†KATHRYN'S POV:†
100 taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang digmaan na naganap kapwa maraming nawalan ng minamahal pero di kalaunan natanggap din ng lahat ang sinapit ng iilan. Kanya-kanyang bangon upang harapin ang paparating na hinaharap.
Sa paglipas ng panahon na iyon marami ang naganap. Halimbawa na lamang ay ang tuluyang pagsanib sa amin ni Alyana. Ang kababatang kapatid ni Enrique na nagawa siyang traydorin dahil sa hindi makatarungang hangad nito.
Si Alyana Gellal ang siyang tumulong kay Katsumi ng mga oras na kailangan namin ng kakampi. Siya din ang kumupkop sa mga sugatan kong kaibigan. Di naman lingid sa kaalaman ng iba na maaari din niya kaming traydorin.
Pero ang mga pagduda namin sa kanya ng una ay napalitan ng pagtitiwala dahil sa ilang beses ding pagpapatunay nito na iba siya sa kanyang kapatid. Sumunod namang nangyari ay ang pagpapakasal nila Diego at Julia.
Pagkatapos ng nangyaring pakikipaglaban nito kay Enrique ay labis na ikinatakot ni Julia na maaari itong mamatay. Kaya sa pagtatapos ng digmaan ay hindi na nagpaligoy ang dalawa at siyang nagpakasal bago mahuli o maulit na naman ang pangyayaring naganap sa nakaraan.
Samantalang sina Katsumi at Janella na laging di magkasundo ay di rin natagalan nahulog sa isat-isa. Palagi ba namang mag-asaran at mag-away araw-araw kaya iyon ang ending nahulog paunti-unti si Katsumi at umamin na mahal niya si Janella.
Naisipan din namin na muling ipaayos ang Hellish Academy na nadamay sa kabilaang pagpabomba. Itong Academia na lang kasi ang tangi naming alaala sa mga namatay at nadamay kaya naisipan namin itong muling buksan sa publiko.
Hindi na katulad ng dati ang mga patakaran ng Academia. Ang dating ipinagbabawal na pagpapasok ng mga mortal ay ngayon napalitan na. Parehas nang nagsasama sa loob ng Academia ang dalawang magkasalungat na lahi.
At ang titulo din nito na pagmamay-ari ng pamilya Moon Ford ay ngayon isinalin na sa pagmamay-ari ko hanggat di pa siya bumabalik sa amin. At ang huling pagbabago ay ang ganap kong pagiging immortal. Pumayag ako sa alok ni Julia na maging isang ganap na bampira.
Katulad ng ginawa kay Julia ang siya ding ginawang proseso para maging isang ganap na Immortal din ako. Nung una natakot ako sa pwedeng maging kinahahantungan ng pagpayag ko. Pero nang matapos ay labis ko namang ikinatuwa.
Sa paglipas ng panahon, at pagtakbo ng oras ay siya ding tagal ng paghihintay ko sa kanya. Marami na ang nagbago pero wala pa din siya. Mismo anino o kaya presensya man lang wala pa din akong nadadama at nakikita manlang.
Kasalukuyang abala ang lahat para sa kasiyahan dito sa Academia. Ito kasing araw ng prom ng mga istudyante dito at bilang may-ari ako ang nangangasiwa sa lahat pero may tulong pa din naman nina Julia. Masquerade party ang theme kaya kapag wala kang mask hindi ka papasukin ng mga guard.
Maski mga faculty member at ang council ng school ay inatasan ko ding mag mask ang hindi sumunod sa akin papalabasin. Lahat nang mga tao at bampira na dumalo nagsasayawan na. Tanaw ko yung mga kaibigan ko na kasama ang mga kapareha nila sa gitna samantalang nagmukmok ako sa gilid ng gymnasium.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampiros#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...