†KATHRYN'S POV:†
Pagpasok pa lang namin. Seryosong mukha lahat nila ang napansin ko. Tila ang lalim ng mga iniisip kaya hindi na siguro kami napansin na pumasok at naupo sa kanilang harapan.
"Anong problema ninyo bakit tila may masama akong kutob sa pagiging tahimik ninyo? May dapat ba kaming malaman."= halos lahat napatingin sa amin ng magsalita si Daniel.
Halos tahimik at tanging huni lamang nang kuliglig ang naririnig sa buong paligid. Sa katahimikan ng gabi sumasabay din ang malalim na pag-iisip ng aking mga kaibigan.
"First Innocents Blood"= mula sa kanila naglakas loob magsalita si Katsumi.
Pagkasabi niya nito napansin ko na napakuyom ng palad ang katabi ko. Bakit ano ba ang First Innocents Blood at ganyan ang epekto sa kanila.?
"Ibig sabihin kumilos na sila nang hindi manlang iniisip ang iba. Mga ganid sa kapangyarihan. Walang Awa nilang idinamay at sinakripisyo ang mga inosente sa kanilang kagustuhan na masimulan lamang ang kasunduan para sa digmaang magaganap."= ramdam kong unti-unti ng nagkakatensyon sa buong paligid ngunit tila hindi ko parin alam ang dapat kong itugon o sabihin sa kanila.
"A-ano ba yung First Innocents Blood?"= sa gitna ng katahimikan nila nagsalita na ako upang malaman kung ano ba ang ibig sabihin ng mga binitawan ni katsumi kanina lamang.
"First Innocents Blood tawag sa isang kasunduan sa isang digmaan. Sa bawat panig ng magkakalaban kailangan nang mga inosenteng isasakripisyo na ibibigay at iaalay ninyo sa isat- isa. Magpapalitan kayo at sa harap ng kalahi nila ninyo ito papatayin. Kung sa mortal dugo ang sumisimbolo sa mga bampira naman abo. Pagkatapos ng sakripisyo yung abo at dugo na itinabi ng bawat panig ay ibibigay sa isang matandang ermitaryo. Ang dugo at abo ay isasaboy sa isat-isa para sa huling hakbang.Takda nito ang pagpayag ng magkasalungat na lahi para sa madugong digmaan."= seryoso na pagpaliwanag ni juls.
"At pagkatapos nito ano nang mangyayari?"= muli kong tanong ngunit si Diego na ang nagpatuloy.
"Pagkatapos ng kasunduan doon na idinedeklara ang pagpayag ng magkasalungat na panig sa digmaan. Hindi lang doon natatapos ang lahat. Pag pumayag ang dalawang panig sa digmaan dapat handa din sila sa kahahantungan. Pag nanalo ang mga mortal ibig sabihin lang nito ay ang pagbagsak ng imperyo nang mga bampira ngunit pag ang bampira ang nanalo sa digmaan ibig sabihin lamang ay patuloy na pagdanak at pagpatay sa mga inosenteng nilalang. Yan lamang ang pagpipilian ang matalo o manalo. at ang Mabuhay o mamatay."= diego said.
"Kaya ngayon mas lalo nating dapat pag-isipan ng maigi ang ating gagawin lalo nat tuso din ang mga kalaban."= janella said.
Tama siya hindi lang bastat-basta ang mga kalaban namin. Matalino. Maparaan at higit sa lahat mga tuso. Kaya kung kikilos kami kaagad paniguradong matatalo at masasawi pa ang iba sa amin kung paiiralin namin ang pagiging padalos-dalos lamang.
"Ngayon ano na ba ang dapat nating gawing hakbang? Alam naman natin na kahit umiwas tayo sa gulo ay kasama pa din tayong lahat. lalo nat yung iba sa atin iba satin tagapagmana pa ng lahi nila."= Diego said. Lahat nakatuon na ang atensyon sa nanahimik na lalaki sa kanilang harapan.
"Pwede ba walang panahon ang pakikipag-away sa ganitong sitwasyon at teka lang sigurado na talaga kayo na makikugulo tayo."= tanong ko sa kanila na napaisip - isip sa sinabi ko. Kasi kung ako lang .
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampire#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...