†THIRD PERSON'S POV:†
Takbo lamang ng takbo ang naturang dalaga para lamang makalayo ng tuluyan sa gubat na kanyang kinaroonan. Pasikot-sikot lamang ito, kahit na magkasugat sugat para lang makatakas sa humahabol sa kanya na si Liza. Kakatakbo nito di niya namalayan ang isang ugat nang kahoy kung saan mismo siya napatid.
"Lintek!"= pasaring nitong sabi ng akma niyang tiningnan ang napapasang paa.
Kahit na hihirapan ay pilit siyang tumayo at pilit na nilalakad ang ika-ikang paa. Hindi pa siya nakakalayo sa kinaroroonan ng may napansin siyang nakatayo sa kanyang likuran. Hindi na niya nagawa pa itong lingunin dahil alam naman nito kung sino ang nilalang nasa kanyang likuran.
"Andito ka lang pala !"= sambit ng babae na sa kanyang likuran walang iba kundi si Liza. Walang ano-anoy lumapit ito ng mabilis sa kanyang puwesto at hinila ang kanyang buhok.
"Kahit magtago ang daga sa lungga ay mahuhuli at mahuhuli pa din siya ng kinakatakutan niyang pusa. Like you Kathryn kahit magtago ka ng ilang beses o tumakbo papalayo sa akin. Mahuhuli at malalaman ko pa din kung nasaan ka gamit ang mahalimuyak mong dugo."= napangisi ito habang mahigpit pa din ang pagkakahawak sa likurang bahagi na buhok ng dalaga.
Muli na naman niya itong kinaladkad pabalik sa direksyon kung saan sila nahiwalay sa kanilang mga kasama. Halos makaramdam ng hapdi ang dalaga dahil sa mga natatamo nitong gasgas at galos sa bawat pagtama ng kanyang balat sa damuhan na may mga tinik.
Nang makarating sila sa dating direksyon ay hinila niya agad si Kathryn patayo at isinandal sa puno. Mariin nitong hinawakan ang leeg ng dalaga at agad na tinapunan ng seryosong tingin. Tila iwas ang tingin naman niyang sinuklian ito.
"Ano ba ang meron ka na wala sa akin at ganyan ka na lamang niya mahalin?"= Liza asked. Nakuha naman nito ang atensyon ni Kathryn kaya agad itong napatingin sa kanya.
"Wala ka na meron ako. Pakiramdam. Paghinga. At Pagmamahal. Yan ang wala ka"= mahinahon man ay bakas pa din ang panggigil nito sa mga sinabi niya.
Napatahimik naman si Liza sa kanyang narinig. Lito at tuliro ang isip nito sa mga sinabi ni Kathryn. "Pakiramdam. Paghinga at Pagmamahal. Tsk. Kaya ka lang ba minahal ni Daniel ay dahil sa mga iyan. Pinapatawa mo ba ako."= panghahamak nito na saad.
Agad naman siyang pinutol ni Kathryn. "Hindi. Wala ka namang oras para makipag biruan. At oo minahal niya ako dahil sa tatlong yan. Pakiramdam na kinakailangan niya dati pa pero ikaw na kababata niya di manlang nalaman. Di ninyo iniisip ang nararamdaman niya noon pa.. Ang Iniisip ninyo lagi wala siyang problema na dinadama dahil ang iniisip niyo lagi ay pangkaraniwan lamang ang pagiging tahimik at pagiging mapag-isa niya palagi."= tila napaurong ang dila ng matapang na si Liza sa kanyang narinig.
Tama nga ang sinabi ni Kathryn. Lagi niyang iniisip na pangkaraniwan lamang sa mga kilos at galaw ng kanyang kababata ang mga iyon pero nagkakamali pala siya ng pagkilala dito noon pa. Ang lubos niyang akala ay kilala na niya ito ng lubusan ngunit maling akala lamang ang lahat.
"Pangalawa ang Paghinga na hindi niyo naibibigay dahil sa mga responsibilidad na naka atas sa kanya. Ang lahi ninyo lagi ang iniisip niya noon pa man pero ng dahil lang sa pinili niya ang landas na gusto niyang tahakin para lamang makalaya sa mga responsibilidad ay naisip ninyo kaagad na nagtraydor na siya sa inyo at di kayo ang pinili niyang kampihan. Di niyo lang alam na lahat ng hakbang na ginawa niya para sa inyong kapakanan dahil siya ang tagapagmana at prinsipe na inatasan na protektiyunan ang lahi na wala namang pakielam sa kanya."= dama-dama nito ang pagkasuklam ni Kathryn sa kanila.
BINABASA MO ANG
Life Against Death
Vampire#137 in vampire Dalawang magkasalungat na lahi ang isa ay naghahari at ang isa ay siyang patuloy na nalalagas. Sa sigalot sa pamamagitan ng dalawa. May pag-asa bang maka buo ng hindi inaasahang pag-iibigan? Kung lahat ay siyang nagiging hadlang? Sa...