‡UNTIL THE END‡

98 8 0
                                    

†THIRD PERSON'S POV:†

"Walo laban sa Isa. Hindi naman halatang naninigurado kayo sa inyong pagkapanalo laban sa akin.,tila pandadaya ang inyong ninanais na gawin."= mapanuksong saad ni Enrique.






"Mamatay ka na nga lang dami mo pang reklamo."= mapang-inis na saad ni Dylan na tanging ikinatingin lamang ng mapangkahulugan sa kanya.






Pakiramdaman ang lahat at mariin na tinitigan ang bawat paggalaw nang kanilang nag-iisang kalaban sa harapan habang pinapalibutan nila ito. Kanya-kanyang handa ng mga armas para sumugod sa lalaki na nakangisi lamang sa kanila.





Sa paghudyat ng huling huni ng ibon ay pagsenyas nila sa isat-isa kung sino ang unang susugod dito. Unang gumawa ng hakbang ang nasa likuran na si Janella sumugod ito ngunit agad nakaiwas si Enrique. Humarap si Enrique sa kanya, agad siya nitong  sinikmuruan dahilan para mapatumba ito sa sahig at mabitawan ang hawak na armas.






Gusto na sanang lumapit ni Kathryn ngunit pinipigilan siya ni Daniel na makielam sa laban ng dalawa. Dinampot naman ni Enrique ang armas at agad na ginamit ito upang puruhan ang kaharap na si Janella. Walang habas na pinutol nito ang kanang kamay ng dalaga. Tanging sigaw lamang nito ang nanaig sa mga oras na iyon.






Hindi na napagkatiis pa ang iba at sumugod na din sila upang tulungan si Janella. Hindi manlang nagdalawang-isip na sumugod sina Diego at Julia na kapwa inuna ang bugso ng damdamin bago gumawa ng hakbang kung paano nila tatalunin ang dalawa. Tila natuwa naman si Enrique sa nangyayari. Habang taimtim na pinag-aaralan ng El Rey at ng dalawang magkapatid ang dapat gawin.






Sinimulan siya ng sugodin ni Julia na akma nitong aatekihin ang binata mula sa harapan ngunit mabilis na naglaho ito at napunta sa likuran ng dalaga at agad na hinawakan mariin ang kaliwang braso nito sabay pinilipit hanggang sa magkabali-bali na ang buto sa ginawa niya dito. Impit na sumigaw si Julia dahil sa sakit na natamo. Na alarma agad si Diego at agad na sinugod si Enrique.






Hindi pa man ito nakakalapit ay agad na siyang humalgapak sa sahig nang tamaan siya sa tiyan ng isang sibat ginamit ni Julia kanina upang atakehin si Enrique. Napabulwak ang dugo mula sa bibig nito nang walang patid.Tila maluha naman na tiningnan ni Julia ang kasintahan na nag-aagaw buhay sa kanyang harapan. Tatlo na ang natalo lima na lang ang natitira.






Sunod namang sumugod si Katsumi gamit ang dalawang katana sa magkabilaan nitong mga kamay. Akmang nahirapan si Enrique sa pagkikipaglaban dito. Hindi dahil sa dalawa ang hawak nitong armas kundi mas mabilis itong kumilos at lagi siyang napupuruhan nang di manlang niya namamalayan.






"Nagtataka ka ba kung bakit napupuruhan kita ng di mo manlang nalalaman. Kung iniisip mo na dahil sa taglay kung bilis iyon pwes mali ka nang iniisip na rason. Hindi bilis ang ginagamit ko kundi ang oras."= salaysay nito habang tumatayo mula sa pagkatumba ang kaharap nitong si Enrique.






"Kaya pala ang hirap basahin ng mga hakbang na ginagawa mo para sumugod sa akin. Salamat at sinabi iyon."= ngumiti si Enrique na may pagkamahulugan tila nakaramdam naman ng takot si Katsumi sa pag ngiti nito.






Muli silang naglaban hanggang sa mahiwa naman ni Enrique gamit ang mga matatalim na kuko si Katsumi sa bandang ibabang tiyan nito. Nagpatuloy ang laban ng dalawa hanggang si Katsumi naman ang makaganti kay Enrique na nahiwa naman nito sa dibdib na may paletrang X ang natamo. Napangiwi naman si Enrique na humarap dito.






Life Against Death Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon