Epilogue - Sleeping Beauty and The Handsome Project Manager

7.2K 170 18
                                    


When sleeping beauty woke up from her sleep, the first person she saw is the one who gave her everlasting love.

---The Handsome Project Manager


Makalipas ang isang taon.

Tsup!..

Nagising ako sa halik ni Schuyler.

"Ikaw talaga Schuyler gustong gusto mo akong gisingin sa halik mo."

"Ikaw kasi ang sleeping beauty ko."

"Hindi ka naman si Prince Charming...."

"Ganun!?"

"Oo, dahil ikaw ang The handsome Project Manager ko." Natawa siya sa sinabi ko saka hinalikan ako sa labi.


***

Iniwan muna namin ang kambal sa mommy ni Schuyler dahil gustong gusto nila.

Nagpunta kami ni Schuyler sa Skagen Mall at tinanaw namin ang The Seven Hotel.

"Schuyler, tapos na pala ang The Seven Hotel. Ano maganda ba sa loob?"

"Oo... Halika mag check-in tayo para makita mo."

Sa 37th Floor room 377 kami pumasok.

"Wow ang ganda ng interior design at tanaw na tanaw ang tanawin sa labas. Lumapit ako at pinagmasdan ang mga building.

Lumapit siya at niyakap ako mula sa likod.

"Shelly, hindi mo ba natatandaan kung saan tayo unang nagkita?"

"Nagkita? Sa office, nung pumunta ka na sa office at hinahanap mo si QC tapos bigla kang umalis ng hindi nagpapaalam at nagpapakilala." Natawa siya.

"Hindi..."

"Hmmmm....Saan?"

"Sa Skagen Mall."

"Sa Skagen Mall?......Hindi ko matandaan."

"Naalala mo nung dinampot mo ang susi at may nakaapak ng kamay mo?"

"Ikaw! Ikaw yung nakaapak ng kamay ko?" gulat na tanong ko.

"Oo, may game kasi kami nun ng basketball kaya nagmamadali ako."

"Kaya pala familiar ang amoy ng panyong naiwan mo sa akin."

"Anong amoy?."

"Amoy Schuyler!!...... kasi nung tinuturo mo sa akin ang mga files sa desktop tumabi ka sa akin at naamoy ko ang pabango mo pareho kayo ng amoy ng panyo. Itinago ko pa nga yun sa drawer ko kasi kung sakaling magkita tayo lagot ka sa akin."

"Akala ko nga namukhaan mo ako nung naghabilin ako na papuntahin si QC sa head office kaya hindi ako nagpakilala." Paliwanag ni Schuyler.

"Kailan mo naman ako nagustuhan?" tanong ko.

"Nung una palang kitang makita sa Skagen Mall, nagustuhan na kita at habang nagtatagal lalong kitang minahal at nagseselos ako kapag nakikitang magkausap kayo ni Wallance. Hindi ko masabi na mahal kita kaya dinadaan ko sa pagpapadala ng mga rose at minsang pababa ka ng kotse ko hinalikan kita."

"Nagulat nga ako nung ginawa mo iyon at kundi lang ako nataranta siguro nasampal kita ng mga oras na iyon."

"Kailan mo naman ako minahal?" tanong ni Schuyler.

Humarap ako sa kanya at saka nag-isip.

"Nung una tayong nagkita sa office naging crush na kita nun. Pero nung minsan hindi ako nakauwi dahil sa bagyo at sa condo mo ako pinatuloy at nabasag ko ang picture frame mo at nakita ang picture mo na may kasamang magandang babae hindi na kita nagustuhan pero nung malaman ko na single ka nung nagpachange oil si Ivy. Dun nagustuhan kita ulit." At napatawa si Schuyler.

"Yung babae sa picture ex ko yun at may asawa na hindi ko natandaan na may picture pala akong nilagay sa likod ng solo picture ko." Paliwanag niya.

"Schuyler, isa ka palang stalker. Alam mo bang nakita ko ang scrap book mo na panay picture ko. Kinukuhanan mo pala ako pagnatutulog ako."

"Hahahaha....Nakita mo un?"..

"Oo kaya lalo kitang minahal.."

"Huwag mo na akong iiwan ha."

"Hindi na."

"Shelly, Kung ano man ang maging problema natin haharapin natin bilang mag asawa."

"Oo, Schuyler." At binigyan ko siya ng isang halik.

"Shelly, nakikita mo ba yang building na yan na ginagawa sa tabi nitong The Seven Hotel." Tumingin ako sa labas.

"Oo."

"Ako ang Project manager dyan."

"Ah....Sino ang may-ari at ano ang pangalan ng building?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Ako ang may ari........ The Shelly's Suarez Hotel" at saka hinalikan ako.



THE END

(June 02, 2016)


Thank you readers..

God Bless...

----From The Handsome Project Manager.



And it's time to stretch my hands and celebrate my birthday today ( June 02. )--- Goldenchime






The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon