Chapter 10 - ( On Rainy Day )

4.4K 78 0
                                    

Hindi ako kumukurap habang pinagmamasdan ang nakatapis na si Schuyler papunta sa kanyang kwarto.

"Naku naman! Konti na lang hihimatayin na ako sa nakita. Bakit lumabas siya ng ganun ang suot? Nang-aakit ba siya o gusto niyang ipagmalaki ang ganda ng katawan niya?"ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko.

Lumabas si Schuyler sa kuwarto matapos makapagbihis. Blue V-neck t-shirt at gray pants ang suot at lutang pa rin ang kagwapuhan at ganda ng katawan. Sinabi niya na wala kaming pasok ngayon, sinabi ko na uuwi na ako. Pinigilan ako dahil maulan sa labas at baha pa.

"Naku! buong araw dito pa rin ako sa condo ni Schuyler??!!! Ano naman kaya ang gagawin ko? Namin?" Nag-aalala na may pagkakilig na naisip ko.

"Shelly, Wag kang mahihiya, kung gusto mong manood may mga dvd movies dyan sa drawer at pwede mong gamitin ang desktop sa kwarto para hindi ka mainip. Ito pala ang password." At inabot sa akin ang isang papel.


7:00 am

Sa kwarto, binuksan ko ang desktop. Hindi siya nakapag log-out sa FB kaya nalaman ko ang gamit niyang username. Dali-dali akong naglog-out at naglog-in sa account ko. Nagsend agad ako ng message kay Ivy at ibinalita na alam ko na ang username ni Schuyler sa FB at makikita na rin niya kung ano ang hitsura ni Schuyler.

Gwapo daw si Schuyler reply sa message ko kaya lang hindi niya maview ang ibang picture kasi naka-private.

Sinabi ko na nasa condo pa rin ako ni Schuyler. Tinanong ako kung ano na ang nangyari. Sinabi ko wala pa! na may pagkakilig saka sabay tawa. Hindi ko sinasadyang nasagi ang picture na nasa tabi ng desktop.

Bog!!!..

Nalaglag ang picture at nabasag ang salamin. Dinampot ko ang nabasag na picture frame, napansin ko na may isa pang picture na nakailalim sa solo picture niya. Kinuha ko at tiningnan. Nagulat ako ng makita ang picture niya na may kasamang magandang babae at bagay na bagay yung 2 at makikita na masaya sila sa isa't-isa.

"Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Ewan ko ba naluluha ako. "Shelly, ano ka ba? Nahulog ka na ba kay Schuyler kaya nagkakaganyan ka!" sabi ko sa sarili ko. Matagal kong tinitigan ang picture at maayos ibinalik saka pinulot ang mga bubog.

"Ouch!..." nasugatan ako.

"Sana hindi siya magalit pag nalaman niyang nabasag ko."

Nagmesage ako kay ivy na nabasag ko ang picture frame ni Schuyler at i-memessage ko siya ulit mamaya.

"Sir Schuyler, sorry po hindi ko sinasadya na mabasag ang picture frame." inabot ko sa kanya ang basag na frame.

Kinuha niya.

"It's ok! Don't worry." sagot niya at biglang tumayo. Naiwan akong nag iisip. Tinawag niya ako sa living area at nakita na may dala siyang first aid kit.

"Umupo ka." utos niya.

Umupo ako at tumabi siya sa akin. Kinuha ang kamay ko at ginamot ang nasugatan kong daliri. Nilagyan niya ng betadine at bandaid.

"Mag-ingat ka palagi at wag mo akong pag-aalalahanin." saka tumayo. Pumunta siya sa kwarto na dala ang picture frame at paglabas iba na ang suot naka polo shirt at maong pants.

"Shelly, aalis muna ako." kinuha niya ang car key at saka lumabas.

"Siguro galit siya sa akin."

Bumalik na ako sa kwarto ni Schuyler at shutdown ko na ang desktop. Tiningnan ko ang oras 9:30am pa lang. Humiga ako sa kama at niyakap ang unan.

"Sino kaya yung babae? Girlfriend kaya niya? Hmmm... Imposibleng magkagusto yun sa akin. Mayaman at gwapo, sa fairytale lang may maiinlove na Prince Charming sa isang Cinderella habang nakatingin sa picture niya sa ibabaw ng drawer.

"Shelly!... Shelly!...gising na."

Nag unat ako at nakita si Schuyler. Napa balikwas ako sa pagkakahiga saka tiningnan ang oras.

"Naku! 1 pm na pala. Sorry Sir nakatulog ako."

"Kain na tayo." inabot sa akin ang isang paper bag saka lumabas ng kwarto.

Tiningnan ko ang laman ng paper bag. Nagulat ako sa nakita 2 T-shirt, 1 dress at undies ang laman.

"Grabe! bumili siya ng undies ko?! Hindi makapaniwalang sabi ko. Tiningnan ko ang size at sakto ang size na kinuha niya. Lumabas na ako sa kwarto.

Sa mesa tahimik akong kumain at dirediretso ako sa pagsubo.

"Pasensya ka na sa binili ko ha. Hindi ko alam kung ano ang size mo sana kasya sa iyo."

Nasamid ako sa narinig at inabot niya sa akin ang tubig.

"Kasya po!. Maraming salamat po." Hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil nahihiya ako.

Sinabi niya na ambon na lang sa labas at humuhupa na ang baha sa ibang lugar. Nagpaalam ako na uuwi na kaya lang hindi ako pinayagan dahil baka sa dadaanan ko baha pa at sagutin daw niya kung may masamang mangyari sa akin.

Nanood siya ng tv sa living area. Nilabhan ko ang mga damit na binili niya at maong pants na sinuot ko kahapon. Pagkatapos ng aking mga gawain nanood na ako ng tv. Umupo ako sa single solo seater. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam, kaming 2 lang dito. Tiningnan ko siya na parang nang-aakit sa kanyang pagkakaupo.

Naalala ko ang litratong may kasama siyang babae kaya tinitigan ko siya tumingin siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"Sinabi mo ba sa pamilya at boyfriend mo na hindi ka pa rin makakauwi."

"Opo! pero wala pa akong boyfriend."

Tumayo siya at hinawi ang kurtina na malapit sa kuwarto. Natanaw ko na bintana pala iyon na tanaw ang mga naglalakihang building. Pinagmasdan ko siya habang nakatingin sa labas, Matagal siyang nakatayo at nakatanaw.

"Shelly, anong gusto mong dinner?"

"Sir order na lang tayo sa labas rice at chicken." Nahihiyang sagot ko. Kinuha niya ang cp, umorder at pumunta sa kwarto.

Magreresume na ang mga klase at trabaho bukas ayon sa balita.


9pm.

Natuyo na ang nilabhan kong damit kaya nagpalit na ako. Nagpaalam ako kay Schuyler na matutulog na. Iniwan kong nakabukas ang ilaw kasi gusto kong nakikita ang picture ni Schuyler.

Nahiga na ako sa kama para matulog. Lumipas ang isang oras hindi pa rin ako dalawin ng antok. Biglang naramdaman kong bumukas ang pinto, nagkunwari ako na tulog na pero nakikita ko siya, nakita kong dahan dahan siyang lumapit sa drawer. May kinuhang libro at matagal nakatayo sa tabi ko at nakatitig sa akin.

Tog!tog!tog!.. ang lakas ng pintig ng puso ko. Pinipigil ko ang sarili na kumilos kasi baka mahalata niya na nagtutulog-tulugan lang ako.

Gusto kong mapasigaw ng haplusin niya ang pisngi ko ng isang beses at inayos niya ang pagkakakumot ko saka umalis.

Pagkaalis niya bigla akong nagtaklob. Tog! Tog! Tog!... Parang gustong tumalon ng puso ko palabas.

"Bakit mo ginawa yun Schuyler?" mahinang bulong ko at mahigpit kong niyakap ang unan.



On Rainy Day



Ipagpapatuloy

---------------------------------------------------------------------------------

---FLASHBACK---

<Schuyler>

Pagdating ni Schuyler sa condo hinanap agad si Shelly.

"Shelly.... Shelly....." tawag niya bago pumasok sa kwarto. Nakita niya si Shelly nakahiga sa kama nakataas ang damit na kita ang tiyan kaya dali daling kinuha ang kumot at tinaklob sa katawan nito at napangiti. Tinitigan niya ang natutulog na si Shelly at saka ginising.


The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon