†DANIEL'S POV:†
"Natapos mo na ba ayusin yang mga files"= I said. Napatingin ako ng Hindi parin siya sumasagot .
Lumapit ako sa kanya pero hindi niya naramdaman ang aking presensya. Tila malalim ang iniisip habang nakatitig sa hawak niyang isang papeles na kanina pa yata ayaw niyang bitawan. Bahagya ko itong sinilip at tiningnan.
"Bakit hawak-hawak mo yan?"= pangiintriga ko sa kanya.
Para naman siyang napabalik sa realidad ng magsalita ako. Tila aligaga niyang ibinalik ang papeles na kanyang hawak hawak. Para bang kilala niya ang nagmamay-ari non.
"Ah,nakita ko lang Hindi ko naman sinasadyang hawakan."= she said . pero iwas parin ang mga mata nito sa akin. Ni hindi makuhang makatingin ng diretso.
"Bilisan mo na diyan. At may pupuntahan pa tayo ."= seryoso Kong sabi napatingin naman siya sa akin sabay bitaw sa ibang mga papeles na kanya na ngayong isinasadlak sa lalagyanan.
"Saan naman tayo pupunta. Ang rami pa kayang nating ginagawa. Tapos aalis tayo? Baka naman pagalitan tayo ng dean?"= tanong nito sa akin.
"Basta, maghanda ka. Iwanan mo muna yang mga ginagawa mo. Wag kang mag- alala sa dean. Hindi ka niya naman papagalitan."= seryoso kung sabi sabay iwan ko sa kanya sa loob.
Habang naglalakad ay napabalik sa akin ang eksena kanina. Yung hawak nitong mga papeles ay pagmamay-ari ni Katherine....Ang kauna- unahang babae na siyang pinagkatiwalaan ko at minahal ngunit naglihim lang sa akin.
†KATHRYN'S POV:†
Ang sunget talaga ng lalaking iyon. Iwan ba naman akong mag- isa kanina. Ang rami pa ngang mga papeles na ililigpit tapos ang gustong gawin mag liwaliw lang sa labas. Haisst.
Muntikan na ako kanina. Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko ang papeles na aking nakita.. Pagmamay-ari ng isang babae ang papeles na iyon. Katherine ang pangalan pero wala namang apelido ang nakadagay.
Nga pala kasalukuyan ko ng inaayos ang aking buhok at naghihintay na dumating siya. Maya- maya may kumatok agad ko namang pinagbuksan ito at nakita ang inosente nitong mukha.
"Handa ka na ba?"= he said with cold voice.
"Ah eh oo tara na."= ngiti Kong sagot rito.
Hindi ko alam kung saan kami papunta basta ako lakad lang ng lakad habang di maiwasan ang tumingin sa kanya. Ang gwapo niya kahit napaka simple lang nang kanyang kasuotan. Napahinto naman ako sa pagpapatansya ng mapansin na lalabas kami ng academy.
"Bakit ka huminto? Tara na bilis"= Hila niya sa kamay ko palabas ng academy.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampiros#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...