa akin.

"Pinagpaalam na kita sa mama mo. Isasama muna kita sa bahay namin."

"Sa bahay ninyo?!"gulat na tanong ko.

"Oo."

"Kumain ka na ba?" nagsusuklay ako ng buhok.

"Oo, sumabay na ako kaninang kumain kay mama at Amanda."

Sabay kaming bumaba pinaghintay ko siya sa sala, nag almusal muna ako saka nag-ayos na.

"Bakit naman kasi bigla bigla siyang sumusulpot."

Pinark ni Schuyler ang kotse niya sa parking area.

"Schuyler, sensya na. wala man lang akong nabiling regalo para sa family mo." at tinanggal ang seatbelt.

"Wag mong isipin iyon, ang mahalaga makilala ka nila."

"Naku lagot! Makilala pala!" bulong ko.

Nakita ko an ang daming tao sa sala at parang gusto ko nang umatras.

"Hi! Shelly! Musta ka na?" sabay ngiti sa akin ni Sasha.

"Hi! everyone, siya si Shelly girlfriend ko." Pakilala niya sa akin. Ipinakilala niya sa akin isa't isa. Ang mommy niya, ang dad niya na nakilala ko sa Centara, at 2 kapatid niya at ang mga pamilya nito.

Tinanong nila about family background, kung saan nakilala si Schuyler at gaano na kami katagal. Sa isip isip ko, parang nag-aaply ako ng trabaho. Binanggit ng kapatid na lalaki ni Schuyler nagulat nga daw sila ng sabihin ni Schuyler na ipapakilala ang gf niya. Pati sinabi nila na kabaligtaran daw ako ng sinasabi dati ni Schuyler na ideal type. Napatingin ako kay Schuyler at natawa lang siya. Nabanggit pa ni Sasha na akala daw niya hindi na magkakaroon ng gf pa si Schuyler pagkatapos maghiwalay sila ng ex niya kasi mahal na mahal niya yun. Tinakpan na ng kapatid na lalaki ang bibig ni Sasha sa mga sasabihin pa nito. Naalala ko tuloy yung picture ni Schuyler na may kasamang babae. Naging masaya ang mga usapin namin.

Kumain kami ng sabay sabay. Sa isip-isip ko sana lagi na lang kaming ganito ni Schuyler Masaya.... Inihatid na ako ni Schuyler sa bahay. Nagpaalam na siya at pinaandar ang kotse.

"Schuyler, I love you!...." habang tinitingnan papalayo ang kotse.


New Year



Ipagpapatuloy

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon