†KATHRYN'S POV:†
"Good morning students . kamusta ang party masaya ba?"= ngiting may galak ni ma'am na tanong sa lahat.
Para sa iba masaya kasi Hindi naman nila naranasan ang survival contest. Hindi sila yung mga humiyaw at pinaghahabul ng mga walang awa nilang kalahi. Kaysa maawa sila natuwa pa habang nagmamakaawa ang mga kalahi nila. Pero kung tatanungin ay ayaw na namin ito muling maulit.
Habang nagsasalita ang guro namin ay bumalik muli ang mga naganap kagabi. Tungkol sa planong tinutukoy ni Enrique. Hindi ko inaasahang mapapayag ako nito sa kagustuhan niya. Ngunit Hindi katumbas nito ang pagtitiwala ko sa kanila. Tanging kikilitasin ko muna silang lahat.
"Wait students, wala tayong klase ngayon ...magpp.e. Tayo. Para naman yung mga bago makaranas ng p.e. sa hellish academy."= ma'am said. Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ito.
Tuwang-tuwa yung iba pero ako walang pakielam T_T. Aanhin ko ang kasiyahan na yan kung yung isang nilalang na dapat nahanap ko na ay Hindi ko pa rin mahagilap. Sila na masaya kami na ang nagpapapakalonely.
"BTW ..bago ko sabihin ang mga maglalaro ay may bago muna akong ipakilala ...mga iho at iha pumasok na kayo."= napatingin ako sa pinto at yung apat kasama ang isang lalaki na hindi ko kilala sila pala ang bago naming kaklase.
Nagpakilala na sila ng madalian at agad na umupo sa likod na katabi lamang ng upuan ng mga member ng council. Bago maupo ay nagkatitigan pa ng masama ang magkasalungat na panig. Nagsisimula na ang plano.
"OK so students makinig kayo ito ang list sa archery players for white team . ms. Chandria , ms. Lockser , ms. Montesor, ms. Hailey . ms. Salvadoran and ms. Bruise."= huminto muna ito . nagsitinginan kaming Tatlo mas better na kateammate ko sila kaysa makasama ang councils. Tiyak na magkakagulo lang.
"And for the black team. Ms.eliza, ms. Malzard, Ms. Frances, Ms.Tachibana, ms. Andrew and ms.Rou."= nagsipalakpan yung councils halata tuwang-tuwa sa kateam mate nila.
"Pagkatapos niyan fencing naman for white : Mr. Gellal, Mr. Llyod and Mr. Gothenburg and for black naman Mr. Moon Ford, Mr.Paschal and Mr. Kabuki."= ma'am said. Nagsihanda naman ang lahat at agad na nagpalit muna ng kasuotan bago sumabak sa laro.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampiro#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...