†KATHRYN'S POV:†
Kasabay nang saliw ng magandang tugtugin sa ilalim ng mga dahong tila salamin na nasisilawan nang haring araw ay ang dahan-dahan kong paglapit sa natatanging lalake na nagpa- ibig sa akin. Ang lalakeng kasama ko sa lahat ng hirap, pagsubok at saya.
This I Promise You
By: Nsync🎶Oh, oh
When the visions around you
Bring tears to your eyes
And all that surrounds you
Are secrets and lies🎶Habang nagmamartsa ako papunta sa kanya ay agad kong binalikan ang aming mga alaala dalawa kung paano kaming humantong sa ganitong pagtatapos. Kahit na lahat ay pilit sinubok ang aming katatagan na maski tadhana ay hinadlangan ang aming pagmamahalan.
🎶I'll be your strength
I'll give you hope
Keeping your faith when it's gone The one you should call
Was standing there all along🎶Sariwa pa sa aking mga alaala ang una naming pagkikita. Yung mga mata niya na kasing lamig ng yelo nung unang magtagpo at magkatinginan kami sa isat-isa. Yung ginawa niya pang pangbabanta sa akin noong panahon na turingan namin ay magkalaban.
🎶And I will take you in my arms And hold you right where you belong
Til' the day my life is through
This I promise you
This I promise you 🎶Natatandaan ko pa na napasali ako sa isang paligsahan na ang matinding kapalit ay yung buhay at katapangan kung saan siya ang pasimuno ng lahat. Halos klaro pa ang mga tingin nito sa akin noong panahon na iyon. Nakangisi siya habang sinusubukan ang katatagan ko para sa kanyang kaligayahan.
🎶I've loved you forever
In lifetimes before
And I promise you never
Will you hurt anymore🎶Noon naisip ko na tuso siya ngunit ng dumating ang panahon na pinaglapit kami ng mapaglarong tadhana sa isat-isa ay di ko naisip na ang tusong ito ay magiging malapit sa akin at ipagkakaingatan ko bandang huli. Ang tusong nilalang noon ay ngayon mapapalitan na nang isang nilalang na may puso.
🎶I give you my word
I give you my heart
This is a battle we've won
And with this vow
Forever has now begun🎶Doon ko din nalaman ang pagiging tuso at walang ka emosyon nitong mga mata ay may itinatagong nakaraan na nakapagdulot sa kanya ng kalungkutan. Sa pagtulong ko dito nung panahon na nakita ko siya sa locker at nanghihina ay napansin ko na ang tuso din pala ay may kahinaan ngunit tinatago lang nila sa pamamagitan ng kanilang mga mata.
🎶Just close your eyes (close your eyes)each loving day (each loving day)
And know this feeling won't go away (no)
Til' the day my life is through
This I promise you
This I promise you🎶Pumasok sa isip ko ang ginawa kong pagtulong dito. Kung bakit iniligtas ko pa ang isang kalaban na sanhi ng paghihirap nang sangkatauhan?. Aaminin ko sa sarili ko na gusto ko siyang iwan habang nanghihina pero tao pa din naman ako at dinadapuan ng konsensya kaya agad ko na lang siyang iniligtas.
🎶Over and over I thought
When I hear you call
Without you in my life, baby
I just wouldn't be living at all🎶
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampire#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...