†KATHRYN'S POV:†
Madaling-araw pa lamang ng nagsikilos na ang lahat. Inasikaso na ang lahat. Inuna muna naming ilibing ang mga nasawi dahil sa paglusob ng mga bampira. Agad na nagsitahimik ang lahat upang alalayan ng dasal ang mga namayapa.. Pagkatapos ay siyang binabasbasan ng pari.
Pagkatapos ng lahat hinahanap ko na rin yung magulang nang bata. Kailangan ko na din kasing umalis para magawa ang plano ko. Sa paghahanap namin ay natagpuan namin ang magulang nito. Lubos ang pag-aalala ng mga magulang nito na makikita sa mga mata mabuti na nga lang at kasama ko ito.
"Maraming salamat talaga iha "= lubos ang sinseridad nito na sinasabi sa akin iyon.
"Walang-anuman po iyon ( bumaling naman ako sa bata at itoy tinapik sa ulo ) oh ikaw ha mag- iingat ka na wag ka na ulit lalayo sa mama mo ha "= bilin ko rito sabay ngiti na rin.
Tumango naman ito at ngumiti sa akin. Masayang makita na buo pa ang pamilya nila. Sana nga ay bumalik ang dating kasiyahan ng iilan. Kay lungkot isipin na dahil sa mga nilalang na iyon marami na ang lumuha at nawalan ng pamilya.
Sa pagsapit ng kinaumagahan kung napagdesisyunan ng umalis at iwan yung batang babae na nangangalang Emerald. Bago ko muna ito iwan ay may ibinigay akong isang kwintas. May protection spell akong ginamit dito kontra sa mga vampires. Ito ang ginamit ko nang nagtago kami sa cabinet ng bata. Upang Hindi maamoy ang aming dugo.
"Oh iyan wag mong iwawala yan lagi mong dadalhin kung saan ka man pupunta ha o siya aalis na din si ate ha "= I said bago ako tuluyang umalis. May pahabol pa itong sigaw kaya muli akong lumingon.
"Ate pangako mag- iingat na ko maraming salamat ate mag- in gat ka po sa paglalakbay mo"= sigaw nito. At binigyan ko ito ng ngiti.
Pagkatapos kung magpaalam ay dumiretso ako sa isang lugar na tinatawag nilang downfall forest. Ito ang isang lugar na patungo sa pupuntahan ko. Ang downfall forest ang nagsisilbing daanan papunta sa mundo ng mga bampira. Ilang oras din akong nagpalakad-lakad sa gubat. Habang hinahatid ng mga nanlilisik na tingin ng mga bampira na siyang nakapalibot sa lugar.
Maraming nakakalat na mga bampira sa paligid kaya ganyon na lang kung mangoblema ang mga tao kung papaano makakuha ng suplay ng inumin at pagkain dahil sa lahat ng paligid ay may naroroon upang abangan ang pagdating nila.
Pero iba ang dami ng mga bampira sa siyudad at sa forest na ito. Mas marami kasing napakalibot dito. Sa gitna ng kagubatan tahimik lang ako na nagmamasid sa may paligid at may mga di kanais-nais akong nakita. Isang taong nakabitin sa puno na maraming tinik. Puros dugo ang katawan nito. Maya Hindi ko nakayanan at napaiwas na lang ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampire#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...