†KATHRYN'S POV:†
Pinanlilisikang mata agad ang sumalubong sa akin sa labas ng academy kung saan ay balak kung mag-enroll... Isang guard na kung makatingin ay nakakasindak... Pero agad din naman ako nitong pinapasok.
Malawak at may transparent na mga salamin ang bubong ng academy. Maraming mga pine tree na puno ang makikita na nakapalibot sa academia. Nakakapa niguradong walang makakapasok na liwanag o kaya sikat man lang ng araw.
Bantay sarado din ang mga daanan dito. Lahat ng pasilyo ay may nagkakalat ng taga pagbantay. Tila mahigpit ang seguridad dito. Hindi kaya ako mahirapan nito. Kapansin-pansin din ang mga kasuotan ng mga istudyante. Pulang uniform na black ang ribbon sa gitna para sa babae samantalang itim naman at kulay pulang necktie para sa lalaki.
Matapos kung ilibot ang aking paningin sa loob ng academia ay dumiretso na ako sa tanggapan ng punong-guro ng iskwelahan na ito. Pagpasok ko pa lamang ay isang tanong na agad ang bumungad sa akin.
"Ano ang maipaglilingkod ko sa yo magandang dalaga " = tanong ng isang matandang bampira na nasa harap ko at simpleng nakaupo lamang habang nakangiti..
"Mag-eenroll po sana ako kung maari Mr.?"= agad Kong putol dahil di ko naman siya kilala. Sabay umupo muna ako.
"Mr.Guirin hija .. "= sabi nito sabay ngiti sa akin. Inabot ko sa kanya ang mga papeles at agad niya itong tiningnan.
"So, your name is Kathryn Chandria ...So Ms. Chandria your now officially student of hellish academy welcome and enjoy "= he said then inoffer niya ang kamay at nakipagshakehands naman ako.
Hindi ko akalain na ganyon lang kadali ang unang hakbang para mapalapit sa kalaban. Napangiti ako at sa wakas napasok ko na nang tuluyan ang mundo ng bampira. Mahahanap ko na din ito.
Pagkalabas ko sa office ni Mr. Guirin ay may nahagip ang aking paningin. Isang lalaki na may kasamang babae. Isang malamig na tingin ang natanggap ko mula sa lalaki. Nakakatakot ang aura nito. Pero yung tindig nito pamilyar. Hindi ko lang alam kung saan ko ito nakita. Samantalang ang babae niyang kasama nakatingin lang sa akin ng seryoso.
Problema nila?.tsk. Hinila ng babae ang kasamang lalaki pero bago sila umalis ay dumaan muna ang lalaki sa direction ko sabay nag-iwan ng isang palaisipan sa akin. "The game starts now"= at agad na itong nagpahila ng tuluyan.
Ano ang ibig nitong sabihin? Muli ko itong nilingon ngunit tuluyan na silang naglaho.
†LIZA'S POV:†
Pagkatapos ng klase namin ay kailangan na naming pumunta sa library na malapit lamang sa dean's office.. Tiyak na naiinip na ang mga iyon kakahintay sa aming dalawa. Gaya ng dati tahimik lang kaming naglalakad para bang wala akong kasama...malalim na naman ang kanyang iniiisip ngunit Hindi ko iyon magawang basahin dahil sa hindi naman ako mind reader.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampir#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...