‡PLAN‡

331 11 0
                                    

†KATHRYN'S POV†


Tahimik lang kaming nagmamasid at naghihintay ng tamang oras upang lumabas. Paalis na sana kami sa aming pinagtataguan ng biglang may isang sigaw ang aming narinig malapit lang sa aming pinagtataguan.



Isang babae ang aking nakita. Kasing-edad ko lang siya. Halos madurog ang puso ko sa awa ng kinaladkad siya ng mga bampira sa kanyang pinagtataguan. Nagkada sugat-sugat ang kanyang tuhod, siko at mukha sa pagkakaladkad ng sobra sa kanya ng mga ito.



"Ate tulungan natin siya "= bulong sa akin ng batang babae pero Hindi nga maaari dahil ayokong idagay sa peligro ang buhay niya.




Napailing ako sa sinabi nito at sumagot agad dito."Sorry pero bawal baka madamay ka pa , paano na lang natin mahahanap ang mama mo kung tutulungan natin siya "= pagpapaliwanag ko sa kanya. Hindi na siya nagreklamo at bumalik ang tingin namin ulit sa babae.



Lalong humigpit ang hawak ng bata sa akin. Maiyak-iyak ito na pinipigilan ang kanyang hikbi. Napagulat na lang kami ng marinig namin ang isang malakas na kalabog.


Muli akong sumilip at nakita kong walang awa na tinatapon at ibinabalibag nila ang babae na para bang isang bagay ang itinatapon.Nagkalasog -lasog na ang katawan nito pero Hindi parin sila tumitigil.




Nang matapos ang kasiyahan nila ay agad na winakwak ng mga matatalas na kuko ng mga bampira ang leeg ng babae. Katulad ng nasa una bumaha din ang dugo nito.





Mga walang awa. Nang mabusog ay agad ding iniwan ang kanilang mga kawawang biktima. Punong-puno ng dugo ang kanilang mga bibig. Mga halimaw talaga.



Sa pag-alis ng mga bampira. Bakas ang karahasan na kanilang iniwan. Tulala lamang ang lahat ng nakaligtas. Naghihignapis sa pa sa pagkawala ng mga mahal nila sa buhay. Ang iba naman na siyang nakaligtas ay hinahanap ang kanilang kamag-anak .



Halos nabalot ng iyakan ang paligid. Nakatulala lamang ako habang pinagmamasdan ang lahat. Isang luha ang pumatak sa aking pisngi na Hindi ko namamalayan.



"Ate, wag ka ng umiyak "=sabi sa akin ng bata Hindi ko pala namalayan na umiiyak na ako nanghina naman ako at agad napaupo.



"Wala akong kwenta! Kasalanan ko ito! Ako dapat ang nagproprotekta sa inyo. Kaming mga sorceress ang dapat tagapagtanggol ng mga tao .pero nagtago lang ako..."= iyak lang ako ng iyak hanggang sa niyakap na ko ng bata.





"Ate tama na po , wala pong dapat masisi dahil lahat naman po Hindi ginusto ang nangyari . ate ang mahalaga nagawa ninyong protektahan ako..kanina po alam kong gusto ninyong tulungan yung dalawang babae pero mas inuna ninyo ang kalagayan ko kaya kahit ganyun manlang ang ginawa po ninyo ay may niligtas pa rin po kayo at ako po iyon ..kaya maraming salamat po "= ngiting sabi ng bata sa akin . kahit papaano napalagay ang loob ko .



Life Against Death Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon