†KATHRYN'S POV:†
Sa pagdating ng misteryosa na babaeng ito ay tila nabalot ng tensyon ang buong paligid. May anong aura akong nararamdaman sa pagsulpot nito ng wala manlang pahintulot. Halos hindi ako makapagsalita sa sobrang pagkabigla sa aking narinig. Kapatid niya ba talaga ang babaeng ito.?? >.>.
"Hindi mo manlang ako sasalubungin ng yakap o kaya babatiin sa aking pagbisita sa iyo.?, ganyan mo ba talaga akong ituturing kapatid ko?"= lungkot nitong sabi ngunit mababakas naman ang inis sa kanyang pananalita.
"Sino nagbigay nang awtoridad na pumasok ka sa aking opisina na wala manlang pahintulot mula sa akin.!?!"= kaysa sa sagutin nito ang tanong ng babae ay agad niya itong sinigawan.
Kita ang pagkasuklam sa mga mata ni daniel. Hindi ko alam pero para bang kung ituring niya ang kanyang kapatid ay isa lamang itong mababang uri o di kaya isa lang na hindi ka kilala. Napayuko ang babae sa itinuran nito sa kanya.
"At bakit ko naman hihingin ang pahintulot mo... kung isusurpresa kita...edi hindi na matatawag na surpresa iyon...Akala ko pa naman ikaw ay matutuwa ngunit para bang kasalungat ang aking inaasahan na siyang paraan ng pagsalubong mo sa akin."= she said na palakad lakad sa buong pasilidad at patingin- tingin sa mga mamahaling antigo.
"Hindi ko kailangan ng panauhin lalo nat kung ikaw din lamang iyon. Ano ba talaga ang iyong sinadya dito at kailangan mo pa ako bisitahin kahit wala akong ipinahatig na mensahe mula sa iyo.?"= tanong nito na may diin sa bawat mga salita.
"Tila abala ka sa mga nakaraang araw at ni hindi mo na natandaan ang importanteng araw na ito. Sigurot abala ka sa kanya."= agad naman niya akong tinapunan ng tingin.
Yung mga tingin niya, tingin na tila nanghuhusga at nanunuri. Seryoso niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa pagkatapos ay agad din akong tinarayan. May problema ba?
"Isa na naman bang utusan. Kung maaari palabasin mo muna siya. At sasabihin ko ang intensyon ng aking pagbisita sa iyo."= utos nito na mala awtoridad ang pagsasalita.
Utusan? Ako? Kanina pa itong babae na ito. Sino ba siya para manglait ng kapwa niya? Akma akong susunod para makapag- usap na sila ng bigla akong higitin ni daniel sa aking kamay.
"Wag mo siyang tinatawag na utusan."= inis nitong sambit na kinatingin ko sa kanya.
Napatingin na lamang siya sa amin. At pinagpatuloy ang sinasabi. "Mag- uusap tayo na nandiyan siya. Hindi magandang pag- uugali iyan kapatid ko."= ngisi nitong saad at agad ding umupo na naka dekwatro. Habang nilalaro ang kanyang mga daliri.
"Kung ayaw mo na manatili siya dito pwes wala akong panahon para makipag- usap sayo."= akma nitong tinalikuran ang babae. Hinatak niya naman ako.
"Kung wala kang panahon makipag- usap sa akin. Ibig sabihin wala ka ding panahon makipag- usap kay ama."= mapang-asar nitong saad.
Tila nagpantig ang tenga ni daniel at napahinto ng ilang minuto ngunit agad din kaming umalis sa lugar na iyon,pero bago kami umalis sumulyap muna ako muli dito at kita ko ang pagkuyom ng mga kamao nito sabay tumingin sa akin nang masama.
Lakad lang kami nang lakad ayaw manlang magsalita. Tipong kahit gusto kong magtanong ay nag- iisip na lamang ako kung itutuloy ko pa ba. Bakit kaya ganyun na lamang ang pagkasuklam niya sa kanyang kapatid.? Isip lamang ako ng isip kaya di ko na napansin na huminto na pala ito.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampirgeschichten#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...