‡THE PROMISE AND THE DAWN‡

103 6 0
                                    

†KATHRYN'S POV†

"Nagawa mo"= sa pagsalita ni Dylan ay unti-unti kong iminulat ang aking mga mata mula sa pagkakapikit ng magdesisyon akong bitawan ang palaso sa aking kamay.


Sa pagmulat ko ay una kong tiningnan ang direksyon kung saan nakaluhod ang nanghihinang si Enrique habang nakabaon sa kanya ang palaso na pinakawalan ko at inasinta sa kanyang puso. Napangiti ako sa galak ng makita na tunay ngang nagawa ko at hindi ako sumablay.



Ngunit agad din palang babawiin ang aking kasiyahan ng magpaulan ng palaso papunta sa aking direksyon ang mga lalakeng kanina pa nakapalibot sa aming kinaroroonan at naghihintay ng hudyat upang ang kanilang palaso ay pakawalan.




"Shit."=napamura na lamang ako sa pagkakabigla at mariin na napapikit lamang.




Ito na ba ang sinasabi nilang kamatayan? Ito na nga ba ang hudyat na hanggang dito na lamang ang aking buhay.? Tanggap ko na ang magiging kahihitnatnan ko pero nagbago iyon sa isang iglap.




Napamulat ako ng madama na wala manlang palaso ang tumama sa aking katawan. Kinukutuban man ay tiningnan ko ang pangyayari at halos manlumo ako sa nakita ko. Si Dylan. Siya ang sumalag ng mga pana na dapat sa akin ay aasinta.



"Paalam. Kathryn."= tanging mga huling salita niya sa akin bago siya tuluyang sumalampak sa lupa at mawalan ng hininga.





"Kathryn."=nang marinig ko ang boses niya ay agad akong napalingon.





Palapit na sana ako sa puwesto nito pero isang salita ang napatigil sa akin. "Mahal kita." kasabay nito ang pag-tulak niya sa akin ng malakas paalis sa aking kinakatayuan.





Nakita nang aking mga mata ang harap-harap na pagsugod nila ng sabay ni Enrique sa isat- isa. Maya-maya napahandusay silang dalawa na hawak- hawak ang mga punyal na tumama at bumaon sa kanilang mga puso. Naistatwa ako sa aking kinakatayuan ng masaksihan ko ang mga pangyayaring nagaganap.





Dahan-dahan namang bumagsak siya sa sahig dahilan para bumalik ako sa realidad. Agad ko siyang dinaluhan at nilapitan. "Akala ko ba mahalaga siya sayo. Bakit di mo naman nagawang protektahan??"= kahit nanghihina ay nagawa pang ngumisi ni Enrique sa akin.






Napatingin ako sa kanya ng masama pero nanatili lamang siya na nakangiti ng malapad.Halos manghina ako sa nakita ko at
pinipigilan kong mapaluha habang akap siya. Gusto ko sanang humingi ng tulong pero papaano kung nakapalibot padin sa amin ang lalakeng may hawak na mga palaso.





Nasa tingin ko ay magpapakawala na naman ng mga palaso sa direksyon naming dalawa. Hawak ko lamang ang mga kamay niya ng mapabaling ako sa direksyon ni Enrique na ngayon tinatangay na ng hangin ang kanyang abo. Muli akong napadako ng tingin sa mga lalake na ngayon handa nang pakawalan ang mga palaso nilang hawak.





Pero sa isang sandali natigilan ang mga ito ng makita sina Katsumi at ang mga kasama niyang mga kakampi. Agad nilang ginilitan ng nga leeg at sa isang iglap ay natapos na din ang digmaan sa pagitan ng magkatuligsang lahi.




"Andito na sina Katsumi. Makakahingi na tayo ng tulong. Pupuntahan ko muna sila itatanong ko kung nasaan si Julia. Hindi kasi kita magagamot ngayon dahil madami na din ang nasayang sa aking enerhiya. Dito ka lang hahanapin ko muna siya."= I said at akmang patayo na sana kaso hinawakan niya ng mahigpit ang aking mga kamay.





Life Against Death Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon