‡TWO PLAYERS‡

187 11 0
                                    

†KATHRYN'S POV:†


Madaling araw pa lamang ay aligaga na ang lahat sa pag-aayos upang pumasok. Lahat ng estudyante ay kanya- kanyang ayos na at lakad. Samantalang ako heto at nanatiling nakahiga sapagkat inaantok pa. 









Pero pinilit ko ang aking sarili na tumayo upang mag-asikaso na sa pagpasok. Bakit ba kasi madaling araw pa ang pasok dito. Haisst. Dumiretso muna ako sa sala at doon muna kumain .Pagkatapos ay naligo at nagbihis na ako. Hindi ko kaagad makikita ang hinahanap ko kung Hindi ako magmamadali.




Habang naglalakad ay may tingin na nakasunod sa akin. Tingin na tipong nakakairita. -_-. Ngunit habang naglalakad ako patungo sa room 202 ay may isang bagay ang bumabagabag sa akin . ang lalakeng iyon ano bang gusto niyang ipahiwatig.?




Sa inis ko napagdeskitahan ko yung bato at pinagsisipa. Sisipain ko na muli iyong bato ng mapatingin ako sa ilalim ng puno kung saan may isang nilalang na nakasandal at nakatitig sa gitna ng kawalan.







Walang iba kundi ang lalaki na siyang nagpapagabag sa akin ngayon. Ang lalaking na kasalubong ko kahapon.







LIZA'S POV:
( CLASSROOM 202 )

Simulat kahapon pa ako Hindi pinapansin ni Daniel mula ng magdesisyon at pumayag ay Hindi na muli siyang nagsalita tungkol dito. Tila ilag ito kapag binabalak Kong makipag-usap tungkol sa pagpayag niya. Hindi ko tuloy magawang isipin kung may tinatago ba ito sa akin?







Nang pumasok ito sa room ay Hindi ko maalis ang titig ko dito. Nagbabasakaling kahit galaw manlang nito ay may mapansin akong kaduda pero kahit ni isa ay wala manlang.






"Hoy matutunaw yan Liza!"= sigaw na  sabi ni Sofia . sabay tawa naman ng iba.





"Kanina pa tunaw yan Sofia ... Diba Liza haha"= gatong ni katsumi..kahit kelan talaga mga sulsulero .-_-.






"Manahimik nga kayo at baka marinig kayo niyan."= inis Kong saad sabay pinanlikihan ng Mata ang mga epal.







"Good morning students"= ngiting bati ng kakarating na professor sa aming harapan.






Sabay naman nagsitayuan ang lahat para bumati. Pero Hindi ko pa rin maialis ang mga tingin ko sa kanya. Tila naguguluhan ako sa nangyayari at sa mga iniisip niya. Ano ba kasing dahilan ng mga ito? May binabalak ka kaya? Sa pag-iisip ko bigla na lamang ako nagulat ng magsalita siya.






"Wag mo kung titigan ."= napaka cold niyang sabi sa akin . napaurong naman ako sa sinabi niya. Sasagot Sana ako ng biglang may nagsalita sa harapan. Siya iyong babae kahapon .










†KATHRYN'S POV;†

Ilang minuto din akong nakatingin sa kanya ng sumagi sa isip ko ang isang salita. "Klase" walang ano-anoy tila aligaga ko nang hinanap ang room na aking dapat puntahan ngayon. Halos maligaw ako kakahanaop sa Room 202. Mabuti na lamang at may ilang mabuti ang loob na tumulong sa akin.











Life Against Death Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon