Chapter 7 - ( Starts Loving You Today )

4.9K 92 1
                                    

"Good Morning Safety!" bungad na bati ko.

Sabay na dumating sina QC Dave at PM Schuyler.

"Shelly, ok ka na ba? tanong ni Safety.

"Ok na ako Safety!" maayos na akong maglakad, yung braso ko hindi pa naghihilom ang sugat.

"Shelly, nag text ako sa iyo hindi ka nag-reply at tumawag hindi mo naman sinasagot." Sabi ni QC habang nagsusuot ng safety shoes.

"Ah! ikaw pala 'yon! dapat nagpakilala ka. Hindi ako nagrereply kapag hindi ko kilala ang number. OK save ko number mo."

Humingi ng plano sa akin si QC Dave. Lumapit siya sa tabi ko habang hinihintay na ma-print. Tinanong ako kung anung shampoo ang gamit ko mabango daw kasi. Sabay hawak sa buhok ko.

"Shelly!" biglang tawag sa akin ni Sir Schuyler.

"I-print mo ako nito." may pagkainis na sabi sa akin.

Ang aga-aga nagsusungit. Inabot ko kay QC ang print-out. Tinawag din si QC. Hinintay kong matapos ang usapan nila saka ko inabot ang print-out na hinihingi niya.

Kaming dalawa ang natira sa office. Tahimik ang kapaligiran. Si P.M. nasa harap ng laptop busy sa ginagawa. Sobrang lamig sa office gusto kong hinaan ang aircon. Nahihiya naman akong hinaan baka magalit sa akin si P.M. kaya nagpunta ako sa cr para maibsan ang nararamdaman kong panlalamig.

"Hi mam!" tinig mula sa aking likuran.

Lumingo ako at nakita si Wallance nakangiti sa akin.

"Mam, kamusta ka na?"

"Ito ok na po, nakakalakad na ng maayos." Ngayon ko natitigan mabuti si Wallance at bumilis ang pintig ng puso ko.

Sabay kaming bumaba sa hagdan papuntang Basement 2. Nalaman ko na Project In-Charge siya ng RS company.

Sa office wala si P. M., nakita ko sa table niya isang bouquet ng pink roses. Ang sweet naman ni P.M. kanino kaya niya ibibigay ito?. Umupo na ako sa working chair at inilagay ang isang earpiece at nakinig ng mga songs saka pinagpatuloy ang shopdrawing.

"Shelly, halika dito." tawag ng kararating na si Sir Schuyler.

Kinuha niya ang bouquet at inabot sa akin.

"Rose para sa akin?." Sabay sabi na may nagdeliver dahil wala ako siya ang nagrecieve. Tiningnan ko ang card na nakalagay at binasa.

"Praying for your speed recovery --- from a guy starts loving you today."

Kinilig naman ako. Wala naman nakalagay na pangalan kung sino ang nagpadala at pinaghula pa ako. Back to work muna mamaya ko na aalamin kong sino ang nagpadala.

Ipinakita ko kay Sir Schuyler ang ginawa kong shopdrawing. Ni-review niya, may pinabago at sinabihan ako na mag site visit para makita ko ang actual site condition ng 17th Floor. Magpasama daw ako kay Foreman. Pumunta ako sa warehouse at hinanap si Foreman .

"Mam, nasa itaas pa si Foreman papupuntahin ko na lang siya sa iyo kapag dumating" Sabi ni Frank.

"Salamat Sir Frank."

Nasa office na sina QC Dave at Safety. Nakatingin sa roses na nasa tabi ko.

"Mam, sino ang nagbigay? tanong ni Safety.

"Hindi ko nga alam wala naman nakalagay sa card na pangalan."

Inakbayan ako ni QC Dave sabay sabi, "from a guy starts loving you today! Kinilig ka noh?"

Napatingin si Sir Schuyler sa amin.

"Tigilan mo nga ako Dave. Bubugbugin kita eh. Sabay inalis ko ang kamay niyang nasa balikat ko.

The Handsome Project ManagerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon