†Kathryn's POV:†
Pinaupo muna niya ako bilang pagiging gentleman syempre dapat lang talaga na ako ang umupo at alalayan niya dahil sa babae ako. Habang papaupo na siya ako naman itong pinagmamasdan muna ang paligid na kung saan naroroon.
Aliw na aliw ako habang tinitingnan ang lawak na nasasakupan ng mismong lugar. Kahit napakadilim ay nakikita pa din ang taglay na kagandahan nito sa pamamagitan nang mga alitaptap na siyang nakapalibot sa lugar.
"Nagustuhan mo ba ang lahat."= nahihiya nitong sambit na nakaiwas ang mga mata sa akin.
Tiningnan ko naman ito na nakangiti... Ang cute naman ng pisngi niya namumula sa hiya. Haha ang sarap pang gigilan pero wag muna at baka magalit pa. Magbago pa ang mood haha.😂😄 ngunit di ko parin maiwasan na mapangiti.
"Oo,naman nagustuhan ko ang ganda nga eh ...hoy wag ka ng mahiya nagustuhan ko naman ."= I said sabay akmang lumapit para hawakan yung chin niya para itaas kasi nakayuko parin siya.
"Akala ko Hindi mo nagustuhan. "= he said na nakaiwas pa din ang mga tingin.
"Paulit-ulit haha sabing nagustuhan ko ..ahmmm wait yung mga bata hindi sila bampira right"?= curious Kong tanong na kanina ko pa gusto malaman ang isasagot nito.
"Yes Hindi sila bampira ..tao sila humingi lang naman ako ng tulong pero wala akong balak na patayin ang mga bata na yan"= he said. Sabay tingin sa mga Batang papaalis na .
Napahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. Hindi naman porket bampira ay masama na agad lahat naman ng nilalang sa mundo mapasama o mapabuti ay may taglay pa ding kabutihan nang loob.
Hindi na muli akong nagtanong at pinagpatuloy na ang pagkain. Yung dinner namin kakaiba. Hindi dugo ang aming inumin kundi tubig lamang at hindi lamang loob kundi prutas lamang ang nakahandang pagkain.
Nasiyahan naman ako at hindi ako mahihirapan na pigilan ang gutom ko dahil pagkain ng tao ang nakahanda. Napapatawa nga ako habang kumakain :).
"Nga pala napansin ko na malimit kitang makita na kumakain sa canteen. Kaya napaisip ako na ito na lang ang ihanda para pagsaluhan nating dalawa."= he said na nakatingin na sa akin at pinagmamasdan akong kumain.
"Nakakahiya yang ginagawa mo. Wag mo kaya akong panuorin kumain."= saway ko sa kanya na napahinto pa sa paglamon. 😁
"Napaisip lang ako kung bakit ang lakas mo kumain ng pagkain ng mga tao kumpara sa pagkain at pag-inom ng dugo."= he said na namuntikan na ang mabilaukan.
Nagtataka na ba siya sa mga ginagawa ko? "Anong ibig mong sabihin? Na matakaw ako."= lihis ko ng usapan kahit ang layo ng sinambit nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampiro#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...